<Ten> kilig kilig din pag may time

73 1 2
                                    

guys have you watched TFIOS? ganda noh wala lang hihihi such an inspiring story, sana maging kasing galing din niya ako magsulat someday... hehehe

Patience is a virtue. bow! sorry masyado matagal eto na ata pinakamatagal kong pag-uupdate busy kasi eh pasensya na bawi na lang ako kay here it is.... 

 

Alas syete pa lang ng umaga ay nasa may parking lot na ng SC Castillo Company si Santi, nakasandal siya sa magarang sasakyan habang hinihintay si Pia. Ilang araw na din ang nakalipas matapos ang insidente, tinetext, tinatawagan at minsan na din siyang nagbakasakali sa condo ng dalaga, humingi na din siya ng tulong kay Philip ngunit mukha talagang ayaw siya nitong kausapin kaya ngayong araw nagdesisyon siyang abangan ito, hindi na siya makatiis na hindi makita o makausap man lang ang dalaga kaya maaga talaga siyang nagayos at pumunta sa opisina nito upang magbakasakaling machempohan niya ang dalaga.

Maya’t maya ang kanyang tingin sa kanyang relo at naghahanda din siya ng mga sasabihin sa dalaga.

Hindi ako aalis hangga’t hindi kami okay. Tama ganyan ang mindset Santi. bulong ng isip niya. Masyado na siyang kinakabahan.

Habang nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip lulan ng isang magarang sasakyan bumaba ang taong kanina niya pa hinihintay at tila hindi pa napapansin ang presensiya niya, dali dali naman kinuha ni Santi ang bulaklak na binili at kaagad na lumapit kay Pia na noo’y papasok na ng building.

Pia. Tawag ni Santi sa dalaga. Lumingon naman si Pia upang tignan ang tumawag ngunit agad din humarap at naglakad ng mabilis, si Santi naman ay tumakbo na sa harap niya at hinarangan siya.

Pia, let’s talk. Please. pagsusumamo ni Santi habang naghahabol ng hininga.

Mr. Madrigal, may trabaho ako kaya pwede tumabi ka sa dadaanan ko. Pagsusungit ni Pia. Tumingin naman si Santi sa relo. 8:20 am na.

5 mins. lang Pia, please pakingan mo naman yung side ko oh, tsaka kanina pa ako naghihintay dito. Pangungumbinse ni Santi.

Aba Mr. Madrigal sino ba nagsabi sa’yo na hintayin mo ko? Pagtataray pa din ni Pia.

No it’s not what I meant, sige na pls hear me out.

3 mins. Sabi ni Pia.

Huh? Medyo nagulat naman si Santi kaya hindi niya kaagad nakuha ang ibig sabihin ng dalaga.

2 mins. And 40 secs. Sabi ni Pia.

Oh shit. Santi cursed. Huminga siya ng malalim at deretsong tumingin sa mata ni Pia.

Okay, I was having my vacation kila Kiko who happens to be my bestfriend. Sa kanila ako tumutuloy kaya in return I help him in his business, sa talyer. Mag-twtwo months na ako doon noong mapadpad ka ng talyer. Lahat sila kilala ako as Santi and they knew I’m a Madrigal, kasi hindi ko naman tinago sa kanila alam ko naman kasi mapagkakatiwalaan sila. Mahabang pagpapaliwanag ni Santi kay Pia na tahimik na nakikinig. Tutuloy pa sana siya ng biglang magsalita si Pia.

So hindi pala ako mukhang katiwatiwala ganun? Pagtataray ni Pia at tinaasan siya ng kanang kilay. Okay fine! At akmang aalis pero nahawakan siya ni Santi sa braso.

Patapusin mo muna kasi ako. Iritableng sabi ni Santi. tinignan naman siya nito ng masama.binitawan naman siya ni Santi at napakamot na lang ng batok.

Bakit Ikaw Pa Ang Minahal (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon