<Three> Her Past Heartache

75 2 0
                                    

Habang nagddrive ako bigla ko na naman SIYA naalala. Actually madalas kami lumabas kapag Friday since busy sa work yun lang ung time na makakapagdate kami. Usually we call and text each other everyday para kamustahin ang isa’t isa o kaya minsan kapag hindi busy ang isa pupunta ng office to bring food tapos sabay kami kakain. By 6pm nasa may lobby na siya waiting for me at lagi siyang on time may dala pang flowers para sa akin, we’ve been like that for a year. Those were the happiest days of my life being with him. Hanggang sa mangyari ang isang bagay na hindi ko inaasahan.

Flashback

Friday na ngayon at excited ako kasi may date kami mamaya ni Harvey. Pero at the same time kinakabahan ako kasi last time na nakausap ko siya nung Saturday pa ng gabi. Tinetext ko siya pero hindi siya nagrereply kapag tinatawagan ko naman hindi niya sinasagot. Naisip ko na lang baka sobrang busy niya kaya ganun.

Inayos ko na ung gamit ko para bumaba na 5:30pm na kasi inagahan ko na kasi sobrang miss ko na siya ngayon lang kasi nangyari na hindi kami nagkausap ng ganito katagal eh. Bumaba na ako, pagdating ko sa lobby hinanap ko kagad siya pero wala pa ata siya tinignan ko ang wrist watch ko 5:50pm pa lang pala maaga pa. Kaya umupo muna ako at hinintay siya.

Lumipas ang 30 mins. Wala pa din siya kinakabahan na ako kasi lagi naman on time yun eh never pang na late kaya kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan ko na siya. Siguro mga naka 3 rings lang sinagot niya na.

Hello? Hon nasan ka na? Bakit wala ka pa dito? Na traffic ka ba?

Hindi siya sumagot.

Hon? May problema ba? Hello nandyan ka pa ba?

Kinakabahan na talaga ako hindi naman siya ganito eh.

Pia let’s break up.

Nagkamali ba ako ng dinig? Biglang nanigas ung katawan ko hindi ako makapagsalita.

Pia I said let’s break up.

H-H-Hon a-ano ba yung pinagsasabi mo? H-Hindi kita maintindihan.

Pia ano sa “let’s break up” ang hindi mo maintindihan? May diing sabi niya.

Naluluha na ako, totoo ba tong nangyayari? O panaginip lang? Harvey is breaking up with me ng hindi ko alam ang dahilan.

H-Hon ayoko! Ayoko! May nagawa ba ako? May mali ba sa akin? Last time I check hindi naman tayo nagaway ah, wala naman tayong pinagawayan. Naghihisterikal na ako kasi mali to eh okay naman kami last week tapos ganito mangyayari nakikipagbreak siya.

Narinig kong bumuntong hininga siya.

Pia hindi na ako masaya sa relation natin. Ang boring na everything was a routine, magddate, kakain sa labas, manunuod ng sine. Walang pinupuntahan eh.   Hindi na siya Masaya? Boring?

So dahil lang dun nakikipagbreak ka sa akin? Pwede naman natin baguhin yun eh kung anu gusto mo gawin sige gagawin ko din but please Harvey don’t do this to me. Kung dahil lang dun kaya ko naman mag-adjust para sa kanya eh.

Pia hindi lang naman yun eh marami pa. I’m sorry we should end this.

Then what Harvey! Sigaw ko sa kanya hindi ko na kasi matanggap yung mga nonsense nyang dahilan eh.

Gusto mo talaga malaman? Sige you’re childish, boring at higit sa lahat you’re clingy. Yung gusto mo lang lagi nasususnod you never gave me a chance. I’m sorry Pia pero break na tayo!

*beep* *beep* *beep*

Hindi na ako nakasagot dahil binabaan niya na ako. Sinubukan ko ulit tawagan pero nakapatay na yung cellphone niya. Humahagulgol na ako sa lobby hindi ko na pinansin kung may nakatingin sa akin. Break na kami ni Harvey yan lang ang laman ng utak ko. Hindi ko matanggap sa isang iglap naglaho lahat ng masasayang alaala at napalitan ng lungkot at galit dahil hindi man lang niya binigyan ang relation namin ng pagkakataong ayusin bigla na lang siya nakipagbreak at sa cellphone pa, alam niya siguro na kapag harap harapan niya sinabi yun  eh baka lumuhod pa ako sa kanya at magmakaawa. Oo magagawa ko yun ganoon ko kamahal si Harvey eh. Pero wala na kami. It’s officially over.

Since we broke up hindi ko na ulit siya nakita, pinuntahan ko na siya sa lahat ng maaring lugar na pwede ko siyang makita pero wala eh. Hanggang sa dumaan ang mga linggo wala na talaga akong balitang narinig tungkol sa kanya. nawala na lang siyang parang bula.

Itinigil ko ang sasakyan sa tabi dahil hindi ko na masyadong makita ang daan dahil panay ang tulo ng luha ko. Sa loob ng limang buwan pinilit kong mag move on, kalimutan ang lahat pero ang sakit pa din isipin na hanggang ngayon mahal ko pa din siya. Gustong gusto ko na siya kalimutan pero hindi ko alam kung paano yun gagagawin.

Pinunasan ko na ang mga luha ko at pinakalma ang sarili. Ayokong mahalata ni Sas na umiyak na naman ako. Hay makakalimutan ko din siya. He’s not worth it. Nang medyo okay na ako nagpatuloy na ako sa pagddrive. Maguunwind ako at magsasaya ngayong gabi! Phew! Go Pia kaya mo yan.

Bakit Ikaw Pa Ang Minahal (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon