<Six> Her tears, His feelings

91 2 1
                                    

Mag-aalas siyete na ng gabi ng magdesisyon silang ipagpabukas na lang tapusin ang natitirang sirang sasakyan.

Oh guys! Guys! Guys! Tawag atensyon ni Kiko na sinamahan ng palakpak. Lahat sila ay naghahanda ng umalis.

Huwag muna kayo umalis magcecelebrate muna tayo! Badong halika dito! Lumapit sa kanya si Badong at kanya naman itong inakbayan.

Dahil naging abala tayo nitong mga nakaraang araw kasi unti unti na tayong dinarayo, salamat na aking matalik na kaibigang si Santi eh siguro naman kailangan nating magrelax dib a?!

Wohohohohoho..... sigaw ng mga talyer boys.

Eh Kiko libre ba yan alam mo namang wala kaming pangambag kung sakali tama lang ung kita ko para sa pamilya ko. Tanong ni Nico.

Oo naman noh tsaka birthday naman ni Badong kaya sagot ko na pulutan natin at si Santi naman ang sa mga beer dib a pare?! Sabay kindat kay Santi. Umiiling iling na lang si Santi.

Oo sige sagot ko na beer natin. Sagot ni Santi.

Yon naman eh wohoohohohoho..... sigaw ng lahat.

Oh sige na sige na magsara na tayo. Sabi ni Kiko. Lumapit naman sa kanya si Santi.

Ewan ko kung matutuwa ako sa kabaitan mo. Tsk at talagang ako pa ang taya ah.

Hayaan mo na pare minsan lang naman. tsaka barya lang naman yan para sa’yo dib a?! Bulong sa kanya ni Kiko

Sige na alis na ko. Pahiram nga pala ng susi ng kotse mo. sagot ni Santi

Oh ingatan mo yan ah. Sige ingat pare ha.

Sige.

Matapos bumili ng beer ni Santi ay naisipan niya ding bilhan ng cake si badong. Pabalik na siya ng ma-stuck siya sa traffic kaya naisipan niyang magshort cut na lang kaya matapos umusad ay lumiko siya sa isang kanto. Madalang siya dumaan dito dahil medyo madilim ang kalyeng ito at wala masyadong nadaan.

Habang nagddrive siya, may napansin siyang dalawang kotseng nakahinto doon ang isa’y mukhang pamilyar sa kanya.Nagkibit balikat na lang siya, hindi na niya sana papansinin ngunit ng lumagpas siya ay nahagip niya ang isang babaeng nagpupumiglas sa tatlong lalaking mukhang pinupuwersa ang mga sarili sa babae kung kaya’t agad siyang huminto at dali daling bumaba para tulungan ang babae.

Hawak ng dalawang binata ang magkabilang braso ng babae samantala ang isa ay pilit siyang hinahalikan sa leeg, pilit tinatanggal ng babaeng noo’y umiiyak na din ang mga nakahawak sa kanya kaya na puno na ang lalaking nasa harap at akmang sasampalin ngunit pinigilan ni Santi at agad niya itong sinuntok, binitawan naman ng dalawang lalaki ang babae at tinulungan ang barkadang sinsuntok suntok ni Santi.

Hinawakan ng dalawang binata ang magkabilang braso ni Santi at siya naman ang pinagsusuntok sa sikmura ng lalaking kanina niyang sinusutok, hindi naman tumitigil ang babae sa pagiyak at nanginginig na siya sa takot.

Tinadyakan ni Santi ang lalaki at kumawala sa dalawang binata na agad niya ding pinagsusuntok, naiiwasan niya naman ang mga suntok nila. At binigyan niya ng isang malakas na suntok ang mga kalalakihan na sila namang ikinatumba.

Kapag hindi pa kayo umalis sa kulungan ang abot niyo! Ano aliiiiiiiiiiisssssssss! Sigaw ni Santi sa tatlong binata. Agad namang tumayo na may nanlilisik na mata ang mga lalaki at pumasok sa sasakyan at pinaharurot na ang sasakyan.

Bakit Ikaw Pa Ang Minahal (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon