Nagising si Pia sa maiingay na tunog ng kalampag ng mga bakal. Hindi niya masyadong maimulat ang kanyang mata at kumikirot din ang kanyang ulo. Bigla niyang naalala na napainom pala siya kagabi. Nasapo niya ang kanyang ulo sa sobrang sakit.
Aray naman! pukpok ni Pia sa kanyang ulo. Bakit naman kasi uminom pa ko hindi naman ako sanay. Bulong niya sa sarili. Inilibot niya ang mata, doon niya napagtanto na wala siya sa condo niya kaya sa gulat ay nalaglag siya.
“Boogsh”
Aray kapag minamalas ka nga naman oh! Sabay himas sa pwet niya. Bigla naman may nagabot sa kanya ng kamay. Tinignan niya ang may-ari nito at nanlaki ang singkit niyang mga mata.
Gising ka na pala?! Pambungad ni Alfonso.
Ay hindi tulog pa ako kaya nga dilat ung mata ko eh! Pamimilosopo niya naalala na naman niya kasi na nagaway sila kahapon. At pinilit tumayo kaya lang masakit ung pwetan niya kaya kahit labag sa kalooban niya hinayaan na lang niya itong tulungan siyang makaupo.
Uhm hindi na kita nahatid kahapon kasi hindi ko alam kung saan ka nakatira masyado ka na kasing lasing kaya hindi na kita makausap ng maayos. Ayoko naman pakielamanan ung gamit mo kaya dito na lang kita dinala, bahay to ni Kiko. Sabay ngiti ng pagkatamis sa dalaga.
Salamat. Pasensiya na din sa abala kahapon pa kita naabala. Pasungit na sabi ni Pia.
You’re welcome! Nga pala nadala ko na ung kotse mo dito sa talyer, inaayos na kaso mukhang aabutin ng ilang araw kaya hindi mo pa magagamit, ihahatid na lang kita.
Wag na! Mabilis na sagot ni Pia. I mean thanks but no thanks tatawagan ko na lang si Philip para sunduin ako dito.
Hmmm okay! Habang hinihintay mo siya may almusal sa lamesa baka nagugutom ka na at gamut din para sa hangover mo. Sige sa labas na ako. Nakangiting sabi at tumalikod na upang maglakad pabalik.
Naguguluhan man sa inaasal ni Alfonso si Pia ay nagkibit balikat na lang siya.
Baka maganda lang ang gising. Bulong niya sa sarili.
Kinuha niya ang cellphone niya sa bag na nakapatong sa table sa harap niya. Agad naman niyang tinawagan si Philip, makalipas ang 3 rings ay sinagot na ang kanyang tawag.
Hello sis? Napatawag ka?
Sis pwede bang humingi ng favour? Sunduin mo ko dito. Pakiusap ni Pia sa kaibigan.
At nasaan ka na naman ba aber?
Itetext ko na lang sa’yo yung address sige na ha sunduin mo ko sira kasi yung sasakyan ko eh.
What’s new? Lagi naman kasi sira yang sasakyan mo. pagtataray ni Philip.
Eto naman sige na pumayag ka na please? Paglalambing ni Pia sa kaibigan.
Ano pa nga ba hindi naman kita matitiis sige just text me the address girl. Pagsukong sabi ni Philip.
Yey! Da best ka talaga sis! Mwah! I love you!
Yuck sis hindi tayo talo ewwww..
Maka-ewwww naman sige sige na. Ay wait yung kotse mo napaayos mo na ba?
BINABASA MO ANG
Bakit Ikaw Pa Ang Minahal (on-hold)
FanfictionHindi naman natin hawak ang tadhana. May mga taong nakatakda na nating makilalala at mahalin. Sabi nga nila people come and go. Hindi natin pwedeng piliin ang taong ating mamahalin, kasi kung pwede lang piliin sana naiwasan ko siyang makilala, sana...