<Eight> days before ASF

69 3 3
                                    

Friday night ng magsleep over sina Sas at Philip sa condo ni Pia, bonding na din nila since ilang linggo din silang naging busy sa trabaho, Si Pia sa companya nila at pati na din sa pagpopolish ng annual fashion show nila ni Philip na magaganap na sa susunod na linggo. Si Sas naman naging abala sa photoshoot ng isang kilalang magazine, siya kasi ay isa sa mga photographer na may hawak ng project na yun, it’s her biggest project so far sa buong career niya since she ventured into photography, actually she's an architect but she pursue her hobby and first love, photography kaya naman naging masyado siyang hands-on. At siya din ang isa sa kinuha nila Pia at Philip na photographer sa annual fashion show nila. Nakaupo ngayon sila sa sofa at masayang nagkukuwentuhan.

Yiiieeee guys alam niyo ba muntik na ako madistract sa trabaho ko kasi naman ang gwapo talaga nung model, grabe lakas ng appeal. Excited na kwento ni Sas habang ngumunguya ng chichirya.

Oh eh buti naman hindi ka nangisay habang kinukuhanan siya? Patawa tawang tanong ni Pia.

Siyempre professional pa din ako noh, minsan lang ako magkaroon ng opportunity na ako talaga ang naghahandle ng buong shoot, hindi ako pwede pumalya pagagalitan ako ni kumag. Nakangiting saad ni Sas.

alam ko naman yun, ay teka hindi pa din ba kayo okay ni Ken? Tanong ni Pia. Biglang kumunot ang noo ni Sas.

Hay naku kahit kelan hindi kami magiging okay nun, kapal kala mo kung sinong gwapo. Nakangusong sabi ni Sas.

Pero girl gwapo naman talaga si Ken kahit bali-baliktarin mo mundo. Sabat na sagot ni Philip.

Oh nandyan ka pala? Kala ko nasa ibang planeta ka eh. Pagtataray ni Sas kay Philip.

Oo nga Phil bakit ang tahimik mo dati dati ikaw pa nangunguna magtanong kung gwapo ba o macho yung model kay Sas ngayon tahimik mo may problema ka ba? Punang tanong din ni Pia

Sama niyo huh. Sabay bato ng chichirya sa kanila. Hindi noh okay na okay kaya ako. Sabay ngiting matamis sa kanila.

Hoy! Ano yan yang mga ngiting yan ah, may bago ka ng jowa noh! Pagiisyosong tanong ni Sas.

Philip! paano ka pa nakalandi ang busy na natin naisinggit mo pa. Grabe ka huh.  Pabirong komento ni Pia sa kaibigan.

Hindi tingin ko lang kasi mas gwapo pa yung nakilala ko kesa sa bagong model niyo Sas. Yun kasi hindi lang gwapo, macho, kasi kahit taong grasa siya sigurado ko maglalaway ka pa din. Medyo malanding sagot ni Philip sa kanila.

At sino naman yan aber? Patingin ng picture ng mahusgahan na. Tanong ni Sas. SI Pia naman kinuha yung beer niya at uminom.

Si Alfonso. Walang kaabog abog na sabi ni Philip ng may nakakalokong ngiti. Napabuga naman si Pia ng beer niya at napatayo sabay sigaw ng “ano!!!”

Tumawa ng sobrang lakas si Philip, sabay sabing ”Huli!”

Pia ang OA lang huh. Punang sabi ni Sas at hinila paupo si Pia. Samantalang si Philip ay hindi pa din matigil sa kakatawa. Si Pia naman ang talim ng tingin kay Philip na unti unti na ding tumitigil sa pagtawa.

Uy ano yan may hindi ba kayo nakukwento sa akin? Ang daya huh! May tampong saad ni Sass a kanila.

Hay ewan ko Sas diyan kay Philip wag mo na lang pansinin. Pagtataray ni Pia.

Bakit Ikaw Pa Ang Minahal (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon