Nayeon's POV
Lumipas ang isang linggo pero hindi parin ako nilulubayan nitong si Jihyo.
Palagi nalang syang sunod ng sunod sakin, palagi nalang nya akong kinukulit kahit na ilang beses na syang napahiya.
Oo ilang beses ko na syang pinapahiya pero still sunod parin sya ng sunod sakin. Muka nang nagseselos si Yerin sakin e, dahil parang may gusto sya kay Jihyo ayaw pa kasing aminin.
Ay sorry Eunha sayo nga lang pala si Yerin.
Ngayon nagskip ako ng class ko, last na subject ko nalang naman e. Dahil bored na bored na talaga ako, pumunta nalang ako sa rooftop para sana makapag isa pero mukang mali ako dahil nakasunod na yung Jihyo na yun sakin dito sa rooftop.
"Kainis naman gusto ko pa naman sanang makapag isa pero mukang hindi na mangyayari yun dahil sa isang taong sunod ng sunod sakin"- pagpaparinig ko sa kanya at ng bigla nalang umupo sa tabi ko
Nabalot ng katahimikan nasulyap ako sa kanya at parang ang layo ng tingin nya kaya muli akong nagsalita.
"Ano ba! Palagi mo nalang ba akong sinusundan, hindi kaba nag sasawa? Kasi ako inis na inis na ako sayo"- pasigaw kong sabi na nakatingin sa kanya at para naman matauhan sya at layuan na ako. Pero nagkamali ata ako dahil tiningnan nya lang ako. Ni hindi nga sya natakot.
"Ganyan ka na ba ha Nayeon?"- seryosong tanong nya at ikinataka ko naman hindi naman nya ako kilala kung makapag sabi ng 'ganyan ka na ba' at agad din naman syang ngumiti.
Ano to lokohan? Magtatanong sya ng seryoso tapos biglang tatawa? Nababaliw na ba sya?
"Alam mo Jihyo pede tigilan mo na ako!"- maotoridad kong sabi pero tumawa lang sya.
"Anong nakakatawa?"- seryoso parin ako at nakita ko naman na sumeryoso narin sya
"Alam mo Nayeon" nag pause sya saglit "gusto kita"-at ikinagulat ko naman dahil seryoso ang pagkasabi nya.
Hindi ko alam ang dapat kong sabihin baka kasi pagsinabi kong busted sya sabihin nyang nagbibiro lang sya at gusto lang nyang gumati sakin.
Seryoso busted?
Ano ba otor you don't know my feelings.
Talaga lang ha?
Tsk. Otor quite.
Pano kung ilagay ko dito na sya yung gusto mo?
Oo na, oo na maganda si Jihyo pero kasi... kasi mahal ko si Ji-ji.
"Nayeon, okay lang naman kahit hindi ka ganun sakin. Basta mahalaga lang ay nasabi ko sayo yung nararamdaman ko"- napayuko naman sya nung sinabi nya iyon at ako naman ay nakatingin lang sa kanya
"First time kong umamin, sa taong gusto ko. At sayo lang ako naging ganito at magiging ganito"- at iniangat naman nya ung tingin nya at tumingin sakin pero napaiwas ako.
Para kasing may laman yung sinabi nya, well meron naman talaga dahil umamin sya.
"Ano bang ibig mong sabihin?"- seryosong tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya.
"Diba sinabi ko na, gusto kita malabo parin ba sayo un?"- dahil sa tanong nya napatingin ako at makikita sa muka ko ang pagkagulat
Bakit ba sinabi nya sakin ang nararamdaman nya? Bakit ang lakas ng loob nyang umamin? Ano bang nagustuhan nya sakin? Kahit na anong pilit kong palayuin sya pero lagi lang syang bumabalik at sumusunod parin sakin.
"Jihyo sorry pero may mahal na ako"- seryoso kong sabi at ikinangisi naman nya. Nagtaka naman ako kung bakit.
"Diba sabi ko naman sayo na okay lang sakin kung hindi mo ako gusto. Hindi ka kasi nakikinig e"- natatawa nyang sabi at napalagay pa yung nakatikom nyang kamao sa bibig nya para lang pigilan yung tawa nya.
Umayos naman sya ng upo at pinilit ang sariling maging seryoso.
"So sino naman sya?"- tanong ni Jihyo sakin at mukang tinutukoy nya yung sinabi kong mahal ko.
Bigla naman timubok yung puso ko ng hindi ko alam ang dahilan. Ayokong may ibang nakakaalam yung sa taong mahal ko.
"Sino? Ah! Yung mahal ko?"- and then she nod. No! Hindi ko napigilan yung sarili ko at nasabi ko sa kanya.
"Bakit close ba tayo para sabihin ko sayo?"- seryoso kong tanong
"Sige na ito naman"- pag pipilit nya pero sa hindi ko maintindihang dahilan nasabi ko sa kanya.
"Yung childhood bestfriend ko"- dagdag ko pa at napatingin naman ako sa kanya at seryoso naman syang nakikinig
"Tapos anong nangyari? Asan na sya ngayon?"- tanong naman nya
Huminga muna ako ng malalim bago nag explain.
"Nasa ibang bansa na sya pero still hindi ko parin sya ulit nakikita. Siguro it's been 10 years na. Umalis sya kasama yung family nya bumabalik dito yung ate nya pero sya hindi pa ulit. Pero kahit na ganun still mahal ko parin sya."- saad ko habang nakatingin sa kawalan.
Napansin ko namang napatawa sya kaya sinamaan ko naman sya ng tingin.
"How could you say na mahal mo parin sya e mahigit sampung taon mo nga syang hindi nakikita? Atsaka pano mo masasabing love yun e bata ka pa naman nun? Malay mo puppy love lang yan o kaya crush?"- natatawa nyang tanong.
"Tsk. Problema ba yun? Atsaka sure na sure ako na sya lang ang nandito" sabay turo sa dibdib ko sa tapat ng puso "nangako din ako sa kanya na sya lang ang mamahalin ko"- dagdag ko pa habang nakayuko ako
"E! Ang tanong mahal ka rin ba nya?"- napaseryoso naman ako dahil sa tanong nya.
Alam ko kasing hindi ganun si Ji sakin but still mahal ko parin sya at nangako rin sya sakin na susubukan nyang mahalin din ako tulad ng pag mamahal ko sa kanya.
"O! Natahimik ka, don't tell me hindi ka nga nya ma--"- hindi ko na sya pinatapos pang magsalita
"Stop it Jihyo, wala kang alam! Nangako din sya sakin na susubukan nya"- paliwanag ko sa kanya
"Sorry"- napatingin naman ako sa kanya dahil sa isang salitang binitiwan nya.
Alam kong mamahalin din ako ni Ji tulad ng pagmamahal ko sa kanya.
Naniniwala ako sa pangako nya dahil mahal na mahal ko talaga sya at kilalang kilala ko talaga si Ji. Pag nangako sya tutuparin nya talaga.
Naglalakad na ako palabas ng school pero lutang parin ako dahil sa mga napag usapan namin ni Jihyo alam kong mahal ko si Ji pero bakit ayaw maalis ni Jihyo sa isip ko.
Feeling ko nasaktan ko sya dahil sa pag tangi sa kanya. Tama naman sya sa lahat ng sinabi nya hindi ako sigurado kung mahal din ba ako ni Jiji pero nagtitiwala ako.
Alam ko yung naramdaman ni Jihyo dahil naranasan ko nadin ang mareject dahil umamin narin ako kay Jiji ng nararamdaman ko pero hindi nya ako mahal e kaibigan lang ang turing nya sakin.

BINABASA MO ANG
Childhood bestfriend
Teen FictionNangako ka sa childhood bestfriend mo na syang lang ang mamahalin mo pero hindi mo inaasahang may dadating na bago at ayaw mo paring tangapin na sya na yung laman ng puso mo. Anong ang gagawin mo? Tutuparin mo parin ba ang pangako mo o mag mamahal k...