Nayeon's POV
"Okay kalang ba baby Nana?" Tanong ni ate V na nakangiti habang may sabon parin yung mga kamay niya
Nakaupo parin naman ako dito at nakatulala pero nung nag salita si ate biglang sa kanya napunta yung tingin ko at sa kanya na ako napatitig kahit na nakatalikod na sya sa akin.
"Ate V anong gagawin ko? Pano kung malaman ni Jihyo na yung girlfriend na ay kasal na pala. Siguradong masasaktan yun" tanong ko ng hindi naaalis yung tingin ko sa likod ni ate V
Napatigil naman sya sa ginagawa niya at napatingin sakin saglit at pinag patuloy na ulit ang pag liligpit.
"Alam mo baby Nana tama si Juls. Maiintindihan ni baby Jiji yun dont worry trust her" sabay tingin sakin ni ate at binigyan ako ng genuinely na smile
Hindi ko maintindihan bakit parang gusto nila yung taong ipinakasal sakin. Hindi ba nila gusto si Jihyo para sakin? Ang sakit naman nun.
"Pero ate V, syempre hindi maiiwasan sakin na mag aalala para kay Jihyo. Atsaka hindi ko pa naman nakikilala yun e. Pano ko masasabing magugustuhan ko sya?" Tanong ko ulit kay ate sana naman suportahan naman nila ako ngayon
Alam kong masaya sila kapag kasama ko si Jihyo pero bakit ngayon hindi ko maramdaman na sinusuportahan nila si Jihyo para sakin?
Ang unfair naman. Kung sino pa yung taong mahal mo, yun pala hindi sya yung para sayo dahil may nakalaan ng tao para sayo.
"Maybe you should ask mama about that. Tapusin ko lang to baby Nana" sabi ni ate
"Okay, punta lang ako kay mama" sabi ko at tumayo na ako sa kinauupuan ko
Tumango naman si ate V bilang sagot sakin. Pag tayo ko agad naman akong pumunta sa kwarto nila mama at papa.
Pag katapat ko sa pinto nila huminga muna ako ng malalim bago kumatok.
Ilang saglit lang ay bumukas narin yun pinto.
"Oh Nana whats the problem?" Pagbungad na tanong ni mama dahil sya ang nag bukas ng pinto
"Ma can I come in?" Paawa effect pa ako nun para lang pumayag
"Of course, pasok" hindi naman ako nagkamali dahil pinapasok naman ako ni mama
Patakbo akong humiga sa kama at agad kong niyakap si papa mula sa gilid. Naramdaman ko na rin naman na tumabi na si mama.
"What wrong anak?" Takang tanong ni papa dahil siguro sa pagkakayakap ko sa kanya
Umiling lang ako bilang sagot. Dahil hindi ko alam kung ano yung dapat kong sabihin.
Tumayo ako at tumingin kay mama. Dahil pinagmamasdan lang niya kami ni papa na magkayakap.
"Ma can I talk to you? Alone?" Sabi ko at nag pout pa para effective
"Bakit alone?" Tampong sabi ni papa
"Papa naman e, girl talk" pabirong sabi ko
Natawa naman si mama dahil sa sinabi ko at sa reaksyon ni papa. Pano ba naman nag pout, hindi naman bagay kasi hindi naman sya cute. Dahil gwapo sya. Kayo naman hindi pa ako tapos magsalita e.
"Okay, but next time tayo naman mag bonding ha" sabi ni papa
"Yes papa basta treat mo" sabay tawa ko napabaling naman tingin ko kay mama
"Ma pwede dun tayo mag usap sa kwarto?" Tanong ko at tumango naman sya
Lumabas na kami at habang naglalakad papuntang kwarto kumuha na ako ng bwelo para sa gusto kong itanong.
"Ma bakit po ikinasal ako nun? E bata pa ako nun diba hindi pa pwede yun?" Takang tanong ko
Hindi pa naman kasi pwede yun atsaka mga bata pa naman kami nun e.
"Pwede naman, dun namin kayo ipinakasal sa bansa na pwedeng magkasal ang mga bata" plain na sagot ni mama
Sa wakas nakarating narin kami sa kwarto. Hindi naman ganun kalaki yung bahay pero bakit antagal naming nakarating sa room ko? Nevermind na nga lang.
"Eh bakit kasi ma, may ganun pa kayong nalalaman? Yung pakasal pakasal na yan?" Tanong ko ulit at padabog na ibinagsak ko ang katawan ko sa kama
"Kasi anak, para kahit na lumaki kayo. At magkalayo pa. Sa huli kayo parin ang pagtatagpuin" sabi ni mama
"Wow hugot ma ah" pag bibiro ko
"You know Nana hindi naman namin talaga kayo ipapakasal nung bata palang kayo. Pero kasi nakita namin kung gaano nyo kamahal yung isat isa" kwento ni mama
Nakatingin lang ako sa kanya.
"Ma how could you say na mahal namin yung isat isa e hindi pa nga namin alam yung true love nun?" Tanong ko
"Alam namin ng papa mo at ni ate V mo na gusto mo sya noon pa. Dahil nakikita namin at lagi mong sinasabi na mahal mo sya at gusto mong pakasalan sya" natigilan ako nung hinaplos ni mama yung buhok ko kaya napatingin ako sa mga mata nya na alam mong masaya talaga sya
"Nung una tutol yung papa mo na ipakasal ka dun dahil baka lang daw masyado kalang nag eenjoy na kasama sya. Pero ikaw na mismo yung pumilit sa papa mo na ipakasal sa kanya kaya wala ring nagawa yung papa mo. Kahit naman sa partido nya gustong gusto ka nila para sa anak nila." Dagdag pa ni mama
Napaupo naman ako, galing sa pag kakahiga dahil sa sinabi ni mama.
So nung bata ako masyado akong attach dun sa taong yun.
"Sabi pa nga ng papa mo sayo baka daw ngayon lang yang nararamdaman mo pero pag laki nyo hindi mo na sya gusto. Ang sabi mo pa nga kahit pag laki mo sya lang ang papakasalan mo. Natatawa nga ako sayo nun anak e. Pano ba naman naglulumpasay kana sa sahig para lang mapapayag ang papa mo" sabi ni mama sabay tawa
"Ma nagkamali ako. Tama si papa I think hindi ko na sya mahal" sabi ko
"No anak. I know, we all know na sya parin ang mahal mo, at gusto mong pakasalan." Sagot ni mama
Napayakap nalang ako kay mama dahil sa sinabi nya.
"Sino ba yung lucky guy na yun? At parang gustong gusto nyo sya para sakin?" Medyo malungkot na tono sa tanong ko habang kayakap ko parin si mama
Napahiwalay naman sya ng yakap at napatitig sakin na para bang nag tataka.
"No hindi sya lalaki" sagot ni mama sa tanong ko at ngayon ako naman ang tumingin sa kanya ng may pagtataka
"What do you mean ma? So its a girl?" At tumango naman si mama
Gass ano ba to? Medyo okay na sakin na lalaki yung ikinasal sakin. Pero hindi e babae pala, patay na ako nito pag nalaman ni Jihyo. Siguradong susugurin ako nun at malala baka ipabugbug pa ako nun pati yung babaeng pinakasalan ko.
Kung alam ko lang na babae sana pala si Jihyo nalang.
BINABASA MO ANG
Childhood bestfriend
Teen FictionNangako ka sa childhood bestfriend mo na syang lang ang mamahalin mo pero hindi mo inaasahang may dadating na bago at ayaw mo paring tangapin na sya na yung laman ng puso mo. Anong ang gagawin mo? Tutuparin mo parin ba ang pangako mo o mag mamahal k...