Chapter Sixteen

96 3 0
                                        

Nayeon's POV

Kinabukasan daretso ulit ako sa canteen at naabutan ko dun sina Yerin, Sinb, si Sowon andun din atsaka yung dalawa nyang kaibigan na si Mina at Sana.

Napansin ko naman na mukhang okay na si Sinb dahil nakakatawa na sya at nakikipagkwentuhan na sa iba.

"Hi girls" bati ko nung makalapit ako sa kanila

"Good morning Nayeon" bati naman nila

Umupo na ako sa bakanteng chair at nakipag kwentuhan sa kanilang lahat. Ilang minuto lang din ay dumating na si Jihyo.

Nagsipuntahan narin kami sa kanya kanya naming classroom. Napansin ko lang dahil napatingin ako sa upuan ni Momo. Pero wala sya, nagtataka ako kung bakit absent sya ngayon. Hindi ko pa sya nakakausap kung ano bang problema o kung ano yung mga bagay na nakapagpapagulo sa kanya.

Dumaan ang mag hapon naihatid ko narin si Jihyo sa kanila at ng makauwi ako sa bahay nagulat ako dahil napanasin ko agad yung kotse ni mama at ni papa.

"Mukhang maaga silang nakauwi a.?" Takang tanong ko sa sarili ko at may pakamot effect pa sa likod ng ulo ko

Nagtataka lang kasi ako bakit naman parang sabay pa silang umuwi? Madalas kasi gabi na sila umuuwi depende nalang if may mahalagang okasyon. Pero wala naman akong naalalang may ice-celebrate kami e.

Ng makapasok ako sa loob nagpalinga linga muna ako sa sala pero walang tao. Kaya tinawag ko na sila para naman malaman ko kung nasaan ba silang lupalop ng bahay na ito.

"Andito na po ako. Ma? Pa?" Pag tawag ko sa kanila

"Nayeon dito" sigaw ni mama na galing?

Mukhang galing sa kusina. At agad naman akong nag punta dun at pag silip ko hindi nga ako nag kamali dahil nandito nga sila, pati narin si ate V. Wait may kasama sya, pero sino?

Pag harap nung babae dahil nasa counter sya sa kitchen e.

"Hi baby Nana, namiss kita" sigaw nung babae at patakbong palapit sakin sabay yakap. Yakap ng mahigpit sakin

"Ate Juls I miss you too, pero wait bakit nagpagupit ka?" Tanong ko with lower tone at bahagyang hinimas yung buhok nya

Yes si ate Juls yung babaeng kasama ni ate V. Nagpagupit pa kasi sya hindi ko tuloy nakilala.

"Hay nako baby Nana, alam mo naman dito sa Pilipinas mainit" sabay tawa nya at bahagyang lumapit sa tenga ko at bumulong

"Para parehas na kami ng buhok ng ate V mo o diba mas bagay na kami?" at tumawa pa ulit sya

"Ouch" napapangiti na lang ako dahil pano ba naman siniko sya ni ate V kaya nasaktan.

"Tama na yan mga beautiful ladies, umupo na kayo at para makakain na tayo" pag putol ni mama sa usapan namin

Ito naman kami umupo na rin, dahil kanina pa nakaupo sina mama at papa. Tumabi na ako kay mama si ate V naman katapat ko at katabi nya si ate Juls. Napapatingin naman ako sa kanilang dalawa dahil sobrang sweet talaga nilang dalawa. Naiingit tuloy ako wala kasi si Jihyo dito, si ate Juls naman kasi hindi manlang sinabi na pupunta pala dito sana man lang nasabihan ko si Jihyo at sinama ko rin sana sya dito.

"A anak" pag putol ni mama sa pag iisip ko dahil medyo matatapos narin pala ako kumain kaya napatingin ako sa kanya

Pero sila mama at papa tapos na. Sina ate V at ate Juls hindi pa dahil kanina pa nag lalambingan.

"A anak may gusto sana kaming sabihin sayo" seryosong sabi ni mama

"Ano po yun ma? Napatingin narin ako kay papa at pati natin dun sa dalawa kong ates

"Nayeon anak, wag ka sanang mabibigla ha" dugtong pa ni mama kaya napatango nalang ako

Mukhang seryoso yung gusto nilang sabihin dahil tumigil sa paglalambingan sina ate V at ate Juls.

Tahimik lang ako at iniintay yung gustong sabihin ni mama at nakatitig ako sa kanya.

"Nayeon anak, I think this is the right time for you to know." Seryosong sabi ni papa kaya napatingin ako sa kanya at hinintay ko lang yung dapat niyang sabihin

"Nung bata ka pa kasi Nana, we arranged your marrige." Kalmadong dagdag pa ni papa na ikinataka ko naman

"Ano pong ibig sabihin nun papa?" Takang tanong ko dahil nalilito ako kaya nagpalinga linga ako kay mama at kay papa

"So you mean ikakasal na ako?" Dagdag ko pa

"No Nana. Actually kinasal kana" sabi ni ate V kaya napatingin ako sa kanya

Nakita ko naman na tumango naman si ate Juls. So pati sya alam nya na?

"Pano nangyari yun? Wala akong matandaan na pumayag akong ikasal at ikinasal na ako?" Sabi ko

"Don't worry Nana alam naming magugustuhan mo sya" sabi ni mama

Wait, magugustuhan ko? Pero sino ba yung tinutukoy ni mama? Pano na si Jihyo? Mahal ko si Jihyo.

"Makilala mo na ulit sya, maybe next week. Meron tayong family gathering" sabi ni papa

Ayoko, ayokong makilala yung ipinakasal sakin. Dahil isa lang ang mahal ko kundi si Jihyo lang.

"Pero ma alam mo namang mahal ko Jihyo diba?" Pagrereklamo ko

"Ate Juls, ayokong masaktan si Jihyo" pag baling ko kay ate Juls

"Dont worry baby Nana, baby Jiji will understand it." Sabi ni ate Juls

So hindi pa alam ni Jihyo? Bakit pa naman kasi nangyari to. Bakit ngayon ko lang nalaman na matagal na pala akong kasal sa taong hindi ko naman kilala.

"Pa! What if hindi kami magkasundong dalawa?" Tanong ko

"I told you Nayeon magugustuhan mo sya" sagot ni mama kaya napatingin ako sa kanya at hinawakan ko yung kamay niya

"Ma, dont do this to me. I only want is Jihyo" nagmamakaawang sabi ko

"Anak, its okay." Taning sagot ni mama

Kaya wala na akong nagawa nagliligpit na si ate V ng mga pinagkainan namin si mama at si papa andun na sa kwarto nila si ate Juls naman nasa kwarto ni ate V at mukhang naglilinis na ng katawan. Ako naman ay naka upo parin dito sa kinauupuan ko kanina pa dahil wala ako sa sariling nakatitig lang sa lamesa.


Hindi ko alam kung ano yung gagawin ko o sasabihin. Pag nalaman ni Jihyo to siguradong magagalit yun at masasaktan ayoko pa namang mangyari yun. Pag nasaktan sya siguradong iiyak yun. Ayoko pa namang makitang umiiyak sya lalo na pag dahil sakin. Parang feeling ko sinasaksak ako ng paulit ulit pag nakikita ko syang umiiyak.



Childhood bestfriendMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon