Chapter Ten

118 4 0
                                    

Moguri's POV


"Moguri, Moguri anak gising na, hoy anak gumising kana"- aga agang bulyaw sakin ni mommy






"Hmmm, mommy bakit ba?"- habang pakislot kislot pa ako sa kama ng maramdaman kong umupo sa tabi ko si mommy






"Moguri anak gising na, kumain kana at mag ready kana para sa flight mo mamaya."- sabi ni mommy habang hinihimas ang likod ko dahil nakadapa ako






Umayos ako ng higa at tumihaya ako para makahinga ng mabuti.






"Sunod kana sa baba ha"- dagdag ni mommy at mabilis din syang umalis sa kwarto ko






"Haaayyyy"- buntong hininga ko






Tumayo narin ako para makapag ayos na bago bumaba.







Hay oo nga pala mamaya na yung flight to pabalik sa Philippines para dun ulit ako mag aral. Ako nga pala si Moguri half Japanese maskilala ako bilang Momo sa Pilipinas dahil sa isang friend ko kasi sanay syang inuulit yung first two letters ng isang name. Yung daddy ko Japanese kaya umuwi ako dito dahil gusto ng daddy ko na makasama daw ako kahit ilang taon lang.






Ayoko sanang unalis ng Pilipinas dahil may mga kaibigan ako dun, at lalong lalo na ayokong iwanan si Nayeon naging matalik ko syang kaibigan at hindi nya alam na may pag tingin ako sa kanya. At sya rin yung nag pangalan sakin ng Momo.







Bago ako umalis ng Pilipinas 3 years ago nagtapat ako sa kanya. Kahit na alam kong mas gusto nya si Jiji yung childhood bestfriend nya pero still umamin parin ako kahit hindi ko pa nakikita si Jiji pero base sa mga kinukwento nya halata mo talagang gustong gusto nya yun. Sabi ko sa parents ko nun kapag same din yung feeling ni Nayeon para sakin hindi ako aalis ng Pinas at ipaglalaban ko sya nag agree naman yung parents ko. Pero malupit si tadhana hindi kami binigyan ng pagkakataon kaya ayun broken hearted ako ng nag punta dito sa Japan pero okay lang magkaibigan parin naman kami ni Nayeon.







So pababa na ako at nakita ko na si mommy na naghahanda ng breakfast namin at mabilis naman akong umupo na sa isang upuan.






"Buti naman at nandito kana, at tagal mo kasing mag ayos"- pabiro ni mommy






"Mommy naman e"- sabay subo ng fried rice na niluto ni mommy







"So pano yan maybe tomorrow makikita mo ulit si Nayeon?"- pag asar na sabi ni mommy






"Dipende mommy kung gugustuhin ko syang makita"- seryoso kong sabi






"E gusto mo naman talaga syang makita excited kana nga e"- sabi ni mommy at sinamaan ko naman sya ng tingin






"No mommy, I'm not"- depensa ko







"Maiba tayo anak gusto mo parin ba sya?"- napaseyoso naman yung muka ko dahil kita kong seryoso din si mommy sa tanong nya







"Actually mommy mahal ko parin sya. Susubukan ko ulit na e-winwin sya kung may pag asa na ako"- seryoso kong saad at sumubo nanaman ako ng pag kain para matakpan yung hiya ko






"Ganun ba anak sige susuportahan kita"- nakangiting sabi ni mommy kaya napangiti nalang din ako








Natapos narin kami ng breakfast at inaayos ko na ang mga pinag kainan namin para ako na yung mag liligpit pero pinigilan ako ni mommy sya na daw para hindi na makaabala sakin. Wala naman akong nagawa kaya umupo nalang ako sa dining area pero nag kukwentuhan parin kami ni mommy, ganito talaga kami parang magkapatid nga lang kami dahil kung mag usap kami kala mo magkaidaran lang. Wala kasi akong secret kay mommy halos lahat about sakin alam nya alam ko kasing yung lang ang magpapanatili ng closeness namin mag ina.







Childhood bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon