SinB's POV
Yes POV ko parin to.
So yung natuloy kami sa mall pero hindi na sumamasa si Momo sabi nya masama daw pakiramdam nya kaya ngayon tatlo nalang kami nila Yerin, Nayeon at ako.
Humiwalay muna ako sa kanilang dalawa kasi feeling ko gusto ko bumili ng some stuff toy so pumasok ako sa store na puro stuff toy ang laman. Yung dalawa kasi andun sa mga clothes store sila pumasok.
Habang namimili ako may napansin naman ako na isang elephant na stuff toy ang ganda nya talaga and I like it. Gustong gusto ko talaga syang hawakan. At nung time na hahawakan ko na sana nagulat nalang ako dahil may humawak din sa kamay ko as in hawak nya ang kamay ko na nakahawak naman sa stuff toy.
Napatingin ako sa taong nakahawak sa kamay ko at nagulat ako ng makita ko yung muka nya. Wow as in Wow ang ganda nya matangkad din sya maputi long hair at I think sexy.
"Ah excuse me kukunin mo ba?"- sabi nya pero hindi ko pinansin kasi hanggang ngayon nakatulala parin ako sa kanya alam nyo yung boses nya? Malamig pero ang sarap pakingan.
"Excuse me miss okay ka lang?"- sabi ulit nya na binawi na pala nya yung kamay nya at iwinawagay way pa sa muka ko para siguro kunin yung attention ko
"Ah oo okay lang ako"- sabi ko nung natauhan ako at napangiti naman sya
"Are you sure? Tulo pa kasi yung laway mo sa kakatitig"- natatawa nyang sabi
My Gas! nakakahiya kung tulo talaga yung laway ko. Agad ko naman kinuha yung panyo ko sa bulsa para punasan yung laway na tumulo. Ng mapunasan ko na bigla naman syang humalakhak. Napatingin tuloy ako sa paligid kasi ang lakas ng tawa pinagtitinginan na kami.
"I'm just kidding. Masyado ka kasing nakatitig, na inlove ka sakin no?"- nakangisi nyang sabi
Antagal bago nagsink in sakin yung sinabi nya kaya nung natauhan ako agad naman akong nagdepensa.
"Uy hindi no asa ka"- pagkasabi ko nun agad akong umiwas ng tingin kasi namumula na ata yung muka ko at bigla ulit syang tumawa
"Talaga? Namumula ka nga o!"- pagbibiro nya tapos sinilip nya patalaga yung muka ko kasi nakayuko ako
"Hindi nga"- napalakas ata yung sabi ko kasi bigla syang tumahimik
"So bibilin mo ba yung stuff toy? Kasi kung hindi ako nalang sana yung bibili, may pagbibigayan kasi ako"- malumanay na sabi nya at nakangiti pa talaga, namumula nanaman yung muka ko nakakainlove nga talaga sya.
"Ah okay lang naman, sige ikaw na bumili nagandahan lang naman ako and I think hindi ko din naman yan magagamit"- palusot ko pero totoo nalungkot ako kasi ang ganda talaga nung stuff toy pero dahil mas maganda sya sa stuff toy nayun so mag papaubaya na ako. Hahahaha
"Are you sure?"- paninigurado nya tumango nalang ako at tumango na rin sabay punta nya sa cashier para siguro bayaran na yun.
Nalungkot naman ako hindi ko nabili yung stuff toy tapos hindi ko pa nakuha yung name nya. My Gas narealized ko tumutulad naba ako kayna Nayeon at Eunha? Nagkakagusto narin ba ako sa babae?
Why o why? Pero okay lang kung ganun naman kaganda bakit hindi? Para sa kanya magpapaka bakla ako. Hahaha
Naghahanap, tumitingin tingin ng ibang stuff toy na mabibili ko pamalit dun sa elephant na binili ni miss tangkad, gusto ko talaga ng stuff toy ngayon. Habang patingin tingin ako sa paligid at nakabusangot yung muka ko dahil disappoint talaga ako nagulat nalang ako ng may nag salita.
![](https://img.wattpad.com/cover/126995364-288-k236198.jpg)
BINABASA MO ANG
Childhood bestfriend
Teen FictionNangako ka sa childhood bestfriend mo na syang lang ang mamahalin mo pero hindi mo inaasahang may dadating na bago at ayaw mo paring tangapin na sya na yung laman ng puso mo. Anong ang gagawin mo? Tutuparin mo parin ba ang pangako mo o mag mamahal k...