Nayeon's POV
Ngayon naglalakad na ako sa loob ng school kakahatid lang sakin ni mama kaya medyo napaaga ako kasi maaga minsan pumapasok si mama. Bakit ba hindi nalang ako pumapasok nag isa? Tinatamad naman akong mag drive atsaka gusto din nila mama at papa na kahit isa sa kanila may maghahatid sakin. Pabor naman ako dun atleast nakakasama ko parin sila kahit maaga sila pumapasok.
Naglalakad na ako papuntang canteen lagi naman pag maaga kaming pumasok daretso agad kami dito. Nag order na ako ng pede kong makain habang iniintay sila. Sino pa ba kundi yung mga ugok kong mga kaibigan. Hahaha joke lang.
Pagkaorder ko umupo na agad ako dito sa may bakanteng table. Habang ngumunguya ako bigla ko nalang muntik na maibuga yung kinakain ko dahil sa gulat.
"Good morning baby Nana"- pagbati ni Yerin sakin sabay akbay at ginaya pa yung pagkasabi ni Jihyo sakin kahapon.
"Problema mo?"- tanong ko habang puno pa ung bibig ko at akmang sisikuhin sya
Umupo naman sya dun sa tabi ko.
"Hay nako baby Nana ang sweet mo talaga yung pagkasweet mo dinadaan mo sa pananakit. Nagtataka na talaga ako kung bakit ka nagustuhan ni Jihyo"- natatawang sabi ni Yerin
"Hoy ikaw Yerin tigilan mo nga yung pagtawag sakin ng baby, si Jihyo lang may karapantan tumawag sakin ng baby"- sabi ko nung malunok ko yung kinakain ko at tiningnan sya ng masama
"Tsk"- sabay irap nya
"Atsaka Yerin alam ko naman crush mo si Jihyo kaya palalagpasin kita kasi alam kong nagseselos kalang"- sabi ko sabay tawa
Tinignan naman nya ako ng masama natatawa tuloy ako sa kanya masyadong pahalata. Alam ko naman na crush nya lang si Jihyo dahil si Eunha naman talaga ang mahal nitong kaibigan ko.
"Tsk, hindi no." Tapos tumingin sya sakin at ngumiti ng nakakaloko "hindi ko yung crush, dahil mahal ko na yun"- sabi nya sabay sundot ng pisngi ko
"Hoy Yerin umayos ka, baka gusto mong hindi kana abutan ng gabi"- pagkasabi ko nun sinamaan ko sya ng tingin
"Atsaka alam ko naman na si Eunha naman talaga yung gusto mo e"- natatawang sabi ko
Akala nya maiisahan nya ako, hindi no ako pa ba. Hahahah ngayon nakabusangot na yung muka nya natatawa talaga ako sa kanya.
"Uy andyan na pala kayo" pagbati ni SinB ng makalapit samin at napatingin sya kay Yerin. "O! Yerin anong nangyari sa muka mo?"- sabay tawa.
Tinignan ko si Sinb at natatawa parin sya kaya napailing nalang ako.
"Alam mo naman Sinb na yang kaibigan natin na yan e talagang mahal si Eunha"- natatawang sabi ko at medyo nilakasan ko pa ung salitang mahal.
Nagtawanan kami ni Sinb dahil sa sinabi ko, lalo tuloy bumusangot yung muka ni Yerin.
"Good morning girls"- pag bati ni Eunha ng makarating sya dito at umupo sa tabi ni Yerin yun nalang kasi yung available na sit.
Mukang medyo okay na si Eunha, alam ko naman pag hindi yan ok. Atleast ngayon nakakatawa na sya. Pagkasi hindi okay hindi talaga yan mamamansin.
BINABASA MO ANG
Childhood bestfriend
TeenfikceNangako ka sa childhood bestfriend mo na syang lang ang mamahalin mo pero hindi mo inaasahang may dadating na bago at ayaw mo paring tangapin na sya na yung laman ng puso mo. Anong ang gagawin mo? Tutuparin mo parin ba ang pangako mo o mag mamahal k...
