Jihyo's POV
Nagising ako ng maramdaman kong parang may humaplos sa pisngi ko at agad naman akong mapamulat.
"Hhhm"- unggol ko habang sinusubukang bumangon sa pagkakahiga
"Baby Ji gising na"- masayang bati ni ate Juls
Napaupo nalang ako galing sa pagkakahiga dahil sa pag gising nya sakin at umupo narin sya sa tabi ko ng mapansin ko namang wala na si Nayeon sa kwarto nya.
Napatingin naman ako kay ate "ate nasaan si Nayeon?"- takang tanong ko sa kanya
At nakita ko namang ngumisi sya at nanlaki yung mga mata ko dahil sa sinabi nya.
"Nako ang baby Ji namin namimiss agad si baby Nana! Hahaha nasa baba na sya at kumakain na aalis ata sya ngayon."-nakatingin sa baba sya habang sinasabi nya yun.
"Ha? Saan naman sya pupunta?"- gulat kong tanong at nagkibit balikat lang si ate Juls.
Bigla naman syang napatitig sakin.
"Baby Ji okay kalang ba? You look so pale kasi e, what happen last night?"- takang tanong nya at bigla nalang nyang itinakip yung kamay nya sa labi nya at parang may naisip na maganda
"What?"- takang tanong ko sa reaksyon nya
"Did you, and baby Na, continue making love?"- natatawa nyang tanong
"Ate!"- madiin kong sagot
"Well okay lang naman sakin yun."- at bigla syang tumawa ng malakas "good job baby Ji, naunahan nyo pa kami ni ate V mo"- at agad naman syang tumawa ulit ng napaka lakas
"Ate Juls!"- saway ko sa kanya at hinagis ung unan ni Nana dahil paalis na sya at mukang pababa na
Agad naman akong tumayo para sundan sya. Ng makarating ako sa dining area nakita ko naman na nakaupo at tahimik na kumakain si Nana at napatingin naman sya sakin.
"Good morning Ji...hyo"- pagbati nya sabay biglang ngumiti habang paupo ako sa tapat nya.
"Good morning din"- pag bati ko at bigla namang dumating si ate V habang yakap ni ate Juls sa tagilid habang dala ni ate V ung plato ng mga egg
"Oh! Gising kana pala baby Ji buti naman, o kain kana"- ngumiti naman ako sa pagyaya ni ate V habang palapit ng palapit sa lamesa
Napatingin naman ako kay ate Juls na nakangising nakakaloko.
Hayysssst wala talaga akong matatago sa kanya kahit ung nangyari kagabi, kahit hindi ko sabihin malalaman at malalaman nya parin.
Napansin ko naman na napapatingin si Nana sa akin at nginitian ko lang sya pag napapadako ung tingin nya sakin. Napansin ko naman na wala na sina tita at tito kaya naisip kong itanong.
"Ah ate V asan nga pala sina tita at tito?"- takang tanong ko habang palinga linga.
"Hindi pa ba sila kakain?"- dagdag ko pa at napatingin naman ako kay Nana sa harapan ko at nakita kong seryoso syang kumakain.
BINABASA MO ANG
Childhood bestfriend
Novela JuvenilNangako ka sa childhood bestfriend mo na syang lang ang mamahalin mo pero hindi mo inaasahang may dadating na bago at ayaw mo paring tangapin na sya na yung laman ng puso mo. Anong ang gagawin mo? Tutuparin mo parin ba ang pangako mo o mag mamahal k...
