Nayeon's POV
Lumabas na agad ako ng bahay nung nag paalam ako gusto ko na kasing mapuntahan na agad si mom at sobra kong namiss ang pumunta sa puntod nya.
Agad akong sumakay sa kotse ko at agad na pinaandar ito. Habang nasa byahe ako medyo sumisikip narin yung daloy ng byahe dahil narin siguro sa mga taong pumupunta sa cemetary.
Ng papasok na ako sa bukana ng Greenhouse cemetary (gawa gawa lang po) napansin ko naman ang mga taong nag lalakad papasok sa gate nitong place kung nasaan ako.
Ung iba ang daming dala dahilan narin siguro ng pag stay nila dito habang kasama ang namayapa nilang mahal sa buhay. Ang magada lang dito sa Greenhouse Cemetary at lahat ng nililibing dito ay nakalubog sa lupa at walang appartment kung tawagin.
Mahahalata mo talaga na pang may kaya lang ang mga nakalibing dito dahil narin sa ganda ng place na ito.
Ng malapit na ako sa lugar kung saan nakalibing ang mom ko ay agad naman akong napaupo sa tapat nya at inalis yung shade na suot ko.
"Mom pasensya na kung ngayon nalang ulit kita nadalaw, simula kasi nung araw na dumating si Jihyo hindi na ako nakakadalaw sayo masyadong nagiging busy narin po yung maganda nyong anak hahaha"- napapatawa ako habang sinasabi yun sa mom ko hoping na marinig nya yun.
Alam ko kahit baby palang ako nung nawala sya pero naniniwala akong lagi lang nya akong binabantayan. Lagi rin akong dumadalaw halos lingo lingo napunta ako dito.
Okay naman kina mama at papa yun. Kaso minsan hindi maiwasang mag selos ni mama. Natatawa nga ako pag nagtatampo un pero alam ko naman kung pano sya susuyuin.
"Salamat mom ha, kasi bago ka umalis, bago mo ako iwan binigay mo si mama sakin para maalagaan ako."-dagdag kong pag dadrama kay mom
Always naman akong nagdadrama kapag pupunta ako dito at alam ko rin na nasanay na si mom sa madrama nyang anak.
"Ay oo nga pala mom, did you remember Ji yung kinukwento ko sayo na childhood bestfriend ko? Nagkita na ulit kami pero hindi ko nga sya lubos na nakilala e," nag pause ako saglit " mas maganda na kasi sya ngayon"- habang nakatingin lang ako sa pangalan ni mom sa lapida
Pinagpatuloy ko lang ang pagkukwento sa mom ko. Kahit naman kasi hindi ko na sya nakakasama o kaya nakasama still kinukwentohan ko parin sya ng mga nangyayari sakin para naman updated sya sa buhay ko.
"Mom hindi ko rin inaasahang sya yung bago kong classmate na si Jihyo, wag kang maingay mom ha, sayo ko lang sasabihin to. I love her. I really do hahaha nakakahiya"- natatawa kong sabi habang binubulong last part na sinabi ko at pinagtatawanan ko din ang sarili ko dahil naramdaman kong namula ang pisngi ko
"Mom sana proud kayo sakin couse I make my promise to her, pero mom alam kong hindi ko pa sya nasasama dito and sorry mom kung hindi pa kita napapakilala sa kanya okaya naman naikukwento. Kaya sayo ko muna sinabi yung tungkol samin ni Ji."- habang patuloy parin akong nakatitig sa pangalan ni mom habang inaalis din yung konting dahon na naliligaw dun sa lapida
"Mom, I love you and I always do, kahit di kita nakasama pero alam kong mahal mo din ako tulad ng pagmamahal ni mama sakin."-dagdag ko pa habang naluluha na ako
"Sige na mom aalis na ako at baka umiyak ulit ako sa harapan mo. Pero thank you mom kasi I know na ikaw ang dalihan kung bakit bumalik si Ji siguro binulungan mo sya na bumalik sakin, siguro minulto nyo kaya umiwi din ulit dito sa Philippines hahahah"- natatawa kong saad
Nag flying kiss nalang ako kay mom at tuluyan ng tumalikod at nag lakad papuntang kotse at agad na pinaandar iyon, para makasama ko ulit si ate V, I not sure kung kasama parin nya sila ate Juls. Iniisip ko kasi si ate V kung may kasama sya sa bahay ayokong nag iisa sya. Well alam kong ligtas naman sya pero ang iniisip ko ayokong mag isa sya kasi baka mabored sya at malungkot. Alam ko kasing nakakalungot kapag nag iisa lang e.
Pag mag isa kasi ako sadyang malungkot talaga ako dahil simula nung umalis na si Ji dito lagi nalang akong nag iisa. At kapag malungkot ako lagi akong napunta kay mom at palagi akong nagkukwento sa kanya lagi kong iniimagine na andyan lang sya ay nakikinig sa bawat sinasabi ko sa kanya. Iniisip kong nakikinig lang sya at hindi nag sasalita.
Sa kanya ko binubuhos yung lungkot ko sa kanya ko sinasabi kung ano yung nararamdaman ko. Saksi nya talaga lahat sa buhay ko kaya nga nahihiya na akong magdrama sa kanya kasi baka bulungan nya ako na matanda na ako pero umiiyak parin ako. Minsan nga natatawa nalang ako sa sarili ko na umiiyak nalang bigla para na nga akong baliw e.
Pero okay lang as long as alam kong si mom yung nakikinig at laging nandyan para pagaanin yung nararamdaman ko.
Nabalik nalang ako sa realidad ng biglang tumawag si mama. Akalain nyo yun nakapag drive ako kahit wala sa katinuan.
"Hello po mama bakit po kayo napatawag?"- takang tanong ko habang nag didrive parin ako pero okay lang na nakikipag usap ako sa phone kasi may headset naman akong sinuot
"Hello nak, sabi ni ate V mo nag punta ka daw sa mom mo?"- tanong ni mama sa kabilang linya
"Opo ma, pauwi narin po ako kaya don't worry na"- pagpapakalma ko sa kanya. Hindi kasi nila alam ni papa na pupunta ako. At alam kong nag aalala na si mama
"Basta mag iingat ka sa pag didrive baby Nana ha"- malambing nyang pagkasabi, alam kasi ni mama na wala syang magagawa kapag gusto kong punatahan si mom hindi naman nya pinagdadamot sakin yun
Pero alam kong nagtatampo na talaga yun kaya balak kong dumaan sa mall para ibili sya ng dress at alam kong un lang makakaplease sa kanya.
"Opo ma, sige po see you nalang I though may meeting kayo ni papa?."-takang tanong ko
"Oo meron nga kaya baka mamaya pa kami makauwi ng papa nyo. Break lang namin ngayon"- kalamadong sagot ni mama at halata mo narin na hindi na sya nag aalala
"Sige po ma, sabihin ko nalang kay ate take care po love you ma!"- nakangiting sabi ko at alam kong napangiti si mama sa sinabi ko
"Love you too bye"- sagot nya at inend narin ang call at ako naman ay binigyan ko na ng pansin ang dinadaanan ko
[A/N: lame ba? Sorry nakikiisa lang ako kay nayeon at sa mama nya. Thank for reading]
BINABASA MO ANG
Childhood bestfriend
Ficção AdolescenteNangako ka sa childhood bestfriend mo na syang lang ang mamahalin mo pero hindi mo inaasahang may dadating na bago at ayaw mo paring tangapin na sya na yung laman ng puso mo. Anong ang gagawin mo? Tutuparin mo parin ba ang pangako mo o mag mamahal k...
