Chapter Three

147 4 0
                                    

Jihyo's POV

Nakahiga ako sa kwarto ko habang nakatingin sa ceiling. Hindi parin maalis sa isipan ko yung napag usapan namin ni Nayeon kanina sa rooftop.






"Nayeon bakit ba ang lakas ng tama ko sayo?"- napapangiti kong tanong sa sarili ko







Tumayo ako sa pagkakahiga at pumunta sa veranda ng kwarto ko and I was leaning to barass. Napatingin ako sa mga bituin sa kalangitan medyo mag didilim palang pero nakikita na agad yung mga bituin.







Napapangiti nalang ako dahil palagi nalang sumasangi sa isip ko si Nayeon.








"Nana sa tingin ko natupad ko na yung pangako ko sayo, intayin mo lang na mapatunayan ko sayo ha"- habang nakangiting sabi ko sa hangin






Hoping na marinig ni Nana yung sinabi ko.







Nag unat ako ng mga braso ko at papasok narin naman ako sa loob at ibinagsak ang sarili kong katawan sa malambot kong kama.








Tok tok tok




"Ji, si ate Juls to pede bang pumasok?"- sigaw nino paba e nagpakilala na sya.








"Sige lang ate"- pagpayag kong makapasok sya







"Ji kamusta school?"- tanong nya habang papalapit sakin at agad namang umupo ng pabagsak








Sa kanya pala ako nag mana hahaha nakakatuwa lang.







"Okay naman ate e ikaw? Kayo ni ate V? Kamusta naman?"- pagbibiro ko sa kanya habang pinipigilan ko ang tawa ko.







Kita ko namang namula si ate Juls. Masyadong kinilig sa tanong ko. Well gusto nyo bang malaman kung bakit sya kinilig? Hahaha natatawa lang ako meron kasing something sa kanilang dalawa scince mga bata pa sila. Katulad namin ni Nana pero sya lang ang may gusto sakin noon.







"Ano kaba baby Ji lagi mo nalang akong pinagtitripan porket alam mo na may something kami ni V e. Wag kang mag alala pag nalaman kong may something din sa inyo ni Nana mas matindi pa sa pang aasar mo ang gagawin ko"- nakatawang sabi ni ate Juls. At umupo nalang ako sa tabi nya.






Hindi naman ako naapektuhan, kung asarin nya ako kay Nana atleast totoo naman.







"Ay oo nga pala baby Ji hindi parin ba kayo nagkikita ni baby Nana? Diba same school kayo?"- seryosong tanong ni ate Juls








Pano ko ba sasabihin sa kanya alam kong madumi yung isip ni ate Juls e. Pano kung ano ano yung iisipin nya.







"Actually ate nagkita na kami nakapag usap narin kami"- napayuko kong sabi at agad naman akong inakbayan ni ate






"So?, ano na? Anong sabi?"- nakatawa nyang tanong alam kong nag eexpect sya







"One week narin kaming magkasama pero hindi nya ako nakikilala, lagi lang nya akong pinalalayo sa kanya"- malungkot ko namang saad







"Owww! Bakit naman?"- inalis ni ate ung pagkakaakbay nya at nahiga sa kama ko







"Sabi nya kasi ang mahal nya si Ji"- seryoso kong sagot







"Teka ediba ikaw naman si Ji panong?"-napatayo sya sa pagkakahiga at mukang nalilito nyang tanong habang kinakamot yung ulo nya







"Ate sabi ko kasi, hindi ako nakilala ni Nana siguro dahilan narin ng matagal na kaming hindi nagkita tapos walang komunikasyon so ano pabang aasahan ko? Pero inamin nya sakin na mahal nya si Jiji. Mas kilala kasi nya ako bilang Jihyo."- paliwanag ko naman at tumango tango lang sya na gets na nya, matalino kasi lahi namin







"Hindi naman problema yan baby Ji diba next week may family dinner naman tayo kasama ang family nila makikilala ka din nya bilang Ji."- pagchicheer up sakin ni ate







"Alam ko naman yun ate pero nagtataka lang ako kung bakit hindi nya ako namukaan pero sya kahit malayo kilalang kilala ko. Nakakapag tampo lang"- malungkot kong saad







Agad naman hinawakan ni ate ung dalawa kong pisngi at inilagay yung dalawang thumb sa gilid ng labi ko at nagform sya ng smile sa muka ko.







"Don't worry baby Ji, diba sabi mo mahal ka naman nya?"- nakangiti nyang sabi at agad naman tumayo







"Sige na baby Ji, pahinga kana good night"- habang palabas na sya ng kwarto ko







Napahiga nalang ako sa kama ko at patuloy parin iniisip si Nana.







Nagbago na si Nayeon, hindi na sya yung Nana na nakilala ko. Yung pala ngiti, pala kaibigan, laging masaya.







Pero bakit nagbago na sya? Hindi ko maintindihan? Pero kahit na ganyan na sya alam kong sya parin si Nana yung childhood bestfriend ko yung Nana na nakilala ko. Na minahal ko.



---



Papasok na ako sa school hindi na ako nag pahatid kay daddy kasi baka malaman pa ni Nayeon, ayoko munang malaman nya. Ang alam nya kasi na ako lang si Jihyo yung makulit na Jihyo.






Maaga pa naman kaya nagpunta muna ako ng cafeteria para magpalipas oras at alam ko kasing dito na dumadaretso si Nayeon tuwing umaga.








At hindi nga ako nagkamali nakita ko syang nakaupo sa isang table at may kasamang mga babae. Kilala ko yung isa yung kaibigan nyang si Eunha yung classmate namin. Ung dalawa hindi ko sila kilala pero lagi kong nakikitang kasama ni Nayeon.







Lagi akong napapatingin kay Nayeon kahit nung firstday of school hindi na talaga maalis ang tingin ko sa kanya. Alam kong nakakahalata na yung kasama nya na lagi akong tumitingin pero si Nana wala paring alam masyado kasing manhid.







Kapag nakikita kong nakangiti si Nayeon nakikita ko parin yung dating Nana. Kapag nakasimangot naman sya parang hindi ko na sya kilala.








Nakikita kong napapatingin yung mga friend nya sakin pero sya hindi nya manlang makuhang sumulyap sakin.







Lumipas ang mga oras naisip kong mag skip na bored ako hindi ko na masyadong sinusundan si Nayeon okay na ako ng makausap ko sya kahapon knowing na ako parin yung laman ng puso nya.







Oo aaminin ko hindi ko sya gusto dati pero nung umalis kami at nagpunta sa ibang bansa dun ko lang narealized na mahal ko pala sya hindi lang bilang isang kaibigan ko o kaya naman childhood bestfriend. Mahal ko pala sya bilang sya bilang si Nana.







"O bakit ka nag skip ng class I though na gusto mo lagi akong makasama"- napatingin naman sa nagsalita






Napangiti nalang ako dahil sa sinabi nya and I see her too she smirked.







"Alam ko kasing pupunta ka dito so inunahan na kita"- pagkasabi ko nun bigla akong napangiti dahil nakita kong medyo namula yung pisngi nya at nakita ko ulit yung dating Nana.








[A/N: now you know kung sino talaga si jihyo sa buhay ni nayeon]

Childhood bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon