Nana's/ Nayeon's POV
Lumipas muli ang isang lingo, feeling ko napapadalas na yung pag uusap namin ni Jihyo.
Napapadalas na yung tawanan namin na hindi naman dapat. Bakit nga ba? Bakit nag ba pinipigilan ko si Jihyo na makapasok sa buhay ko?
Dahil alam ko kasing gusto nya ako at alam kong pede din akong mahulog sa kanya na ikinatatakot ko.
Inaamin ko hindi mahirap mahalin si Jihyo pero ayoko. Ayoko dahil ayokong malipat sa kanya yung attention ko ayokong palitan si Jiji sa puso ko. Ayokong sirain yung pangako ko kay Jiji na sya lang ang mamahalin.
Natatakot ako, natatakot akong mag mahal ulit ayokong iwan si Jiji.
Ayokong mahulog din kay Jihyo lalo na ngayon dadating na si Jiji. Magkikita na ulit kami.
This day makikita ko ulit yung childhood bestfriend ko yung babaeng minahal ko. Yung pinangakuan kong mamahalin habang nabubuhay ako.
Pero iba na yung nararamdaman ko kay Jihyo parang mas lalo na akong nahuhulog sa kanya. Pero pano na si Ji?
"Hayssst hindi ko alam ang gagawin ko"- bulong ko sa sarili ko habang naglalakad pauwi na kasi ako sa bahay
Ngayon kasi yung family dinner namin with family nina Ji. And today yung araw na mag kikita ulit kami, sa kabila ng almost 10 years na hindi pagkikita at walang komunikasyon.
Si ate Juls umuuwi sya at nakakasama ko sya pero si Ji hindi talaga. Wala din akong makitang picture ni Ji sa cellphone ni ate Juls ewan ko ba kung bakit.
Habang naglalakad ako hindi ako mapakali dahil hindi ko alam yung magiging reaction ni Ji pag nakita nya ako. Alam ko puberty hits. Masyado na akong maganda kaysa noon pero hindi ko parin alam ang magiging reaction nya.
Natatakot parin ako na baka ireject nya ako ulit at masaktan nanaman ako. Natatakot ako na baka hindi nya matupad yung pangako nyang susubukan nyang mahalin din ako.
Ng andito na ako sa tapat ng bahay agad naman akong pumasok at naabutan ko lang si mama at papa na naka upo sa sofa.
"Ma, pa, wala pa po sina tita?"- pagtatanong ko habang nagbebeso sa kanila.
"Nako wala, maya maya andito narin yun."- sagot ni mama na bumalik ulit sa pagkakaupo
"Baby Naaaaa"- pagsigaw na galing sa kusina at agad naman akong napatingin
"Ate Juls"- at masaya akong sinalubong sya
"Kamusta si baby Nana?"- pagtatanong nya sakin habang nakangiti
"Ayos naman ako ate Juls wala paba sina tita? Si Ji nga pala?"- napaseryoso ako nung tinanong ko si Ji
"Nako kasama nila mommy at daddy yun, don't worry maya maya andito na sila"- pag aassure ni ate Juls
"O andyan na pala kayo mare"- pag bati ni mama at mukang andyan na sila
Agad naman akong lumingon pero ang nakita ko lang si tita at si tito.
"Hello po tita" sabay beso kay tita "hello po tito"- at nag beso din kay tito
"Naku ito na ba si Nana?" Tanong ni tita kay mama at agad naman pinisil ang pisngi ko at "nako ang laki mo na nga dalagang dalaga kana"- pag bati ni tita

BINABASA MO ANG
Childhood bestfriend
Подростковая литератураNangako ka sa childhood bestfriend mo na syang lang ang mamahalin mo pero hindi mo inaasahang may dadating na bago at ayaw mo paring tangapin na sya na yung laman ng puso mo. Anong ang gagawin mo? Tutuparin mo parin ba ang pangako mo o mag mamahal k...