This story is composed of imagination.
Pangalan, lugar o mga pangyayari na maaring may kapareha sa totoong buhay ay nagkataon lamang.
Hope you like it!
-Author
-----
Reanne
Pang sampung tunog na yata ng alarm ko pero hindi ko pa rin magawang tumayo. Sa twing binabalak ko, tila inaakit ako ng aking higaan na matulog muli.
Papatayin ko sanang muli ang tunog nito nang biglang dumilat ang kanang mata ko...
6:08 am
Shocks!! Walang silbi ang pag aalarm ko ng alas kwatro kung ganitong oras din naman ako gigising.
Napabalikwas ako sa aking kama ngunit masama yata ang bigla kong pagtayo, resulta ng biglaang pagsakit ng aking ulo. Shit!
Dumiretso ako ng banyo para makaligo na. Buti na lang at hinanda ko na ang isusuot ko para sa araw na ito. Well, gawain ko na iyon. Igagayak ko na ang damit ko para sa kinabukasan dahil alam kong mabagal akong gumayak, mahuhuli lamang ako sa klase kung ngayong umaga pa ako mamimili ng isusuot.
Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko na agad ang mama ko nakatayo malapit sa sink. Tapos na siguro syang magluto at hinuhugasan na ang ginamit na kasangkapan.
"Late ka na naman? Hindi nagising sa alas kwatrong alarm? Hahaha!" Tukso pa sakin ng mama ko.
"Ewan ko ba? Anong pagkain?" Iniwasan ko ang tanong nya dahil obvious naman ang sagot doon.
"Nagluto ako ng pritong itlog, hindi na ako nakapagsaing at nalate din ako ng gising. Magpalaman ka na lang sa tinapay"
"Ayos na 'to mahuhuli na din naman ako sa klase"
Mabilis kung tinapos ang pagkain ko at nagpaalam na din pagkayari.
Sa totoo lang, wala talaga kong hilig sa pag aaral. Pumapasok ako sa eskwela pero parang hindi naman ako nag eexist. Hindi ko talaga alam kung para saan yon.
Pumapasok ako pero sadyang antukin yata ako at madalas nakakatulog sa klase.
"Is there Reanne Natividad in this section? She has an attendance everyday but I doubt if I notice her presence?"
Kinalabit ako ng seatmate ko dahilan kung bakit ako nagising.
"Ma'am heto po sya!" Sigaw ng nasa likuran ko sabay turo sakin.
"Ahh. So it's you. Okay"
Bumalik ako sa pagkakayuko sa armrest ng aking upuan at hindi na inintindi ang ingay ng loob ng classroom.
Madalas din akong mag isa. Nasanay na sa ganito, tinatamad din kase kong makipag usap.
Huling taon ko na ito bilang Senior High. Laking pasalamat ko na din ito na makakatapos ako ng walang gulo at away o kung ano pa man.
Mabuti nang walang nakakapansin sa presensya ko o maging sa buong ako kaysa naman mapansin ako tapos maulit lang yung nangyari noon.
Naglalakad ako sa palibot ng Parke ng eskwelahang ito nang mapansin kong may nakaupo sa favorite spot ko. Sa loob ng dalawang taon ngayon ko lang nakita ang paborito kong lugar na may taong nakaupo. Akala ko ako lang magkakainteres doon
Hindi ko sya pinasin. Umupo ako sa upuan kung saan sya nakaupo, tutal mahaba naman iyon at hindi nya sakop lahat. Teknik ko na ito, uupo ako dahil alam kong kusa syang aalis kapag may nakiupo. Doon ako kumain ng kwek kwek na binili ko sa food court. Malapit ko nang maubos ang kinakain ko pero parang di yata nya naramdaman ang presensya ko.
"Hoyyyyy!" Nilakasan ko yon para magulat sya.
Pero pinagmasdan nya lang ako na parang may malalim na iniisip at inabala ko lamang sya.
"Pinoy ako, buo aking loob may agimat ang dugo ko!" Medyo pabulong na, nagkunwaring kumakanta lang ako.
Nakita ko ang pag angat ng gilid nang kanyang labi. Pero di ko na sya inabala. Baka kailangan nya ng payapang lugar, at tamang tama ang favorite spot ko. I'm not that rude para magpaalis.
Lumipat ako sa katapat na upuan.
Nakapikit sya kaya nagawa ko syang pagmasdan. Siguro katulad ko sya na palaging mag isa. Kaya iintindihin ko sya.Bigla syang dumilat at nagtama ang paningin namin. Nagulat ako pero parang wala lang sa kanya.
Tumayo sya at umalis na sa pwesto kung saan sya nakaupo kanina.
Walang lingon-likod.
"Weird?"
Napabuntong hininga na lang ako sabay sambit ng mga katagang yan.
BINABASA MO ANG
You Complete Me, Reanne.
Teen FictionCallixtre Dale is dead. He's a ghost. Matagal din nya bago napagtantong isa na syang ligaw na kaluluwa. Isang multong hindi makaalala. On the other hand is Reanne Natividad, a girl na binago ang lahat sa kanya nang lumipat sa bagong eskwelahang pina...