Kabanata 4 🌹

14 0 0
                                    


Reanne

Pakiramdam ko ay may kakaibang mangyayari sa araw na ito.

Hindi kaba, kundi excitement ang nararamdaman ko. Ibang iba sa mga nakaraang buwan ko sa pagpasok.

Kitang kita siguro sa mukha ko ang pagiging good mood ngayon dahil ultimong si mama ay napansin iyon.

"Parang may bago?" Hmmm. Pakita nga!" Sabay hablot sa mukha ko para makita ng maayos.

"Ma!" Sigaw ko pero tumawa lang sya.

Umalis na ako ng bahay pagkatapos mag umagahan para hindi na rin mahuli sa klase. Dumiretso ako ng locker para kuhanin ang ilang mga gamit na kakailanganin sa unang subject.

Natanaw ko si Theo na paparating. Hindi naman sa ayaw ko syang makita pero hindi kasi maganda ang inasal ko kahapon sa kanya.

Actually I know him. Sa halos magdadalawang taon ko dito sa University ay parang nakilala ko na sya. Sa dami ba namang issue na kasali ang pangalan nya ay sino pa ang hindi makakakilala sa isang Theodre Ramirez?

He's a Playboy.

Minsan nga ng madaan ako sa parke ng skwelahan na ito ay narinig kong isinusumpa sya ng isang babae.

I can't imagined.

Paano nya nagagawang matulog sa gabi gayong alam nyang may nasasaktan ng dahil sa kanya.

Sabi nila ay medyo nagtino na nga daw simula nang nalagasan ng isa. And that's the part na hindi ko na alam dahil hindi rin naman pinag uusapan ng mga chismosa't chismoso sa school.

Isinarado ko na locker ko pero pansin kong hindi pa din umaalis si Theo sa kinatatayuan nya. Ayoko nang pansinin pero hinarangan nya ako.

"Excuse me?" Gusto kong maging normal ang tono pero nang bigkasin ko ito ay kita ang pagkairita.

"Did I offend you? Hmm. Yung kahapon? I was here to say sorry." I can hear the sincerity in his voice.

Tila nagbago ang tingin ko sa kanya kumpara sa kanina kong iniisip.

Itinaas ko ang isa kong kilay. Naghihintay ng susunod nyang sasabihin.

"I didn't mean that by the way. I was... I just.. I just want to be friendly hindi ko alam na feeling close pala ang tawag don?" Sabay hawak sa batok.

Napangiti ako at nakita ko ang amusement sa kanyang mukha. Its like ngayon lang nya nakita na ngumiti ako.

"You're beautiful when your smiling" nakangiti nyang sabi habang nakatitig sakin.

"I don't know if that's a compliment or gusto mo lang na maging friends tayo." Dahil hindi na nakaharang ang kanyang mga kamay ay sinabi ko ito habang naglalakad ng dahan dahan.

"Hindi lang basta compliment yon because its true and yes I want to be your friend." Sabi nya habang hinahabol ako.

"I don't do friends." Tipid kong sagot.

Tila naguluhan na sya ng bigla akong lumiko. Siguro ay dahil sa kabilang banda ang kanilang classroom.

"Bye! Reanne. See you later!" Sigaw nya dahil di na nya ako hinabol.

Narinig ko din na may tumawag sa kanya. Itinaas ko ang kanang kamay ko bilang pagtugon.

Nahuli ako sa unang klase kaya naman pinatayo ako sa labas ng classroom na nakataas ang kamay. Petmalu diba! Buset na Theo yon, napakadaldal kase.

Pinapasok lang ako nong tapos na syang magdiscuss at magqquiz na. Anong alam ko? Hays. Kung ano ano na lamang ang isinagot ko. Pagkapasa ng papel ay yumuko ako at pumikit. Tss, sakit sa ulo.

You Complete Me, Reanne.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon