Kabanata 2 🌹

13 0 0
                                    

Reanne

Mabilis natapos ang araw na ito. Pagkatapos nang huli subject ay dumiretso muna ako sa locker ko para kuhanin ang ilang librong gagamitin ko para makapagreview. Oo tamad akong mag-aral pero di ko kayang makitang disappointed ang mukha ni mama dahil sa mga scores ko.

Kami na lang dalawa ni mama. My father left us when I was still 12. Kahit na bata pa ako nang mga panahon na iyon tila naiintindihan ko na ang ilang mga pangyayari sa buhay namin.

We are some example of happy family. Me, my mom and dad. Kuntento na kami sa isa't isa. Masaya naman pero dumating pa din yung punto hindi na sila magkaintindihan so they break up. I ask my mom why? Pero lagi lang nya sinasabi sakin na that's the best way para di na sila magkasakitan, physically and emotionally.

Pero noon kasi ang akala ko sa pagmamahal eh yung handa kang masaktan. Titiisin mo lahat ng pasakit at hirap dahil isa ang mga ito para makabuo nang mas matibay na relasyon. Pero dahil sa nangyari sa mama at papa ko, hindi pala lahat ganoon. May iilan din palang mas pipiliin na maghiwalay kaysa ang masaktan ang isa't isa.

Dahil hindi naman kalayuan ang bahay namin sa eskwelahan na pinapasukan ko ay madalas akong maglakad. Nang nakarating na ako sa lumang gate ng aming bahay ay agad ko itong binuksan para makapasok na.

Walang tao sa loob. Siguro'y nasa trabaho pa si mama. Tiningnan ko ang orasan at nakitang mag aalas singko pa lamang.

Dumiretso na ako sa kwarto ko para makapagbihis na. Isang malamig na simoy nang hangin ang sumalubong sakin pagkabukas ko ng pinto non.

Callixtre

"Anak kailan ka ba magtitino?" Tanong sa akin ni mommy dahil napatawag na naman sya ng principal ng eskwelahan.

Gusto kong maniwala na concern sila sakin pero palaging sumasagi sa isip ko na tinatanong lang nila yan dahil ayaw nilang madungisan ang iniingat ingatan nilang pangalan.

"Mom, hindi mo na ako mababago. At saka bakit mo pa ako tinatanong? Kasalanan ko ba lahat. Pinakinggan mo ang opinyon nila pero di mo tinanong kung anong opinyon ko! Ako ang may kasalanan para sayo!" Mahaba kong lintanya dahil kanina pa nya ako pinagsasabihan pero ang punto lang naman nya ay kasalanan ko ang lahat.

" Bitiwan nyo sya" mahinahon kong sabi nang nakita kong kinwelyuhan nong gagong lalaki ang isa pang lalaki.

Ugali ko na yata 'to. Ang mangialam, kahit hindi ko away ay pinapakealam ko. Kaya sa dulo ako ang masama hindi man lang ako bigyan ng credits sa pagtulong.

"Oh! Callixtre Dale. Ikaw na naman! Ano ba naman yan tropa? Nangengealam ka na naman ng diskarte eh."

Tss. Utot mo

Hinawakan ko sa palapulsuhan yung lalaking napagdiskitahan ng grupo ni Michaell. Nailayo ko na iyong lalaki pero iniharap ako ng kumag na si Michaell sabay Suntok.

Halos mapangiwi ako. Hinawakan ko ang gilid ng aking labi at nakita ang kaonting dugong naroon

"Oops! Napalakas yata pare?" Sabay halakhak.

Kapag nasaktan ako ng pisikal hindi ko sya pwedeng hindi saktan. Ewan ko ba at tila prinsipyo ko na iyon. Kailangan kong lumaban. Maaaring may nananalo at natatalo, ganoon ang laban. Kung mananalo ka ay mas ayos pero kung matatalo ka atleast lumaban ka! Masasabi mo pa din na "lumaban ako, natalo lang" kaysa namang sabihing "natalo ako dahil hindi ako lumaban".

Binigyan ko sya ng malakas na suntok saka kinwelyuhan. Hindi na nya nagawang umilag dahil sa kagalakan nyang nasuntok nya ako.

"Hoooy! Ano yan!" Sigaw nong gwardyang nakakita samin.

You Complete Me, Reanne.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon