Kabanata 3 🌹

10 0 0
                                    


Reanne

"See you tomorrow, Reanne"

Hindi ko alam pero nakakapagtaka na alam na nya ang pangalan ko. Yes, I asked what's his name pero di ko maalala na nagpakilala ako. Nawala ang mga mumunting pagtataka sa aking isipan ng dumating na ang instructor para sa last subject na ito.

Nakinig ako sa discussion at nakapagsagot din nang sinabing may quiz kami pagkatapos.

Ibinalik ko ang mga libro sa locker ko para mabawasan ang mga bitbitin ko.

Theo's caught my eyes. Siguro ay malapit lang sa locker ko ang locker nya. Napansin yata nya ako

"You? Reanne right?" Bungad nya sakin.

"Yup." Sabay ngiti ng konti.

"Magkapit bahay lang pala ang locker natin hahaha"

"Oo nga" pagsang ayon ko.

"Sa tingin ko ay madalas na tayong magkikita nyan" kasabay ng pagsarado nya ng locker at pagtitig nya sa gawi ko.

"Siguro nga" naiilang kong sagot.

"Wala sa itsura mo ang pagiging mahiyain" nakangiti sya habang sinasabi ang mga bagay na iyan.

"Wala rin sa itsura mo ang pagiging feeling close" hindi ko alam kung bakit iyan ang lumabas sa bibig ko pero ayos na iyon para hindi na nya ko muling kausapin.

Tinalikuran ko na sya. Tinatamad na akong magsalita tss

Mag isa akong naglalakad sa mahabang pasilyo na ito nang natanaw ko si Callixtre na nakaupo sa may bandang dulo.

Bigla tuloy akong natauhan sa sinabi ko kay Theo. Ayokong mabansagan na "feeling close"

Lalagpasan ko na sana sya ng tinawag nya ako...

"Reanne.." Napalingon ako sa boses nya, hindi ko alam pero parang ang sarap pakinggan ng pangalan ko kapag sya ang bumigkas.

Nagtaas ako ng isang kilay bilang pagtugon.

"Uuwi ka na ba? Sabay na tayo" alok nya.

"Hmmm, di na. Malapit lang ang amin saka sanay naman akong umuwi mag isa" pagtanggi ko dahil ayokong isipin nyang mabilis akong mapapayag.

"Sasabayan lang naman kita. Kung ayaw mo kong kausapin ay wag mo akong pansinin" sagot nya.

Bigla akong nainis kung bakit pa ako tumanggi. Wala namang masama sa pagsabay? Badtrip ka Reanne!

I can't open up a conversation. Nahiya na rin siguro ako. Buong oras nga syang tahimik at di ako ginulo. Parehas ba kami ng daan pauwi? Nagtataka lang, hindi ko naman magawang magtanong.

Nakarating kami sa tapat ng aming bahay at nasa may likuran ko pa rin sya.

"Ahh Callixtre" sambit ko pagkatalikod.

At the wrong move without noticing, napakalapit na namin sa isa't isa. Umatras ako sa pagkabigla pero inilagay nya ang kanyang isang kamay sa likod ng aking baywang bilang pag alalay sa nalalapit kong pagbagsak.

Natameme ako. His eyes was directed on mine, kasabay ng malamig na hangin ay ang panginginig ng aking mga binti. I can't fucking move! What the heck. Hindi ko alam kung paano aalis sa posisyon namin na ito.

Thick eyebrows, tantalizing eyes, his pointed nose. And those cherry lips. Am I hallucinating? Tila nailarawan ko sya sa loob lamang ng ilang segundo.

"Be careful" pati ang boses nya ay tila malambing din sa aking pandinig.

Natauhan ako at bumalik sa realidad. Kailan ko ba naramdaman ang bagay na 'yon?

Umayos ako ng tayo. Nagkunwaring ayos lang at hindi ako naiilang sa nangyari kanina.

"Hmmm. Salamat, malapit lang ba ang inyo samin?" Tanong ko para maibsan ang kaba.

"Malapit lang. Pumasok ka na" pormal na pagkakasagot nya.

"Sige" sabay ngiti at talikod na.

Kumaway pa ako bago tuluyang pumasok sa loob. Pagkasarado ng pinto ay nakahinga ako ng maluwag, ano bang nangyari at tila naubusan ako ng hininga? Hawak hawak ang dibdib ay dama ko ang bawat pagpintig nito. Pumikit ako ng mariin sabay hinga ng malalim. Dumiretso ako sa kwarto at malalamig na simoy ng hangin ang sumalubong sakin.

Callixtre

Nasa dulo ako ng tahimik na pasilyo na ito at inaabangan ang paglabas ni Reanne. Hindi ko alam kung paano pero susubukan ko ang bagay na ito.

Inalok ko sya na sabay na kaming umuwi ngunit tumanggi sya. Pakiramdam ko ay ito ang unang beses na may tumanggi sa akin. Bigla tuloy akong nagtaka kung sa dalawang taong pagala gala ko ay kumupas na ang kagwapuhan ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero alam kong may itsura ako kumpara sa mga kaibigan ko.

Mabuti na lamang at nakaisip ako ng sasabihin bago nya seryosohin ang pagtanggi. Mukha namang effective dahil tila naguilty sya sa unang ginawa nya.

Hindi nya ako kinausap. Hindi na din ako nagtangka, respeto na lang sa sinabi kong maari naman nya akong hindi pansinin.

"You deserved someone. Yung mas better, at hindi ako iyon Hael" ayoko man syang masaktan pero alam kong mas masasaktan sya kapag pinatagal pa.

"B-but I like you Callix. Bakit ba palagi mong sinasabing you don't deserve? Huh? Bakit may iba ka ba? Tell me!!" Kitang kita ang pagsusumamo sa kanyang mga mata pero tila di ako apektado noon.

Gusto ko lang na matapos to.
"Just. Just go home" Tumalikod ako para iparamdam na hindi talaga ako interesado sa alok nyang maging girlfriend ko. Whatever her reason, I don't care.

Never in my life that I feel too much than friendship.

Hindi lang si Hael ang babaeng umiyak sa harapan ko. People accused me as a heartbreaker pero ang totoo ay sila ang sumira sa puso nila. I've never gave them even a bit of hope. Ayoko silang paasahin pero kusa silang umaasa and thats not my problem anymore. I treat everyone as an equal.

"Ahhh, Callixtre"

Alaala.

Bumalik ako sa realidad nang magsalita si Reanne. Hindi ko namalayan na sobrang lapit ko na pala sa kanya.

I grab her waist immediately to avoid her falling. Nagtama ang mga mata namin at libo libong damdamin ang nais kumawala. Hindi ko alam pero iba ang isang to. I saw her lipbite, mababasa sa mga mata nya ang labis na pagkagulat at pagkailang. The redness of her neck is running into her face.

"Be careful" I whispered.

Pagkatapos ko sabihin yon ay umayos na sya sa pagkakatayo at tuluyan na ngang nagpaalam.

Unti unti na syang nawala sa paningin ko. Ilang sandali pa akong nanatili sa harapan ng kanilang bahay.

Sudden thoughts appear on my mind.

Who are you Reanne?
Why?....

Tumalikod ako at dahan dahan ring nilisan ang kinatatayuan.

You Complete Me, Reanne.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon