Examination week was finally done.
Foundation week is about to start. Different booths from different Departments and Organizations are on sight. Dumami na rin ang mga tao dahil Open University kami ngayon. Students from different schools are allowed to enter the campus.Iba't ibang pakulo ang ginagawa ng bawat isa. Different events and competition ang inaabangan ng lahat. I wonder how it feels to celebrate an occasion like this with friends. Nalungkot ako sa naisip ko. Hindi ko naman gustong i-isolate ang sarili ko, ayoko din namang maging mag-isa but meeting new people is really hard for me. Hindi ko alam kung ako ang may mali. I don't know if I unintentionally pushing away people na gusto lang naman ay makipagkaibigan.
Naglalakad ako sa mahabang pasilyo na ito ng makita ko sila Theo at ang magkambal. Tulad ng dati ay hindi pa rin naka-uniform si Eivan. The more I looked to them, mas nakikita ko ang differences nila.
Papalapit na sila ng umiwas ako ng tingin. Bigla akong nahiya sa kanila dahil noong nakaraang araw lang ay hindi maganda ang iniisip ko sa kanila. Nagguilty ako dahil iniwasan ko pa sila. Pakiramdam ko ay wala akong lakas ng loob na iharap ang sarili ko.
"Oyoyoyoy!" paghaharang ng kamay ni Theo. "Pinagbigyan ka na namin last time, 'di mo na pwedeng gawin yon ulit." sabi nya habang binababa ang kamay.
Tinaas ko ang mga kilay saka yumuko. Alam ko kung ano ang ibig nyang sabihin pero tinanong ko pa din kung alin yon.
"Iba iba mood mo araw araw." biglang singit ni Eissen na parang nagrereklamo.
Naglakad na ako ng dahan dahan. Wala naman akong balak umalis, medyo nakaharang kase kami sa daan kaya balak kong tumabi.
"Oh tingnan mo aalis ka na naman." dugtong ni Eissen.
"Ang laki mo kaseng harang sa daan, nakakahiya." iniiwas ko kaagad sa kanya ang tingin ko dahil siguradong masama na ang titig nya sa'kin.
"Aba." lalapit na sya sakin pero nagsalita si Eivan.
"Hindi ka naman na inaabangan ng mga chicks ni Eissen sa labas?" nagulat ako sa sinabi nya. Napatingin ako sa kanya, nilakhan ko sya ng mata. Habang bakas naman sa mukha ko ang tanong na bakit nya iyon sinabi?
"What do you mean?" seryosong tanong ni Theo. "Eissen, any idea?"
tumingin sya kay Eissen."Reanne ano yon?" seryoso na rin ang mukha ni Eissen ngayon.
Bigla akong kinabahan. Pakiramdam ko ay galit sila. Napakamot ako sa ulo saka ngumiti ng bahagya.
"Wala hehe. Nadaanan lang ako one time tapos—" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita ulit si Eivan.
"Kung nakita nyo lang kung paano umiyak si Reanne non, grabe." hindi ko alam kung ano trip ng isang 'to ngayon.
"Hoyyyy!" sigaw ko sa kanya.
"Just tell them Reanne. I really wanted to tell them before pero remembering your face habang sinasabi na huwag kong sasabihin always stop me kaya ikaw na lang magsabi." sabi nya. "Anyways, I need to meet someone kaya mauuna na ako." tinapik nya sa balikat si Theo at Eissen saka tuluyan ng umalis.
Tumalikod na din ako pero nahigit ako sa parehong kamay ni Theo at Eissen.
"Ano?" para akong kawawang bata.
"Mag usap tayo." si Theo yon.
"Wala lang 'yon promise." pangungumbinsi ko.
"Anong wala! Kapag may nangyari sayo ng dahil samin, yari kami." hindi ko makumbinsi ang sarili ko kung galit ba sila o nag aalala.
It sucks when you can't read what's on others mind.
Nasa harapan kami ng booth nila ngayon. Ngayon ko lang nalaman na kasali pala sila sa banda ng school. Binigyan ako ni Theo ng inihaw na hotdog. Gusto ko sanang tumanggi pero no choice dahil hinawakan na nya ang kamay ko para hawakan 'yon.
BINABASA MO ANG
You Complete Me, Reanne.
Teen FictionCallixtre Dale is dead. He's a ghost. Matagal din nya bago napagtantong isa na syang ligaw na kaluluwa. Isang multong hindi makaalala. On the other hand is Reanne Natividad, a girl na binago ang lahat sa kanya nang lumipat sa bagong eskwelahang pina...