Kabanata 1 🌹

14 0 0
                                    

Callixtre

Hindi ko alam pero matagal tagal na din simula nang mapagtanto kong isa na akong ligaw na kaluluwa

Tila nawalan ako ng memorya at halos hindi maalala ang lahat. Basta ang alam ko lang noon ako si Callixtre, bukod don... Wala na

Hindi ko alam kung bakit pa ako nandito. Hindi ko alam kung paano ako nawala sa mundong dati kong ginagalawan. Gusto kong maalala ang lahat pero kailangan ko ng katulong para magawa ang bagay na yon.

Ngunit ako yata ang pinakamalas na ligaw na kaluluwa dahil wala ni isa sa lugar na ito ang nakakakita sa akin.

Wala na akong nararamdaman.

Gutom.
Uhaw.
Pagod.

O kahit na ano pa yan, hindi ko na nararamdaman. Tila namanhid na ang buong sistema ng aking katawan.

Pero may parte sa akin na tila pagod na pagod na at gusto nang magpahinga.

Dalawang taon na simula nang maging isa akong ligaw na kaluluwa.

May mga impormasyon na din akong nakalap sa mga taong naririnig ko ang pag uusap.

Madalas kong marinig ang pangalan ko sa grupo ng mga babae.

Hindi kaya isa akong bakla? Bading? Hindi..hindi.. Dahil kung oo bakit? Magulo.

"Kahit ganon naman si Callix alam naman nating mabuti syang tao"

Anong ibig nilang sabihin?

"Pre kung nasan ka man! Pakyu ka! Bakit mo kami iniwan!"

"Shit! Bro. Lumalamig! Baka nasa tabi mo si Callix!"

Tss

Sa dalawang taon kong pagala gala. Nakilala ko na si Theo at Eissen. Nang nagtama ang mga mata namin tila binuhay nito ang alaala na binahagi namin sa isa't isa.

Those guys must be my best of friends.

Lagi ko silang sinusundan. Suot ang parehong uniporme, ngunit ang sa aki'y may bahid na nang mantsa ng dugo.

Baka sila ang susi o daan para malaman ko kung ano ang rason ng pananatili ko.

Pero tumatagal ang oras. Hindi pa din nila ako nakikita. Nararamdaman nila ako pero hindi nila ako naiitindihan.

How can I ask? If they don't see me, hear me and worst understand me? Damn.

Kaya hinanap ko kung sino ako. Kahit na alam kong limitado lamang, sinubukan ko.

Nalaman ko na.
Hindi maganda ang record ko sa eskwelahan na ito.
Sikat ako, hindi dahil matalino ako kundi sa dami ng napaiyak ko.
That I'm a bully?
Yes, I can buy what I want. I even know who my parents are. I live in a house with a maids but not with my parents presence. I'm a only child.
I'm a rebel? I guess.

So I'm a bad person.

Maybe that's why I'm here. Taking all the punishment.

Hindi ko ba nagawang magbago? Naaksidente siguro ako kaya biglaan ang pagkamatay at hindi na nakahingi ng paumanhin sa mga taong nasaktan.

So this is a punishment.

Wala siguro akong gate pass sa langit.

But I'm here. Instead of throwing into hell, why I'm here? Maybe God gave me a chance.

I need an instrument. Someone who can see me. Guide me.

Is there any unfinished business here?

Naupo ako sa madalas kong tambayan. Ako lang yata ang nakakalam ng lugar na ito o ako lang siguro ang nagkakainteres na manatili dito.

You Complete Me, Reanne.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon