Hindi ko mapigilan ang malakas na tawa ng makita ko ang lalaking nasa harapan ko. Napahawak pa ako sa tiyan ko at kunwaring nagpunas ng mga pekeng luha. I can't imagine, I saw two Eissen in front of my face. They really looked the same in terms of physical appearance pero their aura looks different.
Eissen looks more comfortable as it may seemed. Halata sa kanya ang pagiging madadal at pakialamero char. Though, they have the same face pero parang mas madaling syang iapproach compare to the guy in front of me.
I wonder what's his name.
"I'm sorry, medyo rude." napahinto ako sa kakatawa dahil narealize ko na wala namang nakakatawa.
"Malakas siguro ang pagkakabagsak mo kahapon Reanne, nag-aalala ako sayo slight." pambabara ni Eissen.
"That's my first reaction, I'm sorry. I mean, ngayon lang ako nakakita ng magkamukhang magkamukha. I imagine you being him." dalawang Eissen, napaisip ako. Hindi kaya sakit sa ulo 'yon.
"Eivan, si Reanne." pagpapakilala ni Theo sa akin doon sa lalaking nasa tabi nya.
"I know her." he answered with a cold voice. Sa sobrang lamig, bigla akong kinabahan.
Paano nya ako nakilala? Bakit lahat ng naeencounter ko this past few weeks kilala na ako? Did I became famous online? May nag viral ba akong video without my knowledge. Maybe I should check.
Napansin yata nya yung mukha kong nagtataka.
"Eissen keeps talking about her yesterday, glad I met her today. Iisipin ko na sana bro na type nya eh." bigla syang ngumisi.
"Anong ibig mong sabihin? Na pangit ako?" sagot ko sa kanya.
"Told you bro, mabilis mag conclude yan." si Eissen.
"Gusto mo ba si Eissen? Why did you get offended na hindi ka nya type ?" bigla syang tumawa.
"Ewww." yan lang ang naisagot ko.
"Aba! Choosy ka pa ha, hindi talaga kita type."
"Neither do I!" halos isigaw ko sa kanya.
"You met your match Eissen." sabi ni Theo. "Sabi ko naman sayo, hindi lahat ng babae type yung ganyan kagwapo hahahaha"
Hindi ko alam kung bakit sila nandito, hindi ko din alam kung bakit pinapunta nila dito yung kakambal ni Eissen. Gusto kong itanong to feed my curiosity pero ayoko namang isipin nila na intersado ako masyado sa mga ginagawa nila. Nakaupo na kami sa bench ng parang may nahagip ang aking mga mata na pamilyar na mukha. Napalingon ako para hanapin pero parang bula naman itong nawala. Binigyan ako ni Theo ng sandwich na hindi pa bukas, tinanggap ko naman ito habang may inaalala. Tumayo ako, sinabi ko na mauuna na ako. Hindi ko na hinantay na may sumagot. Umalis na kaagad ako sa lugar na 'yon.
Parang kusang tinatahak ng katawan ko ang lugar kung saan ko nakita ang pamilyar na mukha kanina.
"Nandito lang 'yon." bulong ko sa sarili ko.
Naglalakad pa ako ng may humawak sa kamay ko.
Napaharap ako sa gulat.
"Para kang nakakita ng multo." sagot nya sa akin.
"Theo" mahina kong sabi. " Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya habang dahan dahang inaalis ang mga hawak nya sa palapulsuhan ko.
"Sinundan kita. Nagtaka lang ako kung bakit bigla kang umalis." pag iiwas nya ng tingin. "Ikaw? Bakit ka nandito?" pagbabalik nya ng tanong.
Hindi ko din alam. Bakit ba ako nandito? I also found myself wondering here. Waiting for someone to appear.
Dahil may katangkaran sa'kin si Theo ay tiningala kong muli sya pero hindi na sya sa'kin nakatingin. Diretso ang mga mata nya, nakangiti kaya lumingon na rin ako para tingnan kung sino iyon.
BINABASA MO ANG
You Complete Me, Reanne.
Teen FictionCallixtre Dale is dead. He's a ghost. Matagal din nya bago napagtantong isa na syang ligaw na kaluluwa. Isang multong hindi makaalala. On the other hand is Reanne Natividad, a girl na binago ang lahat sa kanya nang lumipat sa bagong eskwelahang pina...