The midterms examination start. Halos lahat ng mga classmates ko ay abala sa kani-kanilang pagrereview. May iba na parang sinasaniban pa dahil bigla bigla na lang bumubulong.
I put my earphones on, music so loud. That's how I do it. Kung sa iba ay distraction ang music habang nag-aaral, iba para sa akin. Pakiramdam ko ay mas kaya kong mag focus kapag meron ne'to. Mas maingay para sakin ang mga taong nag uusap unlike music with rhythm na pwedeng sabayan, ang ingay na nanggagaling sa paligid ay hindi mo kontrolado.
I like things to be controlled,
I like to be in control.Sa tuwing hindi ko na alam ang susunod na gagawin, nawawala ako. Pakiramdam ko ay mali ang isang bagay at dapat ay hindi na inumpisahan.
But things are different now, I don't know how to control the things that already started.
I felt depressed.
Now that I'm no control feels that I loose the grasp on what my principle is.
Pakiramdam na ako ang sumira sa prinsipyong ako mismo ang bumuo.
The professor for this subject entered the classroom. Agad bumalik sa mga designated seat ang mga classmates ko. His assistant facilitator asked us to keep those unnecessary things na hindi naman na gagamitin and in any moment ay mag uumpisa na.
He gave us the questionnares and another paper for our answers.
The one and half hour flies so fast. I finished it within time, at halos ganoon ang nangyari sa buong araw.
The hell week started.
Half day lang kami every time may exam kaya napagdesisyunan kong pumunta munang convenience store para bumili ng ice cream at marshmallow. Nagsuot ako ng itim na jacket at isinuob ang hood sa ulo ko. Ipinasok ko din at earphones ko sa tainga ko saka naglakad.
Nakita ko sila Theo pero hindi ko na sila pinansin at nagkunwaring hindi ko sila nakita. Naka-earphones ako kaya pwede kong sabihing hindi ko sila narinig kung tawagin man nila ako.
Naalala ko yung nangyari noong nakaraang araw, sana ay hindi nabanggit ni Eivan. Eventhough I have a doubt in his loyalty, hinihiling ko pa din na sana ay hindi nya sinabi.
Nakarating ako ng convenience store. Dumiretso ako sa ice cream, pagkatapos ay sa marshmallow. Binayaran ko na kaagad pero nang iaabot ko na ang bayad ko ay may kamay na biglang sumulpot. Nagulat ako kaya yumuko ako at umatras. Papaunahin ko na lang sya pero ilang segundo lang ang narealize ko na sa akin yung mga products na pinunch ng cashier. Sa pagkabigla ko ay tinabig ko ang nasa harapan ko saka sinabing,
"Sorry, ice cream ko pala yan saka marshmallow hehe nakalimutan ko." bigla kong inabot sa cashier yung cash na hawak ko. Naguluhan naman yung cashier sa harapan ko.
May sinabi sya pero hindi ko masyadong narinig kaya itinuro nya yung tenga ko, tinanggal ko agad yung earphones ko saka yumuko para humingi ng paumanhin.
"Ano po 'yon?" tanong ko ulit.
"Hindi ba kayo magkakasama?" ako naman yung naguluhan.
Biglang may nagbaba ng hood ko dahilan kung bakit napalingon ako. Si Eissen yon, at si Theo naman ang lalaking nasa harapan ko. Hindi ko sila napansin dahil hindi naman ako tumitingin sa kanila. Nakayuko lang ako the whole time, at haharap lang kapag kinausap.
Inabot sa'kin ni Theo ang mga binili ko pati ang pera na ibinayad ko. Tinanggap ko ang mga binili ko pero hindi ang pera na iniabot nya. Hindi naman nya ipinilit sakin.
Nagpasalamat ako sa kanilang dalawa, saka isinuot ulit ang hood ko. Ayokong kausapin sila. I need to go back on how I was before. I need to stick to the principle I made.
BINABASA MO ANG
You Complete Me, Reanne.
Teen FictionCallixtre Dale is dead. He's a ghost. Matagal din nya bago napagtantong isa na syang ligaw na kaluluwa. Isang multong hindi makaalala. On the other hand is Reanne Natividad, a girl na binago ang lahat sa kanya nang lumipat sa bagong eskwelahang pina...