❤chapter 4❤

159 31 0
                                    

"Lyn, Sayo nalang ito" inabot ng batang babae ang isang kwintas sa kausap nitong bata rin. Hindi ko masyadong maaninag ang kanilang mukha, dahil medyo malabo ito

"Mamimiss ko talaga kayo ni kurt, Aud" umiiyak na sabi nito bago tuluyang yumakap sa batang babae. Hindi ko alam pero para bang buhay na buhay ang pangyayari

"Pangako, babalik ako"

----

Nagising ako dahil sa hindi malamang dahilan. Malamig ang pakiramdam ko ngunit tagaktak naman ang aking pawis. Hindi ko maintindihan. Para akong hinahabol ng hindi mabilang na kabayo dahil sa bilis ng aking paghinga


Tumayo ako upang simulan ang aking ritwal sa umaga dahil malelate na ako. Kahit inaantok pa ay pilit ko itong nilabanan dahil madami kaming gagawin kaya bawal ang umabsent



Pagdating ko sa kusina ay naabutan ko pa si Kurt na umiinom ng kape, ngunit agad din naman itong umalis. Anong oras naba? GOSH! Late na ko sa first subject ko!




Agad kong kinuha ang aking bag at tumakbo palabas. As if naman may magagawa yun kaya nag lakad nalang ako. Late na rin naman ako kahit anong gawin ko kaya, anong silbi ng pagtakbo? Hindi ba?


"Sakay" paglabas ko ng gate ng bahay ay nand'on pang nakaparada ang sasakyan ni Kurt


"Ha?" Parang tangang sagot ko


"Sakay" Ulit na turan nito. Agad akong lumingon sa paligid ko kung mayroon bang ibang tao, ngunit wala. Agad agad pumasok sa kanyang sasakyan at umupo sa passenger seat.


Aba! mahirap na, baka mag bago pa ang isip ng dragon. Minsan lang to, sulitin na.


Walang nagtangkang bumasag sa kahimikang bumabalot sa aming dalawa kaya naman nag salpak nalang ako ng earphones sa aking mga tenga at tumingin sa bintana



Maya maya pa ay huminto ang sasakyan kaya naman agad na nangunot ang aking noo. Wala pa kami sa school, pero malapit lapit na rin. Tumgin ako sa kanya na tila nag tatanong



"baba" ani nito. kaya, mukhang nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin kaya bumaba na ako at nagsimulang mag lakad ulit


Hindi ba't sinabi ko namang hindi alam sa University ang relationship naman ni kurt? So ayun na nga, bawal kaming mag sabay pumasok. Sigh.



Maya maya pa ay natapos na ang unang klase. Si ms. Anne na ang sunod. Tsk.


Dumaan muna ko sa detention room upang iwan ang mga papel na pinagawa sa akin ni ms. Ay, wala kasi ito sa doon kaya iniwan ko nalang





Pagdating ko sa classroom ay buti naman at wala pa ang matanda. Si ms anne ang isa sa pinaka matanda at terror dito sa Acadamy. Wala siyang asawa at anak kaya I guess yun ang dahilan kung bakit siya masungit. Hindi bat ganun naman iyon? Kapag matandang dalaga ay likas na masungit talaga?



"Good morning" agad naman kaming tumayo at bumati rin pabalik



"sit down. May ilan lang akong sasabihin at iiwan ko rin kayo kaya makinig." Ano meron? Himala at hindi siya mag tuturo. Bago yun.


"I know na lahat naman kayo ay aware sa gaganaping mr and ms. LU next month" nagsimula ng umingay sa aming silid aralan dahil sa bulong bulongan kung sino ang ipanlalaban



"Isa ako sa naatasan sa gaganaping event. Asahan niyo na sa mga susunod na araw ay wala ako" mag sasaya na sana ako sa aking narinig ng may idugtong pa ito



"Pero don't be so happy dahil kukunin ni sir Lee ang oras ko sa inyo dahil kailangan niya daw ng double time. So ayun lang, class dismissed" tsk. "Ms sandoval maiwan ka" ano nanaman!? Bakit ba palagi nalang ako ang pinapaiwan!? Huhu



"Siguro naman sinabi na sayo ni Sir Lee na ikaw ang napili kong pambato sa section niyo?" Agad naman akong tumango upang matapos na ang usapan. "Great. So Ikaw na ang bahala sa sarili mo. Maiwan na kita"


Nang iwan ako ni ms. Anne ay dumaretso ako sa garden. May ilang minuto pa naman bago ang next class ko



PE ang next class ko and two hours yun kaya naman palagi akong may dalang extrang damit maliban sa uniform at pe uniform ko. Ayoko kasi ng amoy ng pawis at masyado itong malagkit. Hindi naman sa maarte ako or what. Hygiene lang kasi iyon, lalo na't babae ako



Nang makapag palit na ako ng damit ay agad akong nagpunta sa gym dahil andun na  ang mga kaklase ko


Sa loob ng dalawang oras ay puro stretching at pagtakbo lang ang ginawa namin. Buti nalang ay may ilang oras akong vacant kaya makakapag pahinga muna ko ng husto



Agad akong pumunta sa shower room upang maligo at magpalit. Sa garden nalang muna ulit ako tatambay habang nagpapahinga



Nang marating ko ang garden ay agad akong umakyat sa isang sanga kahit pa naka palda ako. Doon ako nahiga at tuluyang nagpalamon sa antok



"Ash? Kelan kaya babalik si Lyn? Dalawang taon na simula ng umalis siya. Hindi man lang siya tumawag upang manga-musta" sabi ng isang batang babae sa lalaking sinasandalan niya. Gaya ng mga naunang panaginip ko ay malabo rin ito

Hindi sumagot ang lalaki bagkos ay pinaglaruan nito ang mahaba at itim na itim na buhok ng batang babae

"Namimiss ko na siya ng sobra Ash" hindi ko makita ang mga mukha nila ng malinaw ngunit ramdam na ramdam ko ang emosyon

"Tahan na. Wag ka mag alala. Andito lang ako, hindi kita iiwan pangako"



Muli nanamang naputol ang napaka weirdong panaginip ko. Bakit ba palagi nalang akong nananaginip ng ganun? Pakiramdam ko nga ay hindi na lamang panaginip ang mga yun dahil sa buhay na buhay nitong emosyon.




Nang hagipin ko ang oras ay sakto lamang ang gising ko para sa sunod kong klase. Agad akong bumaba ng sanga at inayos ang aking sarili



Nang masiguradong ayos na ang aking itsura at walang muta ang aking mata ay agad na akong dumaretso sa aking upuan




Wala pa si sir ng dumating ako. Dumaretso ako sa aking upuan sa likod at tumunghay dahil inaatok pa rin ako. Ewan ko ba. Kung hindi kumain, matulog naman ang hobby ko




Pinikit ko na ang aking mga mata ngunit nanatiling nakikiramdam pa rin ako sa paligid ko




--------

EDITED 💓

PROMISES (COMPLETED) Where stories live. Discover now