"Namiss kita Ally" nagulat ako ng nasa harap ko na siya at bigla akong niyakap. Hindi ako agad nakapag react hanggang sa tanggalin nalang nito ang pagkakayakap sa akin
"Kelan kapa nakauwi?" Tanong nito bago umupo sa upuan sa harap ko
"Excuse me mr. Pero hindi kita kilala " daretsong sabi ko dito, parang ito naman ang nabigla sa sinabi ko dahil sa itsura nito ngayon.
"Come on Allyson Costa, isang taon lang ako nawala hindi mo na agad ako kilala? That's hurt you know" agad namang nagunot ang noo ko sa mahabang turan nito lalo na ng nagbanggit ito ng pangalan, pamilyar pero hindi ko maalala na tao. Nilagay pa nito ang kamay sa dibdib na para bang nasasaktan talaga
"Sorry mister, my name is Alie not Allyson what so ever" hindi ko naman sadyang mag taray. nang makita kong ready na ang order ko ay agad ko na itong binayaran at tumayo na. Iniwan ko siyang nakaupo roon. Baliw yata ang isang yun
Nang makalapit ako sa pinto ay may bigla nalang may humawak sa braso ko dahilan ng aking paghinto. Iyong lalaki nanaman, ano bang kailangan nya sakin!
"Oh, so you must be Audrey Sandoval" naka smirk na sabi nito, kilala niya ko?
Bago pa man ako makapag react at mag salita ay naglakad na ito paalis, pero bago pa man ito makalayo ng tuluyan ay lumingon itong muli at nag salita
"I'm Allen Jay Andres By the way" nag wink pa ito bago muling nag patuloy sa pag lalakad. Hinayaan ko nalang ito at hindi na pinansin. Hindi ko naman siya kilala.
Nagbuntong hininga na lang ako ng malamin bago pumunta sa kotse kong nakaparada sa likod ng cafe. Agad akong pumasok doon bago ilagay sa likod na upuan ang mga pinamili at nag maneho na pauwi
Nang makarating ako sa bahay ay agad kong pinakuha sa mga bantay ang pinamili ko sa wet and dry market at ako naman ang nagbitbit sa cake papasok
"Ash?" Tawag ko rito pero walang sumasagot kaya naman pinagpatuloy ko ang pagtawag sa kanya. Wala ito sa baba.
Umakyat ako sa kwarto at nakitang mahimbing itong natutulog doon sa kama, agad naman akong naligo muna at nag palit ng damit dahil amoy malansa na din ako. Nilapag ko muna ang cake sa side table ng kama
Paglabas ko ng Cr ay sakto namang pag gising nito, kaya imbes na bumaba ay tumabi ako ng higa kay Ash. Mabilis kong pinulupot ang braso ko sa bewang niya. Kinabig niya pa ko upang mas magdikit ang katawan naming dalawa.
"Bumili ako ng Cake para satin" sabi ko rito bago ituro ang cake na pinatong ko sa side table ng kama nya
Umayos naman ito ng upo habang ako ay bumaba sa kusina dala ang Cake. Mabilis akong kumuha ng platito at naghiwa ng konting parte para kay Ash
Maya maya pa ay nakarinig na ako ng mga yabag na nanggagaling sa hagdan, malamang ay si Ash na ito. Kumuha pa ako ng isa pang platito para sa akin.
"Hindi ba tayo mag tetraing ngayon?" Tanong ko rito habang ngumunguya pa ng Cake. In fairness masarap ang cake na nabili ko.
"Gusto mo ba?" Patanong na sagot nito na agad ko namang ikinairap na siyang kinatawa nito ng mahina
"Of course gusto ko, kaya nga tinatanong kita" sabi ko pa rito ng matapos na akong kumain. Nilagay ko na sa lababo ang pinagkain ko, mamaya nalang siguro ako maghuhugas
Tango lang ang tanging sagot nito dahil patuloy pa rin ito sa pag kain. Ambagal kumain jusko.
Nang matapos na itong kumain ay dumaretso na kami sa likod bahay nila para doon mag training, naexcite nanaman ako!
"Do you know how to handle a gun?" Tanong nito sakin habang pinapaikot ang isang baril sa isa nitong daliri na nakatingin sakin. Masyado akong namamangha sa ginagawa nito.
Umiling ako bilang sagot na hindi. May alam ako pagdating sa physical combat pero pag dating sa baril ay wala. Ni ngayon pa nga lang ako nakakita ng totoong baril!
Pumuwesto kami ng nakaharap sa mga puno na ngayon ay may mga marka na na kulay pula. Para iyong mga target sa dark hehe.
Pinahawak sakin ni Ash ang baril na pinaglalaruan nito kanina lang at pumuwesto na sa aking likodan. Hindi ko tuloy alam kung kakabahan o kikiligin sa pwesto namin ngayon.
"Asintahin mo muna bago mo barilin, okey? " umalis na ito sa aking likodan habang ako naman ay nag pokus sa pag asinta ng mga kulay pulang marka. Inayos lang nito ang porma ko at sinabi ang mga dapat gawin.
Sa una ay nagugulat pa ako sa tunog ng baril, pero habang tumatagal ay nasasanay na rin ako. Sa unang tira ay hindi ko alam kung saan tumama ang bala, kaya naman inis na inis ako. Sa mga sumunod ko na tira ng baril ay tumatama na sa puno pero hindi naman sa pula
"Kainis!" Sigaw ko, na ikinatawa naman ng malakas ni Ash. Halakhak na ata ang tawag dun at hindi na tawa. Halos mag lumpasay na ito sa lupa,
Samantha, pokus! Watch n see mr. Lee!
Bulong ko sa sarili ko bago muling inasinta ang kawawang puno, inasinta ko ito ng mabuti bago paputukin ang barin. Halos manlaki ang mata ko ng makita kung saan tumama ang balang pinaputok ko,
"Yes!" malakas na sigaw ko ng makitang sumakto ito sa pulang bilog na kanina ko pa inaasinta. Napalingo na rin ako kay Ash na may ngisi na sa labi
-----------
Edited ❤️
YOU ARE READING
PROMISES (COMPLETED)
Ficção AdolescentePromises is a simple word but can Shattered your whole world. It can broke you into tiny Pisces. But then, I believed that all happy endings happened in last page. "..... Don't make promises you don't intend to keep." ---------- October, 2017- Dec...