*****Chapter 34Maaga kong nagising dahil siguro na nasanay na kong ganito. Gigising ng maaga. Babangon. Maliligo. Mag aayos. Tsaka dadaretso sa kusina para mag luto ng almusal ng aking mga anghel. Pero sa pag kakataong ito hindi na lamang para sa aming tatlo ng aking mga anak ang lulutuin ko. Isama mo pa ang dalawa kong mababait na kapatid
Agad akong dumaretso sa kusina ng matapos ko ng maayos ang aking sarili. Sa gitna pa lamang ng mahabang hagdan ay maaamoy mo na ang mabangong amo'y na nang gagaling sa kusina. Agad na nangunot ang aking noo. Sinong nagluluto?
"May nauna na sakin?" Naitanong ko na lamang sa aking sarili at nagpatuloy na sa pag baba ng hagdan
Pagdating palang sa bukana ng kusina ay natanaw ko na si manang. Fudge! oo nga pala, nakalimutan kong may katulong kami. Hindi nga pala marunong magluto ang dalawa kong magaling na kapatid. Damn.
"Maagang umaga Senyorita" lumingon lang ito ng saglit bago nag patuloy sa pag luluto
"Ahh.. Magandang umaga rin po. Manang pwede po bang sa susunod na mga araw, ako na ang magluto ng agahan? Agahan lang naman po." Bating paalam ko rito. Hindi kasi ako sanay na hindi ako ang nagluluto ng agahan ng mga bata
"Nako! Syempre naman po senyorita" nakangiting sagot nito. Sakto namang tapos na ang nilulutong sinigang ni manang kaya naupo na ako pagtapos kong mag timpla ng kape
Mukhang tulog pa ang mga bata at isip bata dahil obviously ako palang ang tao sa kusina dahil umalis na si manang. Agad akong kumuha ng luto ni manang at kumain na.
"Good morning Princess" Sa lahat naman ng una kong pwedeng makita ang pinaka mahangin pa talaga? Tinignan ko lang ito ng saglit bago muling humarap sa pagkain. Masamang masyadong mahanginan kapag maaga
"Wala bang Good morning too jan, Princess?" Tsk. Anong good kung ikaw ang makikita ko agad?
"Ano namang good sa morning kuya ?" Napangiwi ito sa naging sagot ko. Tila ba hindi niya pa inaasahan ang naisagot ko. Kala mo talaga e
"Are you? You know.." Agad naman akong pinamulhan sa sinabi nito habang siya ay nagkibit balikat lang. Bwesit! Kailangan pa ba talagang sabihin yun!?
Agad kong tinapos ang aking kinakain. Na siya namang tinawanan lang ng mabait kong kapatid. Masamid sana!
At tignan mo nga naman ang bilis ng karma. HAHAHA...
Tumayo na ko na sakto namang pasok ni Kuya Drew sa kusina na nakakunot noo habang nakatingin kay kuya Symon mamatay na sa katatawa. nakuha niya pang tumawa pag katapos masamid? Tsk. Abno talaga.
Hindi ko ito pinansin bagkus ay nilagpasan ko lang sila. Bahala sila jan. May kasabihan nga. Mag loko kana sa lasing wag lang sa babaeng may dalaw. Baka pati ilong mo labasan ng dugo. -__-
Nagdaretso ako sa kwarto ng aking kambal kung saan mahimbing parin na natutulog ang mga ito. Ang sarap nilang pag masadan.
Para silang mga anghel na bumaba sa langit para bantayan ako.
Napangisi nalamang ako sa aking naisip. Hindi ko mapilang isipin siya habang pinag mamasdan ang mukha ng aking prinsesa. Kung si Ashley ay nakuha ang mukha ni Ash. Si Samuel naman ay sa akin. Ngunit mukhang nagkapalit pa ata sa ugali. Tsk. Tsk.
Lumabas na ko ng kanilang kwarto at dumaretso na sa sarili kong kwarto . Agad kong kinapa ang aking telepo sa bag at nag dial. Wala pang ilang ring ay sinagot na niya ito
"Hello? Who's this?" Oo nga pala nagpalit ako ng bagong number kaya sa malamang hindi pa ito naka register sa kanya. Sorry naman. Tao ako e. Ikaw tao kaba? Charr..
"It's me Alie" hindi ko alam pero pakiramdam ko ay maiiyak na ako ano mang oras
"OH MY GOSH! ALIE! NAKAUWI KANA! SAAN KABA NAGSUSUSUOT NA BABAE KA! HINDI KA MAN LANG NAGSABI SAKIN NA NAG ALA DORA EXPLORER KA PALA! EDE SANA SINAMAHAN PA KITA!? ANONG KLASENG BESTFRIEND KA!?" nailayo ko nalang ang telepono sa aking tenga ng marinig ang sobrang lakas na sigaw nito
"I miss you too vell" nakangising sabi ko na para namang nakikita nito. Hindi pa rin ito nag bago. Madaldal pa rin.
"Oh, btw. Kelan kapa nakauwi? Hindi man lang sinabi ng magaling mong kapatid." Here we go again. Ano nabang estado ng dalawang to?
"Kauuwi lang namin kahapon" malumanay na sagot ko rito na parang hindi niya ko sinigawan kanina lang.
"Ah.. So a- wait? NAMIN!? May kasama ka!?" Late reaction eh?
"Yes? Don't worry one of this days pag nagkita tayo ipapakilala kita sa kanila" masayang sabi ko rito
"Don't tell me may bago kanang asawa!? At may mga anak pa kayo!?" Gusto kong matawa dahil sa turan nito. Seriously?
"Tsk. By the way, Are you free today? Wala kasi akong magawa dito " Iiwan ko nalang muna ang kambal sa kambal ko rin na kapatid para makapag bonding na rin sila. You know? Twin's bonding?
"Yeah. So ? Sa dati ulit?" Agad akong tumongo kahit hindi naman niya nakikita bago pinatay ang tawag. Bahala siya jan
Nang nakapag ayos na ako ay agad akong bumaba sa sala. Nakasuot lang ako ng simpleng dress na puti na abot hanggang tuhod. Pinaresan ko ito ng two inches sandals na kulay puti rin at syempre, nilugay ko ang aking mahabang aalon alon na buhok at naglagay ng light make up
Naabutan ko na nagkukulitan na si Ashley at ang mga kapatid ko habang seryoso namang nagbabasa lang ng libro sa isang tabi si Samuel
"Good morning Babies" nilingon lang ako ni Samuel at ngumiti. Tumakbo papalapit sakin si Ashley at agad naman akong hinalikan bago bumati pabalik. Ako na ang lumapit kay Samuel para halikan ito sa pisngi
"Sam, Ash? You two stay here with your Uncles, okey?. May kikitain lang si mommy." Bilin ko sa aking mga anak. Humarap naman ako sa aking mga kapatid bago ko muling nagsalita "Kuyas kayo muna bahala sa dalawa a" agad ko naman silang hinalikan sa pisngi ganun narin saking mga anak bago nagsimulang maglakad palabas
Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo sa kanila ay napatigil ako sa aking paglalakad dahil sa seryosong binitawan na salita ni Kuya Drew
"Papunta na rito si Kurt, Princess"
YOU ARE READING
PROMISES (COMPLETED)
Fiksi RemajaPromises is a simple word but can Shattered your whole world. It can broke you into tiny Pisces. But then, I believed that all happy endings happened in last page. "..... Don't make promises you don't intend to keep." ---------- October, 2017- Dec...