Chapter 23

109 18 0
                                        

****Chapter XXIII*****

"Yes!" Sigaw ko ng matamaan ko ang pulang marka sa puno

Nang tignan ko si Ash ay naka ngisi lang ito sa akin kaya naman dinilaan ko ito

Sinubukan ko pang asintahin ang dalawang pulang pulang marka sa kabilaan kong puno

At kung sinuswerte nga naman ako, hindi lang pala tsamba ang una dahil natamaan ko rin ang dalawa pang marka ng isang subukan lang

"Very Good wifey, andali mo talagang matuto" sinimangitan ko naman ito habang papalapit sa kinauupuan niya

"Hindi mo naman ako tinuruan! Hinayaan mo lang akong bumaril ng bumaril" tumawa lang ito sa naging asik ko

"Sabi nga nila, experience is the best teacher" naka ngisi pang sabi nito

"Ewan ko sayo! Tse!"

Nag pahinga lang kami saglit ni Ash sa labas bago pumasok na sa loob dahil sobrang taas na ng sikat ng araw

"Anong gusto mong kainin wifey?" Tanong nito ng makarating kami sa sala "Anything" maikling sagot ko dito bago umupo at binuksan ang tv

"Who lives in a pineapple under the sea?"

"Spongebob Squarepants!" Pag sabay ko sa kanta sa Tv

"Absorbant and yellow and porous is he!"

"Spongebob Squarepants!" Hihi try niyo panoorin para kayong bumabalik sa pag ka bata

"Wifey what's that?" Tanong na sigaw ni Ash mula sa kusina

"Halika Ash Dali! Spongebob na!" Sigaw ko rin na sagot dito na hindi parin inaalis ang tingin sa Tv

"I'm cooking wifey" hindi ko na ito sinagot at tumutok na sa panonood

Maya maya pa ay natapos na mag luto si Ash kaya naman pinatay ko na ang Tv at dumaretso sa kusina

Naabotan ko pa si Ash na nag aayos ng mga plato. Agad naman ako nitong nginitian at inalalayang makaupo

Hindi ko alam kung para saan pa tong platong nasa harapan ko dahil sinusubuan naman ako ni Ash. Tsk ginagawa niya kong baby

"Wifey?" Tawag nito sa akin matapos akong subuan "hmmm?" Sagot ko dito, kumuha naman ako ng tubig tsaka uminom

"MAGANDANG HAPON PRINCESS!" Nagulat ako sa sumigaw kaya naman bigla ko nalang naibugan ang tubig na ininom ko

"Ayan kasi ang ingay mo!" Buti nalang ay hindi ko kay Ash naibugay ang tubig na ininom dahil kung hindi patay kaming lahat

Tinignan ko ng masama ang Walang hiyang sumigaw, pero nagulat ako kung sino ang kasama nito

"The Fudge Izavell Marie! Ano to!? Bat mag kasama kayo ni kuya Symon?" Sigaw ko sa Bestfriend ko na parang noong nakaraan lang ay tinatangging nag uusap sila ng Kuya ko

"Ah-eh hihi" hindi na nito natuloy ang sasabihin ng bigla nalang sumingit ang Asungot kong kapatid

"Im courting her." Abot langit na ngiti ang sumisilay sa labi nito

"Hindi ikaw ang tinatanong ko kuya Symon! But!? IZAVELL MARIE DEL VALLE!!!!!! Hindi mo man lang sinabi sakin!?" Sigaw ko dito to the bottom of my lungs

"Sasabihin ko naman e. Naunahan lang ako nitong Kuya mo" tila ba wala itong nagawang kasalanan dahil sa kampanteng sagot nito

Kung may Bestfriend kayo, I guess naiintindahan niyo kung bakit ganto nalang ako mag react

Umupo na ang dalawa sa harap namin ni Ash, nasa harap ko si Vell habang si kuya Symon naman kay Ash

Habang kumakain ay nagtititigan kami ni Vell, para ba kaming nag uusap gamit lang ang mga tingin

"Ah eh Ash pinapatawag ka nga pala ni Daddy, Sama mo daw si Princess" Sabi ni Kuya Symon na siya namang kinahinto ng pagtititigan namin ni Vell

"Why?"seryosong tanong ni Ash, imbes na makisali ay nag patuloy nalang kami ni Vell sa pag kain at nakinig, and yes may sariling plato na po ako

" hindi ko alam, puntahan niyo nalang" tumungo lang ito bilang sagot at nag patuloy ng kumain

Nang matapos kumain ay agad akong pinag bihis ni Ash dahil sa pupuntahan daq namin ay kailangan naka all black. Chosyyyy..

Nagsuot ako ng isang black dress na dala dala nila Kuya kanina pati na rin black high hills

Kahit na ayaw ko ng dress ay wala akong nagawa dahil kailangan daw. Naka black dress din si Vell pero mas maikli yung akin -____-

Nang magsasama kami sa sala ay mga pawa kaming mga lady and man in Black hihi

Agad kaming lumabas ng bahay at sumakay sa sasakyan nila, oo nila dahil ako lang ang walang sasakyan. Sumakay ako sa kotse ni Ash as usual

"Ash? San ba tayo pupunta at kailangan nakaganto pa?" Hinila hila ko pa ang laylayan ng dress na suot ko dahil masyado nga itong maiksi sa tingin ko

Tinignan lang ako nito at hindi sinagot, kaya naman nainis ako! "ASHHHHH!" Sigaw ko rito

Agad naman akong nilingon nito na tila natatawa sa ginawa ko. Kinuha nito ang kamay ko at hinalikan "relax wifey. Okey?"

"Paano ko mag rerelax e hindi ako komportable sa suot ko! San ba kasi tayo pupunta!?" Asar na reklamo ko dito

"We're going to So mafia Group. In Underground"

PROMISES (COMPLETED) Where stories live. Discover now