Chapter 39

89 17 0
                                    


Mabilis na lumipas ang mga araw. Isang linggo na lang ay kaarawan na ng mga anak ko. Simula ng insedente sa mall ay hindi ko na nakita pa si Ash

"Anong plano mo?" Andito kami ngayon ni vell sa kusina at naghahanda ng meryenda ng mga bata at isip batang naliligo sa may pool area

"Plano saan?" Takang tanong ko sa kanya. Simpleng Sandwich  lang ang hinahanda KO. Oo ako lang pala. Taga kain lang si Vell ng mga ginagawa ko kaya nagtatagal na kami dito sa kusina

"Ano ba vell!" Suway ko dito  ng akma nanamang kukuha ng sandwich

"Hihihi. I mean malapit na ang birthday ng mga inaanak ko. Anong plano mo?" Napatigil naman ako dahil sa sinabi nito

"Wala. Simple lang ang gusto ko. Ayokong iniispoil ang kambal. Tama ng mag handa nalang tayo dito sa bahay at magkainan" sa totoo lang, hanggat maaari ay hindi ko iniispoil ang mga anak ko. Hindi porket mayaman kami ay pwede na nilang bilin ang lahat ng gusto nila. Well. Maliban nalang kung mataas ang grade nila

"Hmm.. Wala ba silang hinihiling?" Agad akong mapabuntong hininga ng malalim. Hindi naman ako ganun ka tanga para hindi malaman ang pinaparating niya.

"Kahit hindi hilingin ng mga anak ko. Alam kong gusto nilang makita ang daddy nila" sagot ko at pinagpatuloy na ang pag gawa ng sandwich

--

Masayang nagtatawan at nagkukulitan ang mga kuya at mga anak ko ng maabutan namin ni vell sa pool

Nakasakay sa balikat ni kuya drew si Sam habang sa balikat naman ni kuya Symon si Ashley

Nagtutulakan si Ashley at sam habang nagbubungguan naman ang dalawa kung kapatid. Ang ganda nilang tignan

Maya maya pa ay sabay na bumagsak si Sam at Ashley at nagtawanan

"Come on babies. Mag meryenda na muna kayo" tawag ko sa mga to. Agad naman silang naglapitan sakin na siyang inabutan ko ng tuwalya maging ang mga kapatid ko

"Pag tapos ninyong kumain mag bihis na kayo. Aalis tayo" agad namang nagliwanag ang mukha ni Ashley dahil sa sinabi ko

"Really!?" Mababakas ang excitement sa boses nito

"Yes." Nakangiting sabi ko

"Easy baby. Dahan dahan lang" Agad namang inabutan ng tubig ni kuya Symon si Ashley ng mabulunan ito dahil sa sunod sunod na pag subo ng sandwich

"Sorry tito pogi, excited lang po hihi" agad namang nagtaasan ang kilay ko sa tawag ng aking anak sa pinaka down to earth kong kapatid

----

Nakabihis na kaming lahat at si Vell nalang ang hinihintay. Napaka VIP  ah! Very nakaka Iritang Person. Antagal e!

"Hala.. sorry  alie hindi makakasama sa inyo, pinapatawag kasi ako ni tita Asha" kaya naman pala.

"Okey lang." Mahinahon kong sagot rito. Syempre si tita Asha yung kausap niya

"Sorry talaga" nauna na itong umalis at sinundan lang namin siya ng tingin. Ng hindi na namin ito matanaw ay nagsimula na rin kaming maglakad patungong VAN. Yes. Sa van kami sasakay akala kasi namin kasama si Vell

-----

Mabilis kaming nakarating sa mall dahil wala namang traffic. Mabuti nalang. Parang nakita ko pa nga ang sasakyan ni Vell , siguro sa salon sila magkikita ni tita Asha

Agad kaming pumasok sa loob ng mall. Hila hila ako ni Ashley habang si Samuel ay nasa pagitan nila Kuya. Pfft. Mukha silang magkakapatid

"Kayo ng bahala kay Sam" nginisian lang ako ng mga baliw. Tsk

Kailangan namin mag hiwalay. You know. Alam ko namang maboboring lang sila sa tagal naming mamili ni Ashley. Mabuti ng kasama nila si Samuel para naman makabili na rin sila ng regalo para dito. Aba naman! Dapat lang mabawasan ang milyones nila

"Where are we going first mom?" Nginisian ko lang ito at ako na ang humili sa kanya

"Choose baby" sabi ko dito ng makarating kami sa isang boutique na pang bata. Tumungo naman ito habang ngingiti ngiti

----

Nakaupo ako sa isang sofa habang inaantay na lumabas sa isang fitting room ang aking anak. May isang sales lady na naka tayo malapit sa fitting room at hawak ang mga napili ni Ashley

Hindi ko tuloy maiwasang maisip kung kanino nag mana ang batang to. Sakin ba? Ang dami niya kasing napili. At isa isa niya itong isusukat

Lumabas si Ashley sa fitting room suot ang isang Ball dress na sky blue na bumagay sa alon alon din nitong buhok. Maliban sa mukha, masasabi kong sa akin na nakuha ng anak ko ang iba. Napangiti nalang ako

Bumalik na si Ashley sa loob ng fitting room matapos marinig ang comment ko para isukat naman ang susunod na dress.

Muli nanamanv lumabas ang aking anak sa loob ng fitting room at sa pagkakataong ito nakasuot na ito ng kulay pulang dress na umabot hanggang tuhod nito

-----

Nang matapos nang lahat maisukat ni Ashley ang mga damit na napili niya ay agad ko na itong binayaran. Inabot din kami ng isang oras oara lang sa pagsusukat niya. Hindi ko mabilang kung ilang paper bag  ang hawak ko maging si Ashley para lang sa damit niya

Tinawagan ko na sila Kuya at sinabi nitong nasa book store sila. Oo nga naman. Saan ko ba hahanapin ang taong mahilig sa libro? Syempre sa Book Store. Hihi

Dumaan muna kami sa isang Ice Cream parlor bago pumunta sa Book store

"Two Cookies and cream, One Vanilla, and Two Chocolate" order ko na siya namang inulit ni ateng. Ulit ulit?

Dalawang cookies and cream para sakin at kay ashley. Isang Vanilla para kay Samuel, siguro ay nakuha niya ang paboritong flavor ni Ash. Napangiti ako. At syempre dalawang chocolate para sa mga kuya ko

Nang makuha ko na ang order namin ay inabot ko kay Ashley ang kanya at nagsimula ng maglakad

Agad kaming nakarating sa Book store at hinanap na ang mga kapatid ko. Naabutan namin sila sa isang book shelf na may lamang librong makakapal

"Nakapili kana ba?" Pinamigay ko na sa kanila ang binili namin kanina sa Ice Cream parlor

Tumungo lang ito at tinuro ang librong sa tingin ko ay pinaka makapal sa lahat ng andito sa shelf. Pansin ko namang bahagyang napanganga ang mga kuya ko na kinahagikgik ni Ashley. Pati tuloy ako ay napatawa na ng mahina

Kinuha na ito ni kuya Drew at nag simula na kaming mag lakad tungo sa counter. Siya ata ang magbabayad HAHA

Nang makarating sa counter ay hindi ko inaasahan kung sino ang dadatnan ko rito. Anong ginagawa niya rito?

"Sandoval" Walang emosyon ang babakas sa mukha nito.

Mula kay Kuya drew na nasa unahan namin ay nalipat ang tingin nito sakin pati na rin kay Ashley na ngayon ay mahigpit na ang hawak sakin. Wala pa sila kuya Symon at Samuel dahil may titignan pa daw sila

"Samantha"

"Daddy" bakas sa mukha nito ang pag kagulat ng bigla na lamang tumakbo sa direksyon nito si Ashley at bigla na lamang siyang niyakap

PROMISES (COMPLETED) Where stories live. Discover now