"Guys! Wala daw si sir Marco." Rinig kong sigaw ng isa kong kaklase kaya halos magdiwang ang lahat ng narito sa classroom maliban sakin. Pinanatili kong naka yuko ang aking ulo. Bahala sila jan, inaantok pa ko
Mabilis na lumipas ang oras at ngayon, nasa harap ko nanaman ang dragon. Tsk. Nakatalikod ito mula sa aking kinakaupuan kaya siguro hindi nito napansin na natutulog nanaman ako
"Pass your Home work in front" sabi nito habang patuloy parin sa pagsusulat sa board. Ha? Anong Home work? Meron ba?
Kinalabit ko ang katabi kong babae upang itanong sana kung ano yung Home work na sinasabi ni sir. Nagsisimula na kong mataranta
"uy. Alie, Homework daw" sabi nito sakin
"hehe yun nga e. Itatanong ko sana kung anong Homework yung sinasabi ni Sir" alanganing sagot ko. Huhu paktay na talaga
"Hala ka. May pina summarized si sir at ngayon ang pasahan" nagulat naman ako ng ipakita nya sakin ang kanyang gawa. Summary ba talaga to? E bakit ang kapal pa rin ng pages?
"Okey. Is this all?" Tanong nito kaya naman lalo akong nanlamig sa kaba. Huhu bat ko ba nakalimutan yun!
"This will be your project in me so I hope na lahat kayo ay nakapag pasa. " sabi pa nto bago mag patuloy sa pag tuturo
Huhu anong gagawin ko? Ayoko namang bumagsak. Kausapin ko kaya siya? E baka bugahan lang ako ng apoy! Huhu. Ano ba Alie! Umayos ka nga! Kapalan mo mukha mo kahit ngayon lang!
Hindi pa nag tagal ay natapos na itong mag discuss ng kung ano. Hayst, ano ba yan Alie! Wala ka na ngang project, hindi kapa nakikinig!
Sumunod pa ang ilang araw pero hindi ko pa rin nakaka usap si Kurt. Pag asa bahay kasi nagkukulong lang siya sa kwarto niya, ayoko naman kumatok kasi natatakot ako. Mamaya bugahan pa ako ng apoy nun mahirap na
Pag asa school naman di ko siya mahagilap pag tapos ng klase namin. Kayo ito, Saturday nanaman at inaasahan ko na makakausap ko na siya
Lumabas ako ng kwarto ng may marinig akong tunog ng piano. Wait piano? Imbis na pumunta sa sala ay dumaretso ako sa katabing kwarto ng akin
Isang lalaking matipuno ang aking nadatnan, kahit na likod palang niya ang aking nakikita ay alam kong siya ito
Bakit ba ang daya ng mundo? Kulang ata ang salitang perpekto kapag siya ang dinidiscribe ko.
"Ahem!" Nagulat ako ng may tumikhim. Nakalimutan kong dragon pala ang tinititigan ko.
"He he hello?" Jusq mas gwapo pala siya sa harapan. Tinitigan niya lang ako na para bang nirerape ako nito sa utak. Pero syempre isa yung malaking JOKE. Asa ka naman, Audrey!
"Ano kasi" pano ba to! "Ano nakarinig kasi ako ng tunog ng piano kanina kaya pumunta ako dito, oo tama." Malawak ang ngiti ko sa kanya upang hindi niya mapansin na kinakabahan ako
"Okey." Okey? Yun na yun? Agad itong umalis sa harap ko kaya naman agad ko rin itong hinabol
"teka lang" ramdam ko na natigilan ito ng hawakan ko ang kanyang braso, kaya agad ko itong binitawan. Huhu ano ba to T_T
Nang mukhang nakabawi na siya ay tsaka ako nilingon at tinitigan sa mata. Hindi ko siya mabasa, halo halong emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya. Ngunit para lamang itong hangin na dumaan "ahem!"
"Hala sorry" hingging paumanhin ko
"nah. It's okey. By the way why?" Pano ko ba sisimulan?
"Ah ano kasi e, pwede ba kong humabol sa project na pinagawa mo?" Nakapikit kong sabi habang naka yoko. Jusq tinatawag ko po lahat ng santo
"Hindi ba at ang unfair nun kung pagbibigyan kita?" Naka kunot noong sagot nito. Abat!? Easy alie may kailangan ka sa kanya tandaan.
"Sige na Kurt! Si ms Ay naman ang may kasalanan e" paninisi ko pa sa bruhilda niyang kabit! Siya naman talaga ang may kasalanan di ba?
"At talagang dinamay mo pa si Aylyn?" So mas kinakampihan niya yung bruhang yun kesa Sakin!? Asawa niya ko Bes! Asawa! (Sa papel) tse! Kahit na! Asawa pa rin ako!
"Sorry. Please Kurt payagan mo na kooooooo!" Nagsusumaong sabi ko rito
"No" bwesit talaga!
"Dali naaaaa" sinundan ko pa ito hanggang sa baba
"Still no" kumuha ito ng baso tsaka nag salin ng tubig at uminom. Sana baso nalang ako. Charr! Ang landi ko.
Ilang minuto ko pa siyang kinulet at palagi niya lang sagot ay "no" "still no" "no" "no" at napakarami pang "NO". Huhu ano ba ang dapat kong gawin? Huhu
Umakyat ito sa itaas kaya naman sumunod ako. Hindi ko na malayan na nakapasok na pala siya ng kanyang kwarto ang guess what? Nasa loob ako ng kwarto niya! Nasa lungga ako ng isang gwapong dragon! Scratch that! Walang gwapo! Dragon lang!
Nang ilibot ko ang aking mata ay tila ba nanigas ako sa aking kinakatayuan
Itim na dingding...
Pink roses na painting...
Pink roses na painting? Para bang nakita ko na ito noon pero hindi ko matandaan kung saan
Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko mapigilan ang sarili kong lumapit doon. Alam kong nagtataka at naka titig na sa akin ngayon si kurt ngunit nanatili lamang iting nakatayo sa gilid ng kama at pinabayaan ako
Ng makalapit ako sa painting ay tila ba parang nag dadalawang isip pa ako kung ito ba ay aking hahawakan
Pinagmasdan kong mabuti ang painting bago ko ito tuluyang hawakan. Unti onti ng sumasakit ang ulo ko
Naiiyak ako, para akong nalulunod. Nalulunod ako sa mga larawang bigla na lamang lumabas sa utak ko. Hindi ko maintindihan, malabo. Malabo lahat ng larawan
May isang bagay ang naka agaw sa aking pansin, itong larawan lang na ito ang malinaw sa lahat, nakakapagtaka
Unti unti kong naramdaman ang pananakit ng aking ulo kasabay ng pagbigat ng talukap ng aking mga mata
Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay may bigla na lamang lumabas na pangalan sa aking bibig at bigla na lamang nag dilim ang lahat
Ramdam ko pa ang mainit na kamay na bumalot sa aking bewang upang hindi ako tuluyang bumagsak
-----
EDITED❤
YOU ARE READING
PROMISES (COMPLETED)
Novela JuvenilPromises is a simple word but can Shattered your whole world. It can broke you into tiny Pisces. But then, I believed that all happy endings happened in last page. "..... Don't make promises you don't intend to keep." ---------- October, 2017- Dec...