❤chapter 6❤

144 29 3
                                        

Kurt POV

Ilang araw ng tulog si Samantha, andito siya ngayon sa kwarto ko. Siya ang kaunaunahang babaeng naka pasok dito. Well, wala naman ng ibang babaeng pumunta rito, at si manang, ako at alie lang ang nakatira rito

Kahapon ay nandito ang kambal upang bisitahin ang prinsesa nila dahil wala si tito (daddy ni Alie) sila na lang daw munang dalawa ang dadalaw upang kamustahin ang lagay nito ng personal. Hindi naman namin inaasahan na tulog pa rin ito sa araw na yun

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog dahil sa pangalang binanggit niya sakin bago siya mawalan ng malay,

Alam mo na ba? Naaalala mo na ba? Naaalala mo na ba ko?

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman kapag nakaalala na siya. Ang gulo. Meron sa parte kong natutuwa kasabay rin no'n ang pangamba. Hindi ko maiiwasang isipin ang mga posibilidad sa pwedeng mangyari kapag nakaalala na ito

Bumaba muna ko upang makapag luto ng makakain, dahil hanggang ngayon wala pa rin si manang. Hindi pa man ako nakakababa ng tuluyan ay tumunog ang teleponong nasa bulsa ko. Agad ko itong kinuha upang tignan kung sino ang tumatawag

**Aylyn Se Calling**

Ano naman kayang kailangan ng babaeng to?

Sinagot ko ang tawag bago pa man ito mamatay

'Kurt! Akala ko ay hindi mo na sasagotin ang tawag ko' mababakas mo ang sobrang tuwa sa paraan ng pagsasalita nito. Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga nalang

'Anong kailangan mo lyn?' Bagot na bagot na tanong ko

'Ito naman' mahinang ani nito, na tila nalungkot sa narinig

'Busy kaba? Hindi ka kasi pumasok mula pa nung monday'

'May inaasikaso lang ako' totoo naman.

'Ganun ba? Pwede ba tayong lumabas ngayon? Please? '

'I'm so sorry Lyn, but busy talaga ko. Don't worry I'll make it up to you next time'

'Really?' Mukhang excited na ito

'Yeah.'

'Okay. Bye, see you soon' ako na ang nagpatay ng tawag at dumaretso na sa kusina para magluto

Nang matapos ako'ng magluto ay pumanhik agad ako sa taas para tignan kung gising na si Alie



Ngunit, Bubuksan ko na sana ang pinto ng makitang nakaawang pa ito ng konti. Agad naman na nangunot ang noo ko at dali daling pumasok na sa aking  kwarto


Wala na sa kama ko si alie. Wala ng alie sa loob mismo ng aking kwarto

Dumaretso ako sa kanyang kwarto upang tignan kung naroon ito. Kumatok pa ako ng ilang beses bago ito mag bukas. Hindi nga ako nag kamali. Andito nga ito

Mukhang nagulat pa ito ng makita akong nakatayo sa harap ng kanyang kwarto.

Binuksan niya naman ng subrong luwag ang kanyang pinto kaya nakita ko ang kulay pink na kama nito at ilang human size stuff toys


"Kurdy" mahinang bulong ko "Ha?" Tanong nito na tila ba narinig ang aking binulong ngunit hindi naman naintindihan. Patago akong napangisi


Tumikhim ako at agad na iniba ang topic "I just want to check kung okey ka na" poker face na tanong ko rito



Bahagya naman itong ngumiti at tumungo. Dumaretso ito sa kanyang kama at humiga roon "Good. Bumaba ka nalang kung gusto mong kumain. May pag kain na roon." ani ko at tumalikod na. Marami pa kong gustong itanong ngunit, hindi ito ang tamang timing, sa tingin ko


Pipihitin ko na sana ang door nob ng muli siyang magsalita "Kurt? May kilala kabang Ash?" Pakiramdam ko ay para akong nanigas sa aking kinakatayuan sa tanong niya


Nang makabawi ay nilingon ko ito ngunit naka tingin lang ito sa kisame "Wala" rinig ko pang nagbuntong hininga ito sa narinig na sagot



Alie's POV

Nang magising ako ay wala ako sa aking silid kaya agad akong lumabas at pumunta sa sarili kong kwarto



Agad akong nag hilamos dahil pakiramdam ko ay tuyong tuyo ang aking mukha. Ilang araw ba kong nakatulog?



Nang tignan ko ang aking damit ay iba na rin ito. Sinong nag palit ng mga damit ko? Si manang ba? Anjan na ba si manang?




Ngunit ng masagi sa isipan ko na baka si Kurt ang nag palit sa akin ay agad akong pinamulahan ng mukha. Pakiramdam ko ay talo ko pa ang hinog na kamatis sa pula



Maya maya pa ay naka rinig ako ng ilang katok na mula sa pinto kaya binuksan ko ito. Speaking of the Dragon



Nang makitang si Kurt ang nakatayo sa pinto ay bahagyang nagulat pa ko. Sino bang inaasahan ko ? Hindi kaya ay wala pa talaga si manang? Ohemgiiii!



Binuksan ko ng maluwag ang aking pinto upang siya ay maka pasok. Dumaretso naman ako sa aking kama at nahiiga, habang siya ay naka tayo lang malapit sa kama ko


May binulong ito ngunit hindi ko maintindihan. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman ng malamang nag aalala ito sa akin


Bigla na lamang akong nakaramdam ng hindi ko mapangalanang kiliti sa aking tiyan at ang pagbilis na para bang nagkakarerahan ang tibok ng aking puso


Lalabas na sana siya ng aking silid ng may huling tanong ako sa kanya. Tila natigilan ito kaya inaasahan kong kilala niya ang tinutukoy ko, ngunit, nagkamali ako. hindi niya kilala ang tinutukoy ko, kaya naman ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at nag pakawala ng isang buntong hininga


Narinig ko pa ang pag bukas sara ng aking pinto tanda na naka labas na ito ng aking silid.



Hindi ko malaman ang aking nararamdaman, pakiramdam ko ay kilala ni Kurt ang tinutukoy ko ngunit sinabi naman nitong hindi.



Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa aking kama at dumaretso sa balcony ng aking kwarto. Tanaw nito ang gate ng aming bahay


Aalis siya? Nagmamadaling kurt ang lumabas ng gate ang aking nakita. Pinaharurot pa nito ang kanyang sasakyan kaya wari ko'y nagmamadali nga ito.



Ramdam ko na ang gutom maya maya pa kaya naman bumaba ako upang makakain. Gaya nga ng sinabi ni Kurt, may pagkain ng nakahanda sa lamesa, hindi na ko nag dalawang isip pa at tuluyan ng nilantakan ang pagkaing nakahain dahil pakiramdam ko ay sampong taon akong hindi nakakain

-----

EDITED ❤

PROMISES (COMPLETED) Where stories live. Discover now