Chapter 31

85 16 0
                                    

*****Chapter 31

The Greatest treasure that mother have is their children

Sa loob ng pitong taong pag layo ko sa lalaking pinakamamahal ko ay walang araw na hindi man lang siya sumagi sa isip ko. Nakakatawa mang isipin dahil ako itong lumayo pero ako rin itong iiyak iyak. Sa Unang mga buwan na pananatili ko dito sa US ay hindi naging maganda.

Mahirap mag adjust sa totoo lang. Siguro ay nasanay ako na nakatira sa ilalim ng isang bubong kasama Siya. Walang gabi na hindi ako umiiyak hanggang tangayin na ng antok at tuluyan ng malunod sa pagkakatulog

"Mom?" Pano ko nga ba malilimot ang lalaking mahal na mahal ko?

"Yes baby?" Kamukhang kamukha niya siya

"Can I ask?" Mula sa pilik mata, mata, ilong at labi

"Of course" nakakainggit. Ako ang nagdala sa loob ng siyam na buwan pero siya itong kamukha. Hindi ko nalang maiwasang mapangiti

"Mom? I want to see Dad" malungkot na ani nito

"Ash!" Suway ng kapatid nito. Ang kaninang matamis na ngiti ay napalitan ng mapait. Kahit naman galit ako sa tatay nila ay hindi ko ipagkakait sa mga anak ko ang malaman kung sino ay tatay nila

Yes. Kilala siya ng mga anak ko, mga anak namin. Ashley Cassidy Lee and Ashton Samuel Lee, sinunod ko ang pangalan nila sa kanya. Naipaliwanag ko na rim sa mga anak namin ang sitwasyon naming dalawa at ipinaintindi. Matalino ang mga anak namin. Lalo na si Sam, pero alam kong may hinanakit pa rin ito sa kanyang ama

"Soon baby. Soon." Marahan kong sinuklay ang kanyang buhok bago ko silang hagkan mag kapatid "Good Night. Sleep tight. I Love You Both" hinalikan ko pa ang mga ito sa noo bago bitawan upang makatulog na

Pinagmasdan ko lang ang aking mga anghel habang natutulog. Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin kay Ashley na ang Daddy niya ay ikakasal na sa iba

"Mr. Kurt Tristan Ashton and Allyson Cassandra Mitchell Costa are now Engaged"

Yan lang naman ang laman ng balita nitong nag daang linggo.

Nang masiguradong tulog na ang dalawa ay tumayo na ako upang pumunta sa sarili kong kwarto. Minabuti kong nasa iisang kwarto lang ang mga anak ko dahil masyadong matatakotin si Ashley

Ashley is so opposite of her brother. Kung si Samuel ay masyado ng mature sa edad niyang anim ay kabaliktaran naman ito ni Ashley. Kung gaano naka kunot ang noo ng aking anak na lalaki ay siya namang lawak ng ngiti ng aking anak na babae

Ashley has this called heart disease. Masyadong mahina ang puso ng anak kong babae. Kaya kahit ano ay kaya kong gawin para sa kanya. Even if it cost my life

"Mom?" Nagulat ako ng makitang gising pa ang anak ko at ngayon ay nakatayo na sa aking pintuan

"Sam? Come here baby" pagtawag ko sa kanya na agad naman niyang ikinasimangot

"Mom. I'm not baby anymore. Look? I'm a big boy now" hindi ko mapigilang matawa sa kanyang naging turan

"No. You are my baby. You and ashley. Forever. Remember that" wala na itong nagawa kaya tumungo nalang at sumang ayon sa aking sinabi

"Why are you here? Bakit hindi kapa natutulog? Walang kasama ang kapatid mo" agad ko itong niyakap ng makalapit ito sa akin. Kahit na may pag ka masungit ang anak kong to ay pag dating sa akin ay talo pa ang kapatid sa paglalambing

"It is true? Daddy are engaged now with other woman?" Magugulat paba ako? He's Ashton Samuel Lee. Ang pinaka matalino kong anak

Hindi ko alam kung ano ang aking isasagot kaya nanatili na lamang akong walang imik

Kumalas sa aming pagkakayakap ang aking anak at hinalikan ako sa pisngi "I know your tired mom. You need to sleep. I'll watch you" napangiti na lamang ako sa kasweetang pinapakita ng aking panganay

Tumungo ako bilang sagot at nahiga na sa aking kama. Ipinikit ang mata at tuluyan ng nag palamon sa antok

—————

"Mom! Wake up! Wake up!"

Nagising ako dahil sa paulit ulit na pag talon ng makukulit na nilalang sa aking kama isama mo pa ang naingay ngunit parang musika nilang mga boses sa aking pandinig.

Agad kong minulat ang aking mga mata at agad din namang bumungad sakin ang mukha ng dalawa kong anghel. Ang nakangiti at hyper na hyper na bunso at ang pawang biyernes santong mukha ng aking panganay.

"Stop that Ash. Look? Mom is now Awake" imbis na tumigil ay binilatan lang nito ang kanyang kuya. Kung ganito ba naman ang palaging bubungad saiyo sa pang araw araw hayst.

Maya maya pa ay tila napagod na ang aking prinsesa sa kakatalon kaya humiga na ito sa aking tabi na agad ko namang hinagkan. Sumunod na rin ang kanyang kapatid sa paghiga at parepareho na kami ngayong nakatingin sa kisame habang ang mga paa ni Ashley ay nakataas

"Let's eat" nilagay ko na ang ulam na aking niluto sa gitna ng hapag at naupo na rin sa aking upuan

"What do you want for your birthday babies?" Tanong ko sa aking mga anak habang patuloy pa ring kumakain.

"Lolo!" Sigaw ni Ashley. Well, matagal tagal na rin simula ng dumalaw si daddy dito samin. Saming pamilya, sinigurado ko na si daddy lang ang nakakaalam sa kambal kahit pa ang kanilang mga tito

"Okey, then." Agad na sagot ko

Hahawakan ko na sana ang aking telepono na nasa gilid ko lamang ng bigla na lamang itong tumunog

Nang makitang si Dad ang tumatawag ay agad ko itong sinagot

"Excuse me" paalam ko sa aking mga anak upang sagutin ang tawag na hindi naman nila pinansin dahil sa pagkain

"Hello dad,  tatawag pa lang sana ako sayo, kaso naunahan mo na ko"

Hindi ko na alam ang mga susunod na mang yari maliban nalang sa pagtawag ng aking mga anak sa aking pangalan matapos kong mabitawan ang aking telepono

"No.."

PROMISES (COMPLETED) Where stories live. Discover now