❤chapter 7❤

136 30 2
                                        

Days passed. Ilang linggo pa ang lumipas at balik na sa normal ang lahat. As in lahat. Kagaya nalang ng hindi na ko pinapansin ULIT ni kurt. Mas lumala pa nga ata. As in, para kaming hindi mag kasama sa iisang bahay. Laking pasasalamat ko na nga lang at anjan na si manang. Atleast, hindi awkward. I think.




And speaking of him, Dahil nga sila ang may ari ng Lee University, madali ko lang nalusutan ang ibang teachers. Pinalabas ni Kurt na meron akong isang super duper importanteng bagay na kailangan gawin.




Yung iba, nagbigay lang ng  special project para makahabol ako. Yung iba naman , keri boom boom lang. Wala silang pake lalo na si miss anne -__- . pero mas maganda ngayon hindi ba? Hindi ko na siya proproblemahin.




Isa pa sa malaking problema ko ay, Kahit na sobrang tagal na mula ng nangyari ang himatayan scene ay hindi pa rin ako makatulog kakaisip kung sino ba yung Ash na yun. Palagi nitong binabagabag ang isip ko.




Ang huli kong natandaan bago ko mawalan ng malay ay isang puno, isang batang babae, at isang batang lalaki. Then boom. Black out na si ako.




Kailangan ko malaman kung sino yung Ash na yun. Pakiramdam ko kasi napaka laking parte ng buhay ko ang tumutukoy sa kanya. Which I found, Weird. Wala akong kilalang Ash! Saan naman ako mag uumpisa?


"Uy bess? Okey ka lang? Kanina ka pa tulala. Care to share?" nagulat ako ng biglang mag salita si Vell sa tabi ko

"Ha-Ha?" Wala sa mundong tanong ko


"Earth to alie! Earth to alie! Jusko. asan ba ang utak mo?" Sinimangutan ko naman ito dahil sa tanong niya. Nag iisip ba to? Malamang nasa ulo ko :3 tsk



"May iniisip lang." Ani ko kasabay ang isang malalim na buntong hininga




"Halata nga. Ang lalim ng hugot e." Sambit nito bago inumin ang natitirang kalamansi juice niya




"By the way. Naka balik na pala si Z a" agad akong napatingin kay vell ng banggitin niya ang pangalang Z. Parang gusto ko na tuloy umuwi na at tawagan ito

.

"Talaga!?" Halata ang excitement sa boses ko, Kaya naman agad akong nginitian ni Vell na tila ba ng aasar. Ang babaeng to talaga! Kung ano ano ang iniisip!



Inirapan ko siya dahil sa paraan ng kanyang pag ngiti " tantanan mo nga ako Izavell marie" asik ko rito bago tumayo sa food court at naglibot ng muli



Andito kami ngayon sa mall dahil kailangan niya daw mag shopping. Araw araw yata ay nag shashopping ang babaeng to. Bakit hindi nalang siya mag tayo ng sarili niyang mall? Charr. Pero sa totoo lang wala namang kaso yun. Mayaman naman sila





"Hindi ka pa ba tapos mamili? Ang sakit na ng paa ko kakaikot dito sa mall" asik ko rito. Halos ilang oras na rin kaming palakad lakad at naaawa na ko sa driver niyang sobrang daming bitbit na paper bag



"Last nalang bessy. Tara dito tayo" hinila naman ako nito sa isang dress shop kaya wala akong nagwa kung hindi mag pahila nalang rin


"Bagay sayo to! Dali isukat mo! Go!" Agad naman akong napangiwi ng makita ang buong itsura ng hinagis nitong dress.



Maganda ito actually, isa itong kulay pulang cocktail dress na backless pero hindi naman masyadong revealing. Sadyang  ayoko lang talaga ng mga Dress


Tinulak ako ni vell papasok ng isang fitting room kaya naman wala na akong nagawa kundi isukat ang backless red cocktail dress


Maya maya pa lumabas ako ng fitting room at nakita ko naman si vell na napanganga kaya di ko maiwasang matawa sa itsura niya. Sayang! Wala akong hawak na phone. Tsk




"Ang ganda mo talaga! Lutang na lutang ang maputi mong balat kaya mas lalo kang gumanda! Tinalbogan mo nanaman ako bessy" ang daldal talaga ng isang to! Sarap salaksakan ng kahit ano ang bibig e. Pero Joke lang mahal ko yang Bestfriend ko hihi. Tsaka, sobrang Honest kaya niya. Diba? Diba?



Agad akong bumalik sa fitting room upang mag palit na. Nang lumabas ako'ng muli ay agad na kinuha ni vell ang dress sa akin at binigay sa babaeng nag assist sa amin



"Uuwi naba tayo?" Tanong ko rito ng makitang palabas na ng mall ang tinatahak naming daan "nah" maikling sagot lang nito




Tahimik lang kami habang bumabayahe nakatingin ako sa bintana habang si vell naman ay nakatutok sa cellphone niya



'Di nag tagal naging pamilyar na sakin ang tinatahak naming daan, para tuloy nawala ang pagod ko kanina sa pag iikot sa mall nang marealize kung saan kami papunta

Maya maya pa ay nakarating na kami sa mansyon ng mga Del Valle. So dito siya tumutuloy? Andaya talaga! Gusto kong mag tampo dahil hindi man lang ako sinabihan nito.





Hindi ko na inantay si vell na makababa ng sasakyan, inunahan ko na ito dahil exited na talaga kong makita siya



Pag pasok ko palang ng malaki at magara nilang pinto ay nakita ko na siya at kanyang magulang na nag tatawanan



"Z!" Malakas na sigaw ko, bago tumakbo at yumakap rito

-----

EDITED

PROMISES (COMPLETED) Where stories live. Discover now