Matiwasay ngunit hindi parin maalis na kabahan akong bumalik sa aking upuan. Maya maya pa ay Nagulat ako ng tumikhim si sir lee dahil nakatayo lang ito sa tabi ng upuan ko.
"Anyone?" Wait!? Anyone?! Mali?! As in mali yung sagot ko!? Napa tingin naman ako sa kanya ng may gulat na expresyon sa mukha at nakitang naka smirk lang ito habang nakatingin Kay May na ngayon ay tinatama ang sagot ko
Nang umalis si May sa board ay nagulat ako sa sagot niya. Seriously!? E nilagyan niya lang ng box yung sagot ko! Asan ang hustisya!?
"Okey. VeryGood. Everyone for your Home work answer this" muli itong naglakad patungong harapan upang mag sulat ng sinasabi niyang Home Work. Kainis! Home work niya mukha niya!
Nang umalis na si Sir Lee sa aming room ay agad na rin akong lumabas. Mabibigat na hakbang ang mga nagawa ko palabas. Nakakainis talaga! Bakit ba pinag iinitan ako ng dragon na yun!
Nakasimangot akong nagpatuloy sa paglalakad patungong parking lot upang puntahan si Z. Hayst.
Nang makita niya ako ay agad naman nitong itinaas ang kanyang mga kamay at kinaway iyon sa akin. Gosh bakit ba ang gwapo ng lalaking to? Kung ganto ba naman ang palaging bubungad sakin kapag bad trip ako, ay naku! Keri na! Kahit araw araw pa!
"Eyy, what's the problem?" Tanong nito. Napansin nya yatang nakabusangot ang mukha ko
"e kasi naman yung dragon kong teacher nakakainis" pagsusumbong ko. napansin ko namang nagpipigil ito ng tawa ngunit hindi ko na lamang napansin. Bahala siya!
Agad niya kong pinagbukasan ng pinto at ng makapasok ako ay siya naman itong umikot sa kabalila " ano nanaman ang nangyari?" Sabi nito habang nag sisimula ng mag maneho
"Nakakainis siya! Alam mo bang pinag isipan kong mabuti ang sagot ko tapos mali lang dahil walang box!? Seriously!? Makatarungan ba yun!?" Mahabang litanya ko. Halos mapaos ako sa lakas ng sigaw ko para lang mailabas lahat ng inis
Okay. Naiintindihan ko naman na hindi nya talaga vinavalidate kapag walang box. Pero pwede nya namang sabihin na may kulang, duh! Anong mali, e hindi naman mali yun! Kulang lang!
Hindi ito sumagot ngunit halatang nagpipigil talaga ito ng tawa. Tsk. Mga baliw! Mag sama sila ng Dragon na Kurt na yun!
"San tayo pupunta? Hindi ito ang daan papuntang village namin a" takang tanong ko dito. Grabe namab Alie makareact kala mo kikidnappin
"Yep. May pupuntahan lang tayo saglit kaya relax ka lang" malawak ang ngiti niya habang sinasabi ito nguti iba ang sinasabi ng kanyang mata. What's the problem?
Ilang minuto lang ang tinagal ng aming bayahe. Mabilis lang dahil wala namang traffic. Teka? Simenteryo? Sa simenteryo ba kami pupunta? Maya maya pa ay nakita ko ang nakasulat sa arko ng lugar "Heaven's Gate Cemetery" hmm? May namatay naba siyang kamag anak? Bakit hindi ko alam?
Malapit ako sa pamilya Del Valle. Hindi ko mataandaan na meron silang kamag anak na nakalibing dito.
"Sinong pupuntahan natin dito?" Tanong ko rito ngunit wala akong nakuhang sagot, bagkus ay sinulyapan lang ako nito bago nag patuloy sa pag mamaneho. Grrr napakatamik dito. Wala bang bumibisitang kamag anak sa mga nakahimlay rito?
Maya maya pa ay hinito na nito ang sasakyan sa isang parang bahay na desenyo pero puro puntod ang nasa loob. Pasensya na. Hindi ko alam kung anong tawag rito
Hindi ko alam kung sino ang pupuntahan namin rito pero tila ba nanginginig ako sa kaba ng mabasa ang naka sulat sa taas ng Bahay
"Sandoval Family" basa ko sa nakasulat. Mga kamag anak ko ba ang andito? Bakit hindi ko alam...
"Halika" hinawakan ni Z ang aking mga kamay at hinila papasok dahil para talaga akong natuod sa pagkakatayo ko pag kabasa ko palang ng pangalan. Malakas ang pakiramdam ko na konektado sakin ang mga nandito. Malamang! Sandoval nga!
Eh bakit kasi wala man lang nag sabi sakin!
Pagpasok ay marami raming puntod din ang naroon. Hindi ko kilala ang iba kaya sa tingin ko ay mga ninuno ko sila. Well, pano ko nasabi? Felling ko lang. Felling ko ancestors ko sila
Inikot ko pa ang aking paningin, nakita ko si Z na nakatayo banda medyo sa kaliwa
Habang nag lalakad ako tungo doon kung saan nakatayo si Z tila ba pabigat ng pabigat ang aking hakbang. Nang matanaw ko na ang lapida ay unti unting lumihis si Z upang bigyan ako ng daan
Tuluyan kong nabasa ang nakasulat na pangalan sa lapida at tuluyan na ring nag bagsakan ang aking mga luha
.
Kasabay ng mga luhang pumapatak sa aking mga mata ay isang alaalang sana hindi na lang bumalik paGosh! Pano ko nakalimutan ang alaalang to? How stupid of you Audrey Lexie!
"Cassandra Alexandria S. Sandoval" bulong ko habang unti unting napaluhod habang humahagulgol ng iyak sa harap ng kanyang puntod. Hindi ko na mapigalan. Halo halong emosyon na ang aking nararamdaman
Why? Question starts running in my mind.
------
EDITED 💕
YOU ARE READING
PROMISES (COMPLETED)
Teen FictionPromises is a simple word but can Shattered your whole world. It can broke you into tiny Pisces. But then, I believed that all happy endings happened in last page. "..... Don't make promises you don't intend to keep." ---------- October, 2017- Dec...