Sinisigaw Ng Puso Ko

24 2 0
                                    

Palapit na ng palapit ang Prom namin. Syempre, todo ensayo din. Ang masaya lang dun, partner ko si Dj. Kinikilig ako!!! Lalong-lalo na kapag magtititigan kaming dalawa, hahawakan niya ang aking bewang. Uy!!! Parang may kumikiliti sa akin!

Drew's POV

Hi! Ako si Drew! Basta! Basahin niyo na lang ang sa Characters' Part. Ano? Tungkol kay Kathryn? Ah, mahal ko siya pero ang problema at ang problemang iyun ay talaga namang mahirap ayusin. At yun ay ang wakasan ang pagmamahalang KathNiel. Ewan ko nga kung ano ang nagustuhan ni Kath kay Dj na wala sa akin eh... Sinusubukan ko nang paghiwalayin sila. Buti na lang nandyan si Violet.

Gusto ko na sanang sabihin sa kanya, ang totoo kong nararamdaman, pero... Ito ang nangyari!

Binigyan ko siya nang isang sulat…

Ito…

Dear Kathryn,

                     Pumunta ka sa rooftop. Mamaya pagkatapos ng ating practice sa Prom. May sasabihin ako sa'yo.

                                                                                                       - D.C.

Sana, pumunta lang siya...

"Drew, punta na tayo sa gym. Magpapraktis na tayo. Nagagalit na si Sir!" Sabi ni Jay, kaibigan namin ni Dj.

"Oo, tara na!" sabi ko kay Jay.

Sa gym…

"Okay, hold now your partner's hand and... 1 2 3 4… Then, turn around." Sabi ni Sir Luke.

Kath's POV

Shet! Kinikilig ako!

"Aray!!!" sabi ko.

"Uy, naapakan ba kita? Ano?" Tanong ni Dj.

Di ako sumagot, di nya alam na najejebs ako. Ang sakit ng tiyan ko. Siguro dahil ito sa mga kinain ko kasama si Mitch. Eh, siya din naman kasi, eh. Hanep! Parang ilang araw di nakakain kung kumain.

"Aahhh, teka lang. Punta lang ako sa CR." Palusot ko.

Mahal Kita, Kasalanan Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon