———
"MAHAL, please! Huwag ka naman ganiyan." Patuloy ang pagbuhos ng mga luha ni Ella habang nakasunod sa sariling nobyo. Nang maabutan ang lalaki ay agad niya itong hinawakan sa kamay upang pigilan. "Gino, please naman, ano ba!"
"Tumahimik ka nga," pabulong ngunit mariin na utos ng Gino. “Napapagod na 'ko, Ella. The both of us need space. Hayaan na muna natin ang isa't isa."
Matalim na tinitigan ni Ella ang nobyo habang patuloy sa pagpatak ang mga luha nito.
"Space? O, baka naman nakikipaghiwalay ka na talaga!" sigaw niya kay Gino. "Magsabi ka ng totoo! Dahil kay Gale, 'di ba? Nakikipaghiwalay ka para wala nang sagabal sa inyo!"
"Iyan!" balik na sigaw ni Gino sa kaniya. Dinuro pa siya nito dahil sa labis na galit na nararamdaman. "'Yan ang dahilan kung bakit lagi tayong nag-aaway! Dahil sa mga hinala mo!" dagdag pa nito bago muling tinalikuran ang nobya at nagpatuloy sa paglalakad.
"Tamang hinala, Gino! Tama lahat ang hinala ko!"
Hindi na nilingon pa ni Gino si Ella. Alam niyang kapag pinatulan pa niya pa niya ito ay mauuwi lang sila sa mas malala pang pag-aaway.
"Gino, don't do this!" muling sigaw ng babae mula sa kaniyang likod.
Nang makarating sa parking lot ng eskuwelahan ay agad na tinungo ni Gino ang sariling kotse. Pinuntahan lang nito ang nobya sa pinag-aaralan nito para tapusin na ang kanilang relasiyon.
"Mahal, I'm sorry!" pagtangis ni Ella, patuloy itong humahabol sa kaniya.
Inaamin niya, mahal pa rin niya si Ella, pero sawang-sawa na siya sa sobrang paghihinala ng babae. Masiyado rin itong isip-bata, kaya konting problema lang ay pinag-aawayan na agad nila.
Nakarating siya sa sariling kotse bago huminto sa harap ng driver's seat, muli niyang nilingon at tinitigang mabuti ang mukha ng dating nobya sa huling pagkakataon. Ang mala-anghel nitong mukha na ngayo'y punong-puno na ng luha. Kitang-kita sa mukha nito ang sakit na idinulot niya.
Napalunok siya ng ilang beses at pikit-matang pumasok sa loob ng kotse kung saan naghihintay ang best friend ni Ella—si Gael, the one he cheated Ella with.
"Umalis na tayo rito, babe," sabi ng babae sa malambing na tinig, saka siya nito masuyong hinagkan sa pisngi.
"Gino!"
Pero nang muling marinig ang boses ni Ella, mabilis niyang binuhay ang makina ng sasakyan saka pinaharurot iyon palayo. Alam niya kasi na baka sa susunod na marinig uli niya ang boses ng nobya ay baka hindi na niya ito magawang iwan. Kaya bago pa magbago ang kaniyang isip ay aalis na siya.
MATAPOS ng isang linggo, masaya nang nagbabakasiyon ang dalawa sa beach house ng lalaki.
"Wow, babe! This is so amazing!" manghang wika ni Gael habang pinagmamasdan ang tanawin sa kanilang harapan.
Dinala siya ng boyfriend na si Gino sa vacation house ng pamilya nito sa Tagaytay kung saan ang malaking bahay nito ay nakaharap mismo sa dagat.
Tuwang-tuwa ang babae sa nakikitang tanawin kaya nang yakapin siya ni Gino mula sa likod ay hindi niya napigilan ang sarili na siilin ng halik ang lalaki.
"Are we really going to stay here for a month?" masaya niyang tanong sa nobyo.
"Yes," tugon naman ng lalaki bago nito muling hinagkan sa mga labi ang nobya. “Do you like it here?"
"Hindi pa ba halata?" nakangiting tugon ni Gael. “My one month vacation leave from work will be worth it! I can't wait 'til it gets night! Babawi ako sa ‘yo."
BINABASA MO ANG
Espasiyo ng Pusa
Short StoryA compilation of one shot stories of different genres. This compilation may include humor, romance, horror, fantasy, fiction and non-fiction short stories. --- Cover by Heynette. Thank you. 💕