———
"There are two things that cannot be hidden: fragrance and love."
Sabi nga nila, nothing is more memorable than a smell. Kaya siguro hindi ko magawang kalimutan ang taong iyon. Maliban sa lagi akong minumulto ng mga alaala nito, hindi rin ako nilulubayan ng kaniyang amoy. Pakiramdam ko, kahit saan ako magpunta o magtungo, laging nakasunod sa akin ang amoy nito.
5 years have passed, but he's still missing.
Nagsimula ang lahat noong labing-anim na taong gulang pa lang ako. Nakatira ako kay lola Celeste, ang mama ni Papa. Nasa isang liblib na probinsya ng Batanes ang bahay nito, malaki dahil may kaya ang pamilya nina Papa, pero lubhang nakakikilabot dahil bukod sa napaglumaan na ito ng panahon, tanging kami lang ni Lola Celeste ang taong nakatira sa malaking bahay.
Bata pa lang ako ay kinagisnan ko na ang ganda ng buhay. Laki ako sa layaw at laging nasusunod ang aking gusto dahil siguro sa nag-iisang anak ako. Pero sa kabila ng lahat ng ito, nag-dalaga akong ilap sa mga tao. I was a loner, an introvert. May social anxiety ako at talagang nahihirapan akong makisalamuha sa iba, ngunit hindi sa kaniya.
Ikatatlo ng Oktubre, taong 2013.
Malamlam at kulay kahel na ang langit. Nakaupo ako sa ilalim ng isang malaking puno ng mangga, nakapikit ang mga mata habang ninanamnam ang masarap at malamig na simoy ng hangin. Kumurba sa isang ngiti ang aking mga labi nang unti-unti kong malanghap ang pamilyar na amoy. Bata pa lamang ako, sobrang hilig ko nang mangolekta ng iba't ibang pabango. May ilan sa mga ito na ginagamit ko, habang ang ilan naman ay dini-display ko lang sa aking kuwarto.
"Hindi ka pa rin ba uuwi?"
Narinig ko ang malumanay ngunit baritono niyang boses. Napangiti ako nang maramdaman ang kaniyang presensya sa aking tabi. Ganito lagi ang eksena sa tuwing sumasapit ang dapit-hapon. Pagkatapos namin umuwi galing sa eskuwelahan, didiretso ako rito sa aming tagpuan, malayang uupo habang naghihintay sa pagdating niya.
"Dalawang buwan na rin, ano?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang unang beses ng aming pagkikita.
Agusto tatlo, taong 2013, eksaktong dalawang buwan mula ngayon nang unang magtagpo ang mga landas namin. Hindi ako ang tipo ng tao na laging lumalabas ng bahay, pero hindi ko alam kung bakit, noong hapon na iyon ay parang may nag-uudyok sa akin na lumabas at magtungo sa kung saan. Dito sa mismong lugar na ito ako dinala ng aking mga paa, sa mismong puno na ito ko siya nakita. Nakaupo habang pinagmamasdan ang paglubog nang bilog at pulang araw.
"Umuwi ka na, may assignments ka pang gagawin."
Natawa ako sa sinabi niya. Si Gabriel ang tipo ng lalaki na hindi mo kakikitaan ng kahit na anong negatibong bagay sa pag-uugali o maski sa sariling katawan. Masinop din at almost perfect. Ang problema lang sa lalaking ito ay masyadong misteryoso. Maliban sa huli ito ng dalawang buwan sa pagpasok sa aming paaralan ay wala nang alam na impormasyon ang ibang tao tungkol dito, maliban sa akin.
"Heto, regalo ko," bigla nitong sabi.
Lumapad ang ngiti sa aking mga labi at nagningning ang sariling mga mata. Tuwang-tuwa kong inabot ang isang hindi kalakihang botelya ng Juicy Cologne, Sweet Delights flavor. Para akong bata na binigyan ng kendy ng kaniyang magulang sa labis na tuwa.
"Uy, salamat, ha! Mabuti naman at hindi mo nakalimutan ang ipinangako mo!" masaya kong sabi. Nakita ko ang banayad niyang pag-ngiti. Isang banayad at matamis na ngiti na minsan lang nito ipakita. Ewan ko ba, sa tuwing ngumingiti ito, pakiramdam ko may mga paruparong nagliliparan sa loob ng tiyan ko.
Binuksan ko ang maliit na botelya at mabilis na nilanghap ang amoy na naroon. Amoy ni Gabriel. Sa dinami-rami ng lalaking nakilala ko, ito lang yata ang lalaking gumagamit ng pambabaeng pabango. At sa halip na ma-weirdo-an o mabaklaan, mas lalo ko pa itong hinangaan. Nang dahil sa kuwento sa likod ng paggamit nito ng pabango.
BINABASA MO ANG
Espasiyo ng Pusa
Short StoryA compilation of one shot stories of different genres. This compilation may include humor, romance, horror, fantasy, fiction and non-fiction short stories. --- Cover by Heynette. Thank you. 💕