———
1999:
"Pangarap kong pumunta sa Sighisoara, Romania, Eros! Gusto ko ikasal ako sa taong mahal ko sa lugar na iyon. Ikaw, ano'ng pangarap mo?"
"Ang matupad ang pangarap mo."
2020:
"Pinapalaya na kita, Miya. Malaya ka na."
Wala na ba talaga? Hanggang dito na lang ba ang kuwento natin dalawa, Miya?
Muli akong tumitig sa monitor ng aking laptop at binasa muli ang pitong salita na nasa pinakadulong bahagi ng kuwentong aking isinulat. Kusa akong huminto sa pagtitipa at sumandal sa silya na aking inuupuan.
Ngayon ang unang araw ng buwan ng Setyembre kung kaya't nag-uumpisa nang lumamig ang panahon dito sa Sighisoara, Romania. Ito marahil ang dahilan kung bakit sa ganitong buwan ay talagang kakaunti na ang mga bakasyunistang nagpupunta rito.
"Limang taon," nasambit ko nang wala sa sarili.
Hindi ko inaasahan na darating pa ako sa punto ng aking buhay na muli akong maaapektuhan nang ganito sa babaeng pinilit kong kalimutan limang taon na ang nakararaan.
2006:
"Miya del Rosario, ayoko nang maging nobya ka. Baby, can you be my wife?"
"E-Eros... are you sure? Oh my God! Yes, I will!"
2008:
"Eros, bakit? Dalawang buwan na lang ikakasal na tayo. Paano mo 'to nagawa sa akin?"
"Miya, baby. Please, don't cry. I'm sorry. I didn't mean it."
"Didn't mean it? You were having sex with your secretary! Tapos sasabihin mong... hindi mo sinasadya?"
2009:
"Miya, let's give this relationship a second chance. Baby, you know how much I love you..."
"Natatakot ako, Eros."
"Don't be, Baby. I won't hurt you again, I promise. You still love me, don't you?"
"Y-yes... "
2010:
"Pare, sigurado ka na ba riyan?"
"You know how much I love her, Troy. Ang tagal kong hinintay 'to."
"But are you sure you're going to ask her to marry you and tie the knot?"
"Yes. I've done this before, and I can't wait to do it again."
2011:
"Ito ba? Ito ba ang paraan mo para gantihan ako, Miya?"
"Get out, Eros. Please... "
"Answer me, Miya! Ito na ba 'yon? Pumayag ka bang balikan ako para lang gumanti sa akin?"
"Oo! 'Yon ba ang gusto mong marinig? Fine! Nag-cheat ako para gantihan ka!"
"Bakit si Troy pa!"
"B-because I love him."
"Hindi 'yan totoo, alam kong nagsisinungaling ka lang. Miya, please, don't do this. Baby, huwag mo 'tong gawin sa 'kin."
"Leave now, Eros. Leave!"
2013:
"Miya and I are planning to have our wedding in Sighisoara, Romania. I wish you could come."
"Oh, you don't have to worry. It'll be my pleasure to attend my friend and my ex-fiance's wedding."
2015:
BINABASA MO ANG
Espasiyo ng Pusa
Short StoryA compilation of one shot stories of different genres. This compilation may include humor, romance, horror, fantasy, fiction and non-fiction short stories. --- Cover by Heynette. Thank you. 💕