———
April 30, 2016
"Hindi lahat ng bagay sa mundo ay permanente, at isa na roon ang damdamin ng tao."
Iyan lang ang tanging nasabi ko habang pinanonood ang kasal ng boyfriend ko for almost 4 years na si Jason. Hindi ko rin alam kung paano nangyari, noong isang linggo lang masaya naman kami. Pero ngayon, heto... ikinakasal na siya sa iba.
"Umulan sana ng bato, semento, yero, bomba at kutsilyo sa reception n'yo!" padabog kong bulong bago ma-dramang nag-walkout palabas ng simbahan.
"Amen," dinig ko pang sambit ni Chelsea, ang best friend ko bago natatawang sumunod sa akin.
"Ang cheater na 'yon. Sa tingin ba nila magiging masaya sila?!" sigaw ko habang unti-unting nagbagsakan ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Tumadyak-tadyak pa ako na parang bata habang patuloy sa pag-iyak. "Sana magkaroon sila ng AIDS!" dagdag ko pa bago nakita si Chelsea na pumara ng taxi.
"Ayan kasi, nagmahal ka ng taong nabubuhay na ngayon para sa iba... condolence, bes."
"Ayoko na talaga. Ayoko nang magmahal! Mga tipaklong 'yang mga lalaking 'yan. Mga walang bayag!" puno ng pagkamuhi kong saad.
Nakita ko naman ang napapailing na si Chelsea habang lulan kami pareho ng taxi patungong airport. "May mga bayag sila, pero puso... wala!" kumento nito. Napatitig naman ako sa kaniya.
Si Chelsea man ay niloko rin ng kaniyang long time boyfriend noong nakaraang linggo lang, kaya nagdesisyon ito na magbakasyon na muna sa lola niya sa Japan. Gusto niyang makalimutan ang ginawa ng malandi niyang ex, pero ang gaga, bago tumuloy sa airport ay dumaan muna sa simbahan kung saan ginanap ang kasal ni Jason. Akala niya yata ay masokista ako. Pero masokista nga talaga ako, pumayag pa kasi ako na sumama sa pagpunta sa kasal ng hayop na ex ko!
"Bes, kalimutan mo na kasi si Jason," aniya bago ako tinapik-tapik sa balikat. "Summer naman ngayon kaya magbakasyon ka muna para makalimutan mo siya. Go somewhere where you can forget him," malumanay nitong wika kaya nilingon ko siya at tinitigan nang matalim.
"Saan! Saan ako pupunta ngayong wala na akong lugar sa puso niya?" iyak ko.
Nang makarating naman kami sa airport ay nagmamadali itong nagpaalam sa akin upang magtungo muna sa restroom. Hahakbang na sana ako patungo sa entrance ng airport nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko. Isa iyong text message mula sa ate kong si Mika.
'Ngayon ang dating ni Matthew. Sasama ka ba sa pagsundo sa kaniya?'
Napangiwi ako nang mabasa ito. Kung minamalas ka nga naman, ngayon na pala iyon? Biglang nangunot ang noo ko.
"Ang malas ko talaga," naluluha kong sambit habang nakatitig pa rin sa text na ipinadala ni Ate Mika. Si Matthew ang anak ng hapong kababata ni papa. Bata pa lang kami ay gusto na ng mga ito na ipakasal kami ni Matthew sa isa't isa para daw mas tumibay ang samahan ng aming pamilya. "Over my dead body," bulong ko bago nag-umpisang humakbang.
Hinding-hindi ako papayag na mapakasal sa lalaking iyon. Maliban kasi sa may personal akong galit sa mga lalaki ay ayaw ko talaga sa mga may dugong hapon. Well, except for Chelsea. She's my best friend.
Nagtungo na ako sa departure lounge ng airport upang doon na lang maghintay kay Chelsea. Habang nakaupo ay naramdaman kong muli ang pag-vibrate ng aking cellphone. Mabilis ko iyong kinuha, text na naman mula kay ate Mika. Nangunot muli ang noo ko.
"Airport. Now, Macey. Sunduin mo ang fiance mo dahil may biglaan na emergency rito sa bahay. Hindi na namin siya masusundo. Macey, behave, okay? Love you, sis."
Napabuga ako nang malalim na hininga. Emergency? Kahit kailan, kahit sa text man lang, hindi talaga marunong umarte si Ate Mika. Cancer sa larangan ng pag-a-artista.
BINABASA MO ANG
Espasiyo ng Pusa
Short StoryA compilation of one shot stories of different genres. This compilation may include humor, romance, horror, fantasy, fiction and non-fiction short stories. --- Cover by Heynette. Thank you. 💕