"Barya lang po sa umaga. Kasi mahirap nga naman kung una pa lang, buo na ang ibinigay mo, pero hindi ka naman pala masusuklian."
NAPANGITI ako nang mabasa ang nakasulat sa papel na nakasabit sa may kisame ng jeep. Naka-laminate pa ito at may hugis puso pa sa dulo.
Kagaya ko, nasa papel din ang atensiyon ng bawat taong kasama kong lulan ng pampasaherong sasakyan. Ang iba ay nakiki-selfie pa, tapos biglang post sa Facebook. Habang ang iba naman, todo emote agad kasama ang mga kaibigan. Palibhasa tanga sa pag-ibig, kaya konting hugot, 'di man lang umilag, tamaan agad.
Nagbuga ako ng hangin at agad na bumaba nang huminto ang jeep na kinalululanan ko. "Heto, Manong, keep the change," sabi ko pa nang iabot sa konduktor ang dalawang bente. Tumingin pa sa akin si Manong habang nakakunot ang noo. "Sanay naman po akong hindi nasusuklian."
"Iha, sakto lang ang binayad mo. Galing kang Alabang," pahabol pa ni Manong, ngunit hindi ko na nilingon. Agad na akong pumasok sa loob ng jollibee at nakipila sa mga taong pilit na pinagsisiksikan ang sarili, makabili lang ng paborito nilang pagkain.
"Parang sa pag-ibig, pilit mong isisiksik ang sarili mo, makasama lang ang taong mahal mo."
Naningkit ang mga mata ko nang lingunin ang dalawang mag-jowang nag-uusap sa may tabi. Mahigpit ang pagkakahawak-kamay ng mga ito na animo'y isang dekadang hindi nagkita. Sinundan ko ng tingin kung saan sila nakatitig, at aba! May pahugot pala si Mayora!
'Para sa mga patuloy na nagmamahal nang walang hinihintay na kapalit.'
'Para sa mga hindi nag-give up sa pag-ibig.'
'Para sa pagmamahalang walang katapusan.'
Isa-isa kong pinasadahan ng tingin ang mga salitang nakasulat sa pulang papel at nakadikit sa lobo, kagaya ng lagi kong sinasabi, "At para sa laging nasa jollibee, pero never naging happy. Isang large fries nga, ate. Samahan mo na rin ng coffee float."
Bahagyang natawa ang babaeng kumuha ng order ko, pero hindi ko na ito pinansin at nagtungo na sa paborito kong puwesto—ang mesa sa pinakadulong parte ng jollibee.
Sa aking pag-upo, hindi sinasadyang mahagip ng aking tingin ang dati kong pinapasukang unibersidad. Tatlong tawid lang ang layo nito sa jollibee kung nasaan ako ngayon. Limang taon na rin, dapat sana, tapos na kami sa—sandali! Rewind! Wala palang kami, ako lang! Dapat sana, tapos na ako sa pag-aaral, pero dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari. Heto, high school graduate lang ako.
Pero wala naman akong pinagsisisihan. Dahil kung may magandang naidulot ang mga hindi inaasahang pangyayaring iyon, 'yon ay ang nagawa kong pag-aralin ang aking kapatid. At dalawang taon na lang, ga-graduate na siya sa kursong nursing.
Pero siguro kung mayroon man akong dapat na panghinayangan, iyon ay ang relasiyon namin ni Julius na nagtapos lang sa hindi magandang hiwalayan.
———
SABI nila, ang pagpuputa raw ang pinakamatagal na propesiyon sa mundo. Ako si Tina Go, ipinanganak at namulat sa lugar kung saan namumugad ang mga beteranang pokpok; ang Cavite! Anak ng isang mayamang chinese business man. At gaya ng pangalan ko, tinago rin ako ng magaling kong tatay. Siyempre, pokpok ang ina, hindi niya maipagmalaki. Kaya ayon, matapos magbigay ng malaking halaga, tuluyan na kaming iniwan.
"Welcome! Welcome sa aming semen-tear-you! Ang pinakachaka na place sa ibabaw ng mundo! Madalas man may iyakan dito, kerebels lang! Ang mahalaga, may mapagpapahingahan ang pamilya mo kung machuchugi na! Pak! O, 'de va? Vongga—aray!"
Malakas kong binatukan si Avoga sa ulo. Agad ko rin siyang hinila sa kuwelyo at sinigawan. "Magtigil kang tabachingching ka, ha! Nako, Avoga, nag-iinit ang ulo ko sa 'yo!"
BINABASA MO ANG
Espasiyo ng Pusa
Short StoryA compilation of one shot stories of different genres. This compilation may include humor, romance, horror, fantasy, fiction and non-fiction short stories. --- Cover by Heynette. Thank you. 💕