Chapter 2
Happy Birthday
Kahit labag man sa kalooban ko na pumayag sa kondisyon nila ay sumang ayon parin ako. Dahil wala naman akong magagawa kung pumayag man ako o hindi.
Mas mabuti pang sundin, kaysa hindi mangyari.
Habang nag lalakad ako malapit sa dalampasigan ay narinig ko ang mga alon na nagba-baybay at humahampas sa mga bato. Hindi ako masyadong lumapit sa dalampasigan dahil sa aking mga soot.
"Bakit ba ito ang suot kong damit?" irita kong sabi habang sinasagupa ang mga buhangin gamit ang aking mga paa. Tinanggal ko ang sapatos ko sa mansion bago pumunta dito ng nakapaa
Nag lakad-lakad pa ako upang gumala sa buong lugar. Hanggang sa naka ramdam ako ng init, kahit na sobrang lakas ng hangin, dahilan kung bakit gumu gulo ang aking mga buhok.
Kaya dinukot ko ang loob ng aking bag upang maka hanap ng pang tali sa aking buhok na nagugulo dahil sa malalakas na hangin.
"Where is it?" tanong ko. Dahil hindi rin makita ang hinahanap.
"Gotcha!" Nang naka hanap na ako ay agad kung tinali ito. Yumuko muna ako para mas lalong maging madali ang aking ginagawa. I did a messy bun in my hair. Hindi naman ako nahirapan dahil sanay na ako na nag tatali ng sarili kong buhok o kahit sa iba, katulad ng pamangkin kong babae
But I'm still feeling the heat. That's why I unbottoned my polo shirt. But I didn't remove it, it's still hugging my body
Pagka tapos kong gawin ang mga yon ay nag lakad na ulit ako malapit sa dalampasigan. Sa kalagitnaan nang aking pag lalakad ay mayroong tumulak sa akin mula sa likod. Dahilan kung bakit ako sumubsob sa mga buhangin.
"What the?!" sabi ko habang tumatayo para harapin ang kung sino man ang bumunggo o tumulak sa akin
Nagulat ako nang nakita ko na isa lamang itong batang babae, ang lakas niya grabe.
Teka. Bakit may bata dito? Sa amin itong ressort na ito ah? And I think her age is in 6 to 9 or something.
"Ano ba ate, paharang harang ka sa daan" kunot na noong sigaw sa akin ng bata. Dahilan kung bakit nanlaki ang aking mga mata.
"Ano bang paharang harang? Eh ikaw nga 'tong tumulak sa akin!" Batang to! Eh halata naman na tinulak niya ako. Abah! Kahit na ganito ko kaganda at mala anghel ang mukha ko, masahol pa sa demonyo ang ugali ko!
"Tsk. Ka arte, di nalang mag sorry." bulong ng bata habang umiirap. Kahit naririnig ko naman ang kanyang mga sinasabi. Siguro sinsadya niyang marinig ko iyon.
Nanlaki ulit ang aking mga mata. Kung kanina ay malaki lang, ngayon ay mas malaki na ito at pumula naman dahil sa galit at irita. Kasabay nito ang pag tagis ng aking bagang.
"At bakit ako pa ang mag sosorry aber! Ikaw nga itong nanunulak" pagalit kong sigawsa bata.
"Ishen." isang matigas na tono ng lalake ang aking narinig mula sa isang tao na nasa malayo na nag lalakad papunta sa aming direksyon, ngunit hindi ko maaninag ang kanyang mukha.
Abah! May isa pa? Saan lupalop ba ito nanggaling at paano sila nakarating dito, private 'to diba?
Bago titigang mabuti itong lalake ay bigla nalang umiyak ang hinayupak na bata, ang cute niya kahit umiiyak, lalong nadedepina ang kanyang kagandahan at ang pula-pula na ng kanyang mga pisngi at ilong. Teka, bakit ko paba pinupuri itong batang ito eh napaka sama ng ugali. Hindi pa ako nakaka kurap ay dinuraan niya ang aking sapatos, saktong papalapit na ang lalake sa amin.
![](https://img.wattpad.com/cover/127420682-288-k625161.jpg)
BINABASA MO ANG
Once Upon A Dream
Teen FictionAko si Alyanna Sebastian, 'Pol' kung tawagin ng mga pinsan at kaibigan ko. Simple lang ang buhay ko. Hindi madali at lalong-lalo hindi mahirap, sakto lang. Ngunit biglang nagbago ang lahat nung nakilala ko ang isang matalino, maangas ngunit mabait n...