Chapter 3

142 9 0
                                        

Chapter 3

Birthday Gift 0.1

"Naku, kung alam mo lang." sagot ni Roni sa akin. Yung kaibigan kong bakla na may gusto kay Carl.

"Ano ba kasing nangyare?" sagot ko pabalik.

"Eh diba, kasi sabi mo kayong mag papamilya lang yung mag ce-celebrate. Kaya lang-" hindi natuloy yung sinasabi ni Roni, dahil tinakpan ni Carl yung bibig niya. Pero ang baklita malantod talaga, hinawakan pa ang kamay ni Carl at hinalik halikan ito at itinirik pa talaga ang mata niya.

"Yakk!" sigaw ni Carl at tinanggal niya ang kamay niya sa bibig ni Roni sabay tulak at hinila naman siya ng iba kong pinsan papa layo sa akin. Hindi naman siya masyadong kalayuan, konting layo lang.

Naririnig ko ang mga pag bulong nila kay Roni na siya nagpa takip sa kanyang sariling bibig dahil sa pagka gulat.

"Shit! Oonga pala." mahinang sabi ni Roni, pero narinig ko naman.

Ano bang trip ng Barney and friends nato? Yun na talaga yung tawag ko sa mga pinsan ko simula nung napanood ko yung kay Barney.

Hanggang sa napansin kong nasa harap ko na pala si Roni.

"Ganito kasi yun bes. Akala ko, na kayo nga lang ng pamilya mo. Pero nagulat nalang ako na tinawagan ako ng pinsan mo. Siguro mga past twelve na nun. Ang sabi niya na sumunod na daw ako sa Batanggas at susurpresahin ka namin. And then sumagot ako, sabi ko sa kung sino man sa pinsan mo ang tumawag sa akin na past twelve na makaka abot paba kami? Biglang natahimik yung nasa kabilang linya, akala ko pinatayan nako yun pala nag iipon lang ng energy. Bigla ba namang nag super sayan sa galit, feeling ko nga muntik ng itapon yung cellphone niya sa kung saan. Eka ba naman sakin shut your bullshit's, kapag hindi ka pumunta I will kill you."

Kwento ni Roni habang gumagamit siya ng galit at nakakatakot na ekspresyon 'kahit hindi naman nakakatakot' para gayahin yung tiyak na ekspresyon ni Sillvester. Oo si Sillvester yun, ganun sila kasama mag salita lahat pero si Sillvester lang talaga ang pinaka light mag salita at saka nakita ko din siyang umiiling habang nag kekwento sa akin si Belly. Kasi kung yung ibang mga pinsan ko yun ay halos makakagawa na ng isang buong kwento sa sobrang daming sinasabi. Halimbawa si Kuya Magnus, kung ano anong bali bali buto yung sasabihin nun. Halimbawa din si Roamar, kung ano ano death threats kaek ekan ang sasabihin nun. Pero ang pinaka wild ay ang tatlong itlog na sina Clei, Theo at Basty na sobra sobrang kamanyakisan ang sasabihin. Malamang pag yung isa sa tatlo nayun ang kumausap kay Belly sigurado pag lilibugan niya yung kung sino man sa tatlo na yun. Mga manyakis....

"Oh tapos?" tanong ko kay Roni. Nung pagka tanong ko sa kanya nun ay hinila niya ako papalayo sa akin mga pinsan. At nag punta kami sa dulo ng venue, which is our rest house.

"Ayun! Napa sugod agad ako dito, I drove my car as fast as I can. Dahil natatakot ako sa mga babala ng walang hiyang yan." sabay turo ni kay Sillvester. Tama ako diba? And then I notice, nung naka baba na ako sa kotse ko ang dami kong takitang kakilala. Sabi ko sa sarili ko, woah akala ko ako lang ang kailangan ng Sebastian hot cousin's na ito. Hindi pala! Naging Hagardo Versoza na nga ang feslak ko, tapos ganon lang? And may narealize nanaman ako. Guess what?" pabitin na sagot ni Roni

"Ano? Binibitin moko, pa VIP ka masyado!" bulong ko sa kanya.

"Eto na sige na. Narealize ko na hindi pala kita bilhan ng regalo. Bongga!" sigaw niya na parang gusto ng magpa ano.
Magpa fiesta, akala niyo siguro kung ano hanoh?

"Tss. Ang sama mong kaibigan. Walang kwenta." sabi ko sabay irap sa kanya. Pero bigla akong may narealize, nasaan nga pala sila mommy? Ang tagal naman nila. Oh baka susurpresahin din nila ako?

Aalis na sana siya para manlalake daw, pero pinigilan ko siya.

"Wait. Alam mo ba kung saan naman nag tatago sila mommy? Hindi ko pa kasi sila nakikita eh" pagka tanong ko sa kanya noon ay bigla siyang nagulat at iniba niya agad ang kanyang ekpresyon sa isang masayang bakla.

"Ay oonga pala. Kakain na daw tayo, taralets. Kasama sa handa ang paborito mong malabon. Madaming seafood yun!." sabi niya sabay taas ng kanyang dalawang kamay.

Ilang saglit lang ay ibinaba niya na ito at hinawakan ang akin kamay, saka hinila papunta sa isang bilog at malaking lamesa. Hindi ko namalayan na naka handa na pala ang lahat. Sakto lang ang laki para mag kasya ang ibang mga bisita. Yung ibang mga lamesa ay inaayos palang. Marami rami din namang lamesa at sakto lang ang dami para sa lahat.

At syempre, dahil ako ang may birthday ay nasa gitna ang aming lamesa. Umupo na ako sa may gitnang lamesa at nagsi upo na rin ang lahat sa kani kanilang mga upuan. Ayun, katabi ko yung ibang mga pinsan. And thank god that my two brothers are not here on the table and also may three maniac cousins. Hindi pa nila ako kinakausap simula nung sinurpresa nila ako. Hanggang sa kumain na kami ng hinandang pagkain at may pahabol pa na dessert, ang aking favorite na macaroons. Tatlong piraso bawat tao at pina bongga lang disenyo para hindi mahalata, malalaki naman at masarap. Kaya okay lang. Pero nakaka bitin. Kahit tapos na naming kainin ang lahat ng dapat kainin ay hindi parin nila ako kinaka usap. Ang tanging mga naririnig ko lang sa kanila ay ang komento nila sa mga pagkain, kung sino ang hindi natawagan, kung ano ang gagawin mamaya pagka tapos kumain. Sila sila lang ang nag uusap at hindi sinasali. Kaya ang gagawin ko, makikisali ako.

Syempre, sa sobrang talino ko ay nakapag isip ka agad ako ng sasabihin tutal ay may kwenta naman ang sasabihin ko, hindi na ako magpapa ligoy ligoy pa. First, I'm gonna ask a question to my cousin next to me. Lumingon ako sa aking kanan para maharap siya.

"Kuya Rome." tawag ko kay Rhoamar. Kapag real name kasi nila yung ipang tatawag ko, walang kuya-kuya. Pero kapag yung nickname naman nila, syempre may kuya na. Tumingin siya sa akin.

"Do you know where our tito's and tita's are? Kanina pa kasi sila wala eh." at dahil hapunan na nga, wala munang sayaw-sayaw at wala munang music. Sa hindi inaasahang pang yayari ay narinig ng mga pinsan ko na nasa iisang table lang din ang itinanong ko kay Roamar.

"Rome." nagulat ako nang biglang mag salita ang isa kong pinsan na si kuya Vall. Nilingon ko siya at nahuli ko na umiiling siya, pero nung nakita niya ang pag lingon ko ay biglang in-steady niya ang kanyang ulo, nang hindi pa rin tumitingin sa akin.

"Ano bang problema mo, Apollo V?" inis kong tanong sa kanya. At tiningnan niya ako ng masama. Abah! Kung ako naiinis, dapat kayo din. Ayaw niya kasing tinatawag siya na ganon, lalo na si Cleisthenes VI!

"Truth Hurts." maikli niyang sagot. Kumunot ang noo ko sa kanyang simpleng sagot. He is known as a man with few words. Kahit inisin mo, wala lang. Pero wag naman yung grabe. Masama yang magalit.

This is nonesense.

Pagka tayo ko sa aking inuupuan para mag walk out, ay biglang nagsalita si kuya Vann which is Veneir. "Okay, sasabihin kona." ani nito. Kaya lumingon ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Hindi sila makakadalo. As Usual"

Nanaman?

Once Upon A DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon