Chapter Six - Different Side

2.2K 43 2
                                    

She told me to bring acquaintances with me sa reunion party namin, preferably date daw pero sino namang dadalhin ko?

I’ve decided to go alone. Hindi ako takot na ma-a ‘Out-of-Place’ ako kasi mga kakilala ko naman yung mga aattend doon.

 

It’s so nostalgic when I saw Sarah’s place. Dito sa Greenland Subdivision, sa dati nilang bahay ginanap ang party. It was a casual reunion, barbeque and pool party.

“O Matteo, buti naman nakarating ka? Akala ko di ka pa nakikita ni Sarah kaya ipinagbilin ko sa Mommy mo ang invitation namin. Yun pala, nagkita na kayo.” Tita (Sarah’s mom) greeted me.

“Ah opo. Napakagaling na po pala ni Sarah na magdrive.”

“Naku, alam mo iho, sobra yung pinagdaanan nya bago sya gumaling ng ganyan. Dumating na nga kami sa point na pigilan na sya sa pagpursue ng dream nya, kasi nakailang aksidente na rin sya, mga minor lang naman pero sobra kaming natakot. Dapat kasi nagchess na lang kayong dalawa e!”

“Kakabit na po ng buhay ng racer ang mataas na chance sa aksidente, pero don’t worry po tita, mayroon naman pong safety suit.” I smiled at her para naman mabawasan yung lungkot nya.

Napansin ni Tita na wala akong kasama. Pinapasok muna nya ako sa loob ng bahay at nakipagkwentuhan tungkol sa buhay ni Sarah sa America. Kahit na naku-curious ako sa nangyaari sa party sa labas, minabuti ko na lang na makinig kay Tita kasi kahit papaano naman ay interesado rin ako sa mga nangyari kay Sarah. She gave me a very thick photo-album, parang ka-size ng isang malaking Webster’s Dictionary. It’s a collection of Sarah’s pictures all over the world, simula noong student pa sya hanggang sa pag-uwi nya dito sa Pilipinas.

“Naku, Matteo, alam mo ba, palagi naming isinasama sa dasal namin ng Mama mo na sana, kayo ang destiny ng anak ko pero parang malabo na kasi palagi na lang kayong opposite. Pero feeling ko, ito na yung sign iho, magkateam na kayo, hindi na kayo magcocompete against each other. (smiles)”

“I guess Tita, tuloy pa rin po yung competition namin. Ni minsan po kasi, hindi ko man lang sya nagawang talunin. She used my car po noong nagtitingin sya ng team na pwede nyang salihan, at nagdemo po sya ng driving style nya. Natalo nya po yung personal record ko Tita.”

“Alam mo, para pa rin kayong bata. 22 na kayong dalawa kaya wag nyo nang isipin ang mga ganyan. Basta iho, botong boto pa rin ako sa inyo ni Sarah. Maybe, di nyo palang time ngayon iho.” She was smiling at me at ramdam ko yung siincerity sa bawat salitang binibitiwan nya. Noon pa man, para na talagang match-maker sina Mommy at Tita. Sobra silang close dalawa, ganoon din yung mga ama namin.

Siguro yung dapat na  closeness namin ni Sarah napapunta na sa mga magulang namin lahat kaya wala ng natira para sa aming dalwa! tsk!

 

“Tita, e bakit nyo pa po ipupush kaming dalawa e mukha naman pong masaya sya sa relationship nya ngayon?”

“Boto naman ako sa boyfriend nya (smiles) . Pero hindi ko lang ma feel yung seryoso talaga si Sarah. She’s too fragile Matteo, alam mo naman na yung first love nya noong high school e niloko lang sya. Nasundan pa iyon noong college days nya, she ended up hurting inside. She has moved on doon at natuto pero naging reason din yun para pigilan nya ang sarili nya na magmahal nang sobra. She looks very strong outside na di mo aakalain na nasasaktan na sya. Kilalanin mo syang mabuti Matteo. Please, tulungan mo sya.”

My Rival, My Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon