Maaga pa lang ay nagpaalam na ako kay Tita dahil may practice pa ang Team namin. It’s the first time na feeling ko ay sobrang gaan ng pakiramdam ko, I don’t know why pero masaya ako.
I’m still using my car na ipapamodify ko mamaya sa tulong ng mga kakilala ni Sarah. Malaki ang maitutulong nya sa team kung sasabihin nya ang ilang mga natatagong sikreto ng American racing Team na sinamahan nya dati. Kahit na nasa Junior Division lang sya doon, mataas pa rin ang tiwala namin sa mga iseshare sa amin ni Sarah.
Sana talaga magkaroon na ng pangalan ang Pilipinas pagdating sa ganitong sports!
She arrived at the area around 10 am. Nakajeans lang sya at hanging yellow blouse na ikinanganga ng mga kasama kong racer.
“Hello po? May masama po ba akong ginawa? Bakit ganyan po mga titig nyo? Hahaha” She was unaware na we’re looking at her because we’re just amazed and mesmerized with her beauty. Hindi sya mukhang racer, para syang beauty queen.
Buong hapon kaming nanuod sa mga taong nagmodify ng mga sasakyan namin. Nandoon lang din si Sarah sa tabi nila. Minsan ay nag-uutos sya kung ano ang dapat at nagsa-suggest ng mga kailangang gawin. Professional na talaga syang tingnan.
“Ms. Asher, yun pong kotse nyo dumating na po.” Sabi ng isang staff sa kanya
“Wow! Talaga? Andyan na si Betty?”
“Sino si Betty?” Tanong ko sa kanya pagkatapos nyang sagutin yung staff.
“Yung kotse ko (smiles) Dapat kasi pinapangalanan or binibigyan nyo ng nickname yung mga gamit na mahal na mahal nyo. E super love ko kaya si Betty kaya kinakausap ko rin sya palagi. Aminin nyo, kayo rin, may time na kinakausp nyo rin yung car nyo.” Patawa-tawa pa sya habang sinasabi nya yun.
“Geronimo, may bisita ka, pinapasok ko na sa opisina. Kami na ang bahalang magpasok sa kotse mo dito. Siputin mo muna yung bisita mo.”
Nagpaalam muna sya saglit sa amin at pumunta sya sa opisina.
~~~~
“Coach? Sino po yung bisita nya?” Tanong ni Ivan, kapwa kong racer.
“Yung boyfriend ata. O baka manliligaw kasi may dalang bulaklak. Di ko rin alam, sya na lang yung tanungin nyo.”
“E ikaw Matteo, wala ka bang alam?” Baling ni Ivan sa akin.
“Wala. Hindi ko pa nga nakikita yung boyfriend nya. Tsaka ilang ulit ko ng sinasabi sa inyo na kaklase ko lang sya dati, kaibigan Oo! Pero hindi naman kami naging sobrang close.”
After kong magsalita, dumating na ulit si Sarah kasama ang boyfriend nya.
“YUN OH!” Sigaw ni Coach habang papalapit sila sa amin. Halos napuno ng asaran tungkol sa kanilang dalawa.
Pinakilala nya sa amin lahat si Kevin, sya yung tinutukoy nya noon sa interview nya na boyfriend nya at sya rin yung lalaking naikwento nya sa akin kagabi.
Napaka Ironic lang noong mga sinabi nya at ni Tita sa akin na hindi pa nya ibinibigay yung totoo nyang love para sa lalaking yun e sa nakikita ko naman, sweet sya sa kanya. Mga babae talaga, hindi ko talaga maintindihan.
“Beb, papanuorin mo ba kami ni Betty mamaya?” Tanong ni Sarah sa boyfriend nya.
Actually mahina lang yung pagsasalita nilang dalawa, nagkataon lamang na malakas yung pandinig ko :))
“Baka hindi na siguro. Kailangan pa ako sa kompanya mamaya e. Dumaan lang ako para batiin ka ng Happy Monthsary beb.”
Biglang nag-iba ang mukha ni Sarah matapos nyang marinig yun. Ganoon sya kagabi habang nagkekwento sya, ganoon yung aura nya pag nalulungkot sya.
BINABASA MO ANG
My Rival, My Angel (ON HOLD)
Hayran KurguThis is a Sarah Geronimo & Matteo Guidicelli Fan Fiction or should I call it "Ang Diary ni Matteo" ^_______^ Love Love Love! :)