Chapter Fifteen - Falling

2.1K 45 5
                                    

~SARAH'S POV

Two Days... Two days ang binigay ni Matt sa akin na palugit para sabihin ko kay Marlon na hindi na sya pwedeng dumiskarte pa. Pero ginawa ko agad yun after akong matauhan na may 'spark' pala kami ni bes. As if naman na sobra kong ganda pero feeling ko lang at feeling ko lang naman talaga na kahit papaano ay masasaktan din siguro si Marlon pero umaasa akong matatanggap nya ang kung ano man na gawin kong desisyon.

I'll just need to be honest  . . . honest sa sarili ko, kay Matt at kay Marlon.

-----------------------------------------------------------

"Coach, pwede po bang si Matt na lang po ulit yung magiging training partner ko? Tutal, tapos na naman po yung camp, hindi na po kailangan pa na sila ni Ivan yung magkasama."

"Bakit? Ayaw mo na ba kay Stockinger? Ano bang naging problema? Napansin ko lately na hindi na kayo masyadong nagkikibuan. Sige, papaayos ko kay sec. may nakaschedule lang ngayon na training sina Guidicelli kaya kung maaayos, next week na maging effective yun. Sasali ka ba sa National Women's Open Cup? Hindi ba mas mabuti kung si Stockinger pa rin ang maging partner mo?"

"Naku coach, pareho lang naman po sila ni Matt kaya sa tingin ko naman po e wala namang big adjustments, tsaka tutulungan nyo naman po ako di ba?"

"Sige , sige. Wala na akong magagawa."

"Thanks coach! Ang lakas ko po talaga sa inyo ano? hahaha."

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Hey, Sasa, are you angry or what? Iniassign ako ni Coach sa iba kaya naisip ko na baka nagrequest ka sa kanya. Clear naman sa akin na hindi na ako, but we're still friends right?"

"Naku Marlon, wag mong isipin na ginawa ko yun dahil dun. Si Matt-matt naman kasi yung talagang nauna kong kasama tsaka tapos na yung project nila ni Ivan. Don't worry, walang magbabago. Basta tulungan mo ko sa training ha." I smiled at him, he smiles back but I know it's not as genuine as it was.

Three lessons learned.

Don't be harsh on men, nasasaktan din sila pero di lang nila pinapahalata. Mahirap basahin ang nararamdaman nila. They're not as transparent, di sila gaya ng mga babae.

Pangalwa. Meron pa ring lalaking seryoso at sincere, kaya wag silang aabusuhin. Wag silang iiignore.

Lastly, ISA lang ang puso, kaya sa isa lang dapat itutuon ang atensyon na nararapat. Take note: Wag nyo akong tularan kasi ginawa ko lang kumplikado ang mga bagay-bagay. Nasisira lang ang magandang pinagsamahan kapag dumating na sa point na kagaya ng nararanasan ko ngayon. Hindi porke't may malakas kang charm sa kalalakihan e magiging open ka na sa lahat. Kilalanin muna ang mga nagpaparamdam sayo na liligawan ka, at wag gagawin na pareho silang bigyan ng chance. ISA LANG! ISA LANG dapat. Make your life less complicated. Simple lang naman ang buhay e, tayo lang ang nagpapakumplikado dito.

P.S. : Huwag maaattract sa guy bestfriend, mas maganda siguro kung mag-i-stay na lang kayo as close as you were. Bestfriend forever di ba? Pero once you both have personal love interests, wag iiitsapwera si bestfriend. Pero pwede bang maging ligtas dito sa rule? Naattract ako e! Hindi pala maiiwasan yun, hindi pala madali kapag gwapo ang bestfriend, kapag ganoong kasincere, gentleman, best story teller, best listener; sino ba ang hindi maaattract doon? :)

My Rival, My Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon