Chapter Nineteen - First Kiss

2.2K 76 9
                                    

Matteo's POV

Race na nya sa susunod na araw kaya bugbugan na ang ginagawa nilang training. Kakatapos lang namin sa pagcheck sa sasakyan nyang gagamitin at idadrive test nya mamaya for modification nang dumating yung mga big boss ng Toyota, ang pinakalatest nyang hinahawakang endorsement . Kasama nila ang ilang mga reporters para icover ang isang lap ng practice race nya. Ready na rin ang suits ni Sarah. Puro bago ang mga gagamitin nya , sponsored nga ng mga endorsements nya. May inaalok din sa kanyang bagong kotse pero mas pinili nya na si Betty ang gamitin, pinamodify na lang nya.

Dahil naandito sa Camp ang mga big bosses, at may mga cameras sa paligid, hindi ako makalapit sa kanya, hindi ko magawang bigyan sya ng meryenda, ng tubig, punasan yung pawis nya dahil nga sa kontrata nya. Baka magalit ang Daddy ni Sarah kapag nawala sa kanya ang project kaya mas pinili kong panuorin na lang sya.

She looks very tired pero todo pa rin ang ngiti nya. Alam ko sa mga mata nya na gustung gusto na nyang umidlip sandali sa opisina gaya ng nakasanayan na naming gawin pero hindi nya magawa kasi marami pa ang dapat nyang gawin.

"Asher , ano pa ba ang hobbies mo bukod sa racing?" tanong ng interviewee sa kanya.

"Lately, napafocus na po ako sa pagkarera pero bukod po dito, hmmmm puro inclined with sports din po ang pinagkakaabalahan ko." sagot nya.

"Ah, lovelife? Mga ganyan, Wala ba? Parang imposible naman na wala sa sobrang charming mo."

Buti na lang babae yung reporter, kung lalaki yun, siguradong nakakuyom na ang kamay ko sa sobrang inis. Pero bigla akong kinabahan sa maaari nyang isagot ; kahit na alam kong wala akong dapat iexpect sa magiging sagot nya, parang hindi ko pa rin matatanggap kapag sinabi nyang single sya.

"For now po, focused po tayo sa racing. Sana po talaga makuha ko yung gold." ngiti nyang sagot .

Lumapit sya sa amin, para sa mga susuotin nya at sa kotse ko na hihiramin muna nya para hindi muna maexpose sa mga manunuod ang gagamitin nyang sasakyan.

Nakakainis yung lapel mic na nakakabit sa kanya, hindi sya makapagsalita nang hindi tungkol sa racing, hindi ko rin sya makausap kasi baka marinig din ako. Inis na inis na ako sa nangyayari. Hindi man lang sya nagsasalita at ni ngitian ako bago sya sumakay ng kotse, di din nya nagawa.

ANO BA YON? Hangin lang ba ako? Di ba nya ako nakita? Di ba man lang nya naalala na naandito ang BOYFRIEND nya? Tssss!!

 

~~~~

Natapos na ang pagset-up sa mga camera at ready na rin sya sa may starting line.

Iba na talaga sya na kumarera. She drives flawlessly na parang ang dali-dali lang nyang gawin yung mahirap na bagay. Medyo risky ang pagshishift nya ng gear at hindi masyadong pagslow-down pag lumiliko pero alam ko at nagtitiwala akong kayang-kaya nya, kasi style nya yun e, sya lang ang alam kong babae sa Asia na makakakaya ng level ng driving nya. Halos lahat nagpapalakpakan nang bumaba na sya. Ako, naandito lang sa isang tabi at tinatanaw lang sya. Yung dapat na ako yung unang tatakbo papunta sa kanya, dapat ako yung unang sasalubong at magcocongratulate sa kanya hindi ko magawa.

My Rival, My Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon