Chapter Sixteen - Lucky I'm in Love with My Best Friend

2.1K 51 4
                                    

“Oy Matt, anong isusuot ko bukas pagpunta natin sa Cebu?” tanong ni Sarah sa akin habang nasa daan kami papunta sa isang souvenir and pasalubong shop para naman may maibigay kami sa dadatnan namin doon.

“Kahit ano na lang. Simplehan mo lang ha! Madami akong pinsan doon na kasing edad lang nating dalawa, kaya please lang, wag mong susubukang mag seduce! Ako na lang iseduce mo, basta wag sila!” pagbabanta ko sa kanya.

“Hahahaha. Possessive much bestfriend? Sige, I’ll try, pero effortless na naman talaga ang beauty ko, kahit bagong gising lang, feeling ko ang ganda-ganda ko. Hahahaha!” pagmamayabang nya.

“Sarah, masyado na yatang magaan ang bangko’ mo, kanina mo pa binubuhat e! Hahaha!”

She’s always like that kapag nasa kotse kaming dalawa. Kahit gaano pa kahaba ang byahe, hindi nya ako tinutulugan. Palagi na lang syang nagungulit sa akin at madalas talaga ay nagyayabang na lang sa kung anong kagandahan ang meron sya. Pero ginagawa nya lang ang mga iyon kapag kami lang dalawa ang magkasama. Matagal ko na syang bestfriend kaya kilalang kilala ko na sya. Yun din siguro ang naging advantage ko sa mga lalaking nagpapalipad hangin sa kanya.

Pero ang pagiging simple nya, yun yung pinakahinahangaan kong ugali nya. Kapag may iba na kaming kasama, lalung lalo na yung hindi pa nya masyadong kilala, dinaig pa nya si Optimus Prime sa pagtransform ng sarili nya- from Bubbly to dalagang Filipina; kung ano ang ikinayabang at ikinahangin nya kapag kami lang ang magkasama, yun din ang level ng hiya nya at hinhin kapag may ibang tao nya. At least, sa ganoong sitwasyon, masasabi kong akin sya kasi sa akin lang sya nagbibiro at nang-aasar. Hindi lang simpleng biro, minsan, nambubully na nga sya!

“Bakit ang tahimik mo Matt-matt?” tanong nya sa akin, bumebaby-talk pa, ang sarap-sarap nyang pisilin ngayon sa pisngi, kung hindi lang ako ang nagdadrive, sana kanina pa mamula-mula ang mukha nya.

“Hindi ako tahimik, ang sabihin mo, maingay ka lang! Haha”

“Ganoon ba? Matutulog na lang ako, ayaw mo akong kausapin e!” pumikit sya at nag-attempt na matulog kahit na malapit na naman kami sa pupuntahan namin. Pagod din kasi sya dahil galing kaming pareho sa drill pero nag-effort pa rin syang magjoke-joke para hindi ako mabored sa pagdadrive.  Pinabayaan ko na lang syang umidlip kasi kailangan naman nya yun.

Seeing her sleeping like a baby makes me feel more like I’m her boyfriend. Iba yung feeling na secured na sya sa tabi ko at alam kong ako na talaga.

Hindi naman sa nag-aassume. nararamdaman ko lang talaga na ako na. Hindi ko lang alam kung kelan magiging official at magkakaroon ng label, pero ramdam kong malapit na, malapit na malapit na.

Sarah’s POV

Parang mas gusto ko yung “ganito”, yung tamang friendship lang ang meron. I know he loves me more than I love him pero for me, okay ako sa “ganito”. Pero ano ba yung “ganito” na sinasabi ko ? Yung masaya ako na kasama sya palagi at nagiging magaling akong story-teller kapag sya lang ang kinekwentuhan ko. Mas lumala pa nga yata ang kakulitan ko kaysa dati ; meaning ba nun, mas matibay ang friendship o may romantic feeling na? Ako mismo ang nalilito sa sarili ko e. Help me guys, kapag ba “ganito” ang nararamdaman, friendship pa lang ba talaga o ano na?

Una, gusto kong palagi kaming magkasama, magkausap. Halimbawa na lang sa training camp, kahit na pagod na pagod na kaming lahat, ang taas-taas pa rin ng energy ko para kulitin sya. Grabe !

Pangalwa,everytime na nasa mall ako, at may makikitang item na alam kong paboritong-paborito nya, di ko matitiis na hindi bibilhin yun. Ganoon na naman ako dati sa kanya e, kaya siguro, imenemaintain ko lang yung pagiging bestfriend ko. Siguro!

My Rival, My Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon