~Sarah's POV
Tatlong araw na akong hindi nakakatulog nang maayos. Ginugulo ng dalawang gwapong lalaki ang peaceful kong utak. Dapat naghihilik na ako pero eto ako ngayon, iniisip sila.
No Pressure. Pareho sila ng sinasabi. Pero sino ba naman ang hindi mapepressure, palagi na lang silang nag-uunahan na mapangiti ako. Kapag wala si Marlon, andyan naman si Matt-Matt, ganoon rin kapag wala si Matt, palagi namang andyan si Marlon.
Hindi na natahimik ang cellphone ko at naiinis na rin ako minsan. I'm a text person pero hindi ko gusto yung ngayon, halos sabay sila at di ko naman sila maignore. Tsk.
Isinasama ko na rin sa dasal ko na Sana, bigyan ako ng lakas ng loob ni Lord sa desisyon na gagawin ko..
Lahat ng mga kaibigan ko ay nagpayo na.
"Asher, ang haba ng hair mo girl pero wag mong paaasahin ang isa. Habang maaga pa, pumili ka na."
"Mas bagay kayo ni Guidicelli. Pero ikaw naman ang dapat mag desisyon"
"Kung ako sayo, kay Stockinger ako. Di hamak na mas magaling sya kaysa doon sa isa kasi natututo ka. Kay Matteo, ikaw pa yung nagtuturo minsan."
"Mararamdaman mo na lang ang spark Asher. Ikaw na ! Grabe ! Lakas ng appeal ! Akin na lang yung isa friend "
Kinausap ko na rin si Mommy pero expected ko na kung ano ang isasagot nya. Halos lahat na nang magagandang bagay sinabi na nya tungkol kay Matt-Matt. Kesyo mas mabait daw, mas malapit sa kanya, mas malalim ang pinagsamahan namin, mas gwapo, mas maginoo, lahat na ng "mas" sinabi na nya. Wala talaga akong maaasahang opinyon ni Mommy. Biased sya masyado.
~~
Alas tres na ng umaga pero di pa rin nila ako pinapatulog. Kanina ko pa ikinocompare sa isa't isa yung dalawang mokong na iyon.
Si Matteo at si Marlon, parehong matalino, mabait at higit sa lahat, nirerespeto ako. Ang kalamangan lang ay super crush ko si Marlon.
Ngayon ko lang napagtanto na marami silang pagkakapareho ni Matt-matt . Sigurohindi ko lang talaga naappreciate si Matt kasi di ko naman sya hinangaan gaya ng kay Marlon.
Tsk. Ako ata ang biased ngayon. Pero dapat fair ako. Kawawa si bes.
-------------------------------------
"Sasa, F1 today? Ipapakita ko rin yung bago kong idinagdag sa koleksyon ko. Pwede ka mamaya sa condo?" Marlon told me. Naexcite naman ako sa anyaya nya. I love his Ferrari mini toy car collections.
Pero kung nakakasunog lang ang tingin, siguradong toasted na kami ni Marlon. Kulang na lang ay umusok ang ilong at tenga ni Matt. At alam ko ang iniisip nya at nararamdaman nya. Siguradong galit sya.
"Next time na lang Marlon. After kasi natin dito may lakad pa kami ni My. Pero excited akong makita yung mga nadagdag sa collection mo.“
"Hahaha. Your Mom or si Guidicelli ang reason?“
Nagulat ako sa sinabi nya. Alam kong alam na nilang dalawaang sitwasyon.
Sana naman hindi umabot sa suntukan. Woah ! Bakit naman sila mag-aaway? Aw, assuming ata ako sa part na yon. Tsk!
"Wow. Hayy! Lunch tayo? Matt-matt, sama ka na rin, may pag- uusapan tayo."
------------------------------------------------------
Spell AWKWARD ! Naiinis ako talaga sa nangyayari. Halos hindi na ako makakain kasi tinitingnan nilang dalawa ang bawat pagkilos ko. Mas mabuti pa yung dati, nung friends palang kami nina Matt-Matt, pwede akong mag joke around, hindi ako mahihiyang magburp, pwede akong kumain ng marami. Siguro mas matagal nga ang pinagsamahan namin kaysa kay Marlon.
Noon kasi, pa good shot ako kay Marlon dahil crush ko sya syempre. We became close, pinakita ko yung pagkabubbly ko pero di ko nagawa yung mga habits ko na medyo matuturn-off sya. Di gaya kay Matt-Matt, kahit na anong gawin ko, kahit na anong baho ang malaman nya, palagi nya lang akong tinatawanan. Pero di nya nakita ang pagiging sweet sweetan ko. Kaya napaka opposite ng perception nilang dalawa.
We need to talk. Ayoko ng ganito.
~~
“Wag nyo na lang kaya akong ligawan?" pagsisimula ko ng usapan.
"What do you mean Sasa?"
"Sarah, di ba no pressure?"
"E kasi, kayong dalawa, nakakainis kayo. Gusto ko nang bumalik sa dati . Yung okay tayong tatlo. Ayaw ko na."
"Bakit ikaw ang aayaw? Di ba isa sa aming dalawa ang dapat sumuko?" sabi ni Matt.
"Yeah bro. I agree Sasa, yan ba yung pag-uusapan natin?"
"Di kasi ako makapagdecide. Di ako makapili kasi pareho kayo halos ng ginagawa."
Kung hindi sila titigil, ako na lang dapat ang gumawa ng paraan Tsk Sarah Asher Geronimo, dito talaga ako nabobo . Dito pa !
Hinukay ko na ang lahat ng laman ng utak ko habang ninanamnam nila ang nakahain na dessert. Why is this happening ?
"Okay! Dahil ayaw nyong tumigil, at wala naman kayong magagawa kundi sundin ang kung ano man na desisyon ko, may rules akong ipapatupad! "
"RULES?"
"Oo! At wag kayong magsabay sa pagsagot sa akin kasi pinagtitinginan na tayo ng mga tao!"
Tumahimik na sila at nakinig.
"Una. Ayaw ko na palagi kayong nakabuntot sa akin sa tuwing may training. Si Ivan na lang muna ang isasama ko sa work-out drill para naman hindi maging unfair sa inyong dalawa. Second, I have a car kaya ako na lang ang magdadrive pauwi. Hindi nyo na kailangang magbato-bato pick kung sino ang maghahatid sa akin. Third, ayokong makita na nagbabangayan at nagkakailangan tayo kasi masisira ang team. If mangyayari yun, aalis ako dito at lilipat ako sa kabila, tutal, patapos na rin ang contract ko. Fourth, ang rest day ay rest day, lalo ka na Matt-matt. Wag mo na akong bisitahin, dapat di ba, magpapahinga ako pero pag dumating ka sa bahay, ang gulo-gulo ninyo ni Mommy kaya di rin ako makapagrest. Fifth, kahit sobra ko nang gusto na makita ang mga nadagdag sa koleksyon mo Marlon, hindi muna ako pupunta sa condo mo kasi nga para fair. And Matt, di muna rin ako pupunta sa inyo at kapag nalaman kong ginamit mo si Mommy at Tita para mapapunta lang ako, magsisisi ka kasi alam mo na kung sino ang pipiliin ko. And lastly, ginawa ko yang mga rules na yan para makatulog naman ako nang mahimbing."
"E para mo na rin naman kaming pinatigil sa mga rules na ginawa mo."
"Teka, may ihahabol pa pala ako. Continue nyo na lang ang dapat nyong gawin. Kasi as soon as makagawa ako ng desisyon , sorry na lang sa isa sa inyo ha, kailangan kong mamili talaga kasi ayaw ko ng dalawa."
"E kasi naman si Guidicelli, humabol pa."
"Bro, kung hindi ka dumating , e di sana hindi ko marerealize na gusto ko talaga si Sarah kaya gusto kita talagang pasalamatan. Pero ang masasabi ko lang, wala tong First come, first serve basis. May the best man win na lang."
"Okay. Challenge accepted bro. Oh ano Sasa, okay ka lang ba?"
"Sarah, nilaro mo na yang pagkain mo. Pumapangit ka na oh. Lumulusog pa eyebags mo. Kain ka uy! "
"Hindi naman sya pumapangit . Sige Sasa, kain ka na."
Mas honest si Matt-Matt, I know hindi na ako kasing ganda at fresh tingnan, di gaya ng dati. I don't need compliments for now, kasi alam ko naman sa sarili ko ang totoo. I will give them two weeks para mas makilala pa ako at ganoon din naman sa akin. Para mas malaman ko ang ugali nilang dalawa, para mas intelligent at reasonable naman ang gagawin kong pagpili. Sarili ko lang ang susundin ko at hindi yung opinyon ng iba. Never kong papakinggan ang mga racers at lalung lalo na si Mommy. Ako na lang ang bahala.
All the burdens are on me na simula ngayon. Three weeks, three weeks akong magmamasid sa kanila. Haissstt !
---------------------------------------------------
Author's note:
Sino kaya ang pipiliin ni Sarah? :)
Comment, vote and follow me po. :) Salamat sa lahat ng sumusubaybay :))) <3
~@PopstarDiaries <3
BINABASA MO ANG
My Rival, My Angel (ON HOLD)
FanfictionThis is a Sarah Geronimo & Matteo Guidicelli Fan Fiction or should I call it "Ang Diary ni Matteo" ^_______^ Love Love Love! :)