Chapter Twelve - New Rivals

1.9K 52 6
                                    

“Hoy! Bestfriend, bakit ka nga umiyak kasi?” Pag-uusisa nya sa akin. Naandito na sya sa loob ng kotse ko at kinukulit pa rin ako kung ano ang dahilan kung bakit ako umiyak.

“Wala nga sabi.  Personal matter.” pagsisinungaling ko sa kanya.

“E we used to talk about our personal matters right? Matt-matt, I know may tinatago ka sa kin.”

Oo, may itinatago ako sayo. Pero sa tingin ko, hindi ko na masasabi pa sayo.

 

“Hmmm. Busted na ako kaagad kahit di ko pa nililigawan.”

“Marami pa namang iba di ba? Tsaka ikaw pa, ang gwapo gwapo mo kaya, wag mo ngang aksayahin ang luha mo sa isang babae na di ka naman deserved. Cheer-up bes, Tsk.”

“Ang love pala pag sineryoso mo na, nakakasakit din.” I faked a smile, “Oo nga ano, ikaw na yung may sabing gwapo ako. Don’t worry Sarah, inilabas ko lang yung nararamdaman ko kanina.”

“Ngayon ko lang nalaman na umiiyak ka pala. I guess marami pa akong hindi alam sayo pero  parang mahihirapan tayong makacatch-up sa isa’t isa kasi di na tayo ang partners. Mamimiss kita bes, ngiti ka na! Alam kong peke lang yan.” She pinched my cheeks at pinilit nya akong pinatawa.

I will miss this girl. Yung kakulitan nya, yung kadaldalan nya, pati yung mga mabababaw na kwento nya at lalung lalo na yung challenges namin sa isa’t isa. Iba pala kapag nakasanayan mo na tapos biglang mawawala.

-----------------------------------------------------------

It’s been a month since magkahiwalay kami ni Sarah sa training. Pero hindi pa rin nawawala ang paghanga na nararamdaman ko sa kanya lalo na ngayong patuloy pa rin sya sa pag-excel sa ginagawa nya. Sa tulong ni Marlon, she was starting to drive F1. Ang astig nyang panuorin kapag nagdadrive sya.

She’s still the same Sarah na kaibigan ko, same bonding, same way of conversations. Walang nabago. Pero nangyayari lang yun kapag wala si Marlon.

~~~~~~~

Rest day naming lahat ngayon dahil babawiin namin ang stamina para sa mga susunod na araw. Todo todo ang gagawin naming paghahanda para sa Asian League na gaganapin sa susunod na taon, limang buwan mula sa araw na ito. Pero hindi ito naging pahinga sa akin dahil nasa bahay sila Tita at si Sarah. Magulo pa sa magulo ang dalawang bisita na ito.

“Ma, akyat lang kami ni Sarah sa kwarto, mag Xbox lang. Tawagin nyo na lang kami pag okay na ang meryenda.”

“Pumunta ka sa kwarto ko anak, may condom doon sa bathroom. Hahahaha. Oh, sasamaan nyo na naman ang tingin nyo sa aming dalawa ng Tita mo? Nagjojoke lang naman kami e. Sige, mag-enjoy kayo.”

“Oo Ma, at bahala kayong dalawa ni Tita kapag nabulunan kami ni Sarah mamaya kasi alam kong pag-uusapan nyo na naman kami behind our backs.”

“Kilala mo na talaga kami iho.” tawang tawa si Tita sa kalokohan nilang dalawa. Parati na lamang silang ganyan. Hindi sila tumitigil sa pang-aasar sa aming dalawa. Wala talaga silang sawa.

My Rival, My Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon