Kababalik lang ng team galling Japan dahil sa International Cup na sinalihan namin. Fortunately, pumasok ang tatlo sa amin sa qualifying para sa finals na gaganapin sa US.
Kasama nga pala ako sa tatlo kaya nagyayabang na naman ako kay Sarah na inggit na inggit kasi hindi sya nakasali sa event dahil hindi na umabot yung requirements nya kasi nga kagagaling pa lang nya from America noon. :)
“Coach! Congrats po sa inyo!” Sinalubong kami ni Sarah na kagagaling lamang sa pagpapractice.
“Salamat Asher! Sana nakasama ka sa amin ano? Sigurado na pasok ka rin sa Finals!”
“Next league na lang po coach. Sisiguraduhin kong kasali na talaga ako.” She looked at me na para bang pinatatamaan nya ako.
Halos dalawang linggo na rin noong huli ko syang nakausap. We became so busy preparing for the race at hindi ko na sya nakakamusta man lang.
Siguradong marami na naman syang ikekwento sa akin! Tsk! Akala ko ba hindi sya nadadaliang mag- open-up sa ibang tao, pero simula noong Reunion Party, noong nakausap ko sya, hindi na sya paawat sa pagkulit sa akin na makinig ako sa kanya! Aba naman! Tsk!!!
“Matteo! Dalaw ka raw sa bahay sabi ni Mommy.” Sarah told me bago sya umalis.
“Ha? Pagod pa ako, papahinga muna ako siguro, pakisabi na lang kay Tita o kaya tatawagan ko na lang sya mamaya.”
“Okay! Ako na lang magsasabi. (whispers) Sayang, may ibibigay pa naman sya sayo. (smiles)”
“Ano yung sinabi mo?”
“Wala, wala, and sabi ko, ‘Congrats po sayo’!”
“Aisssst! Pupunta na ko mamayang gabi sa inyo! Pabulong-bulong ka pa dyan, sigurado namang ikaw yung nagpapapunta sa akin kasi marami ka na namang sasabihin! Miss mo lang ako ano?”
“Wow! Gian Matteo, napakaassuming mo nga rin ano! Tandaan! Ang Lesson number one mo sa akin, ‘BAWAL MAG-ASSUME’. Hahaha. Sige! See you later and si Mommy talaga yung nagpapapunta sayo, may ibibigay daw sayo e.”
“Okay! Ingat!”
~~~~~~~~~~~~
Pumunta nga ako sa kanila nang mga alas otso ng gabi. Todo ngiti si Tita sa akin nang makita nya ako sabay abot ng isang prototype mini Bumble Bee na binili pa nya sa isang auction website. Hindi nya sinabi sa akin yung presyo pero alam kong sobrang mahal noon.
“Bakit sa akin nyo po binigay ito? Bakit hindi po kay Sarah?”
“Naku, meron na syang ganyan, binili nya noon. One of the cars sa Death Race yung kanya (smiles). Congrats nga pala iho ha! We’re so proud of you.”
“Salamat po Tita. Thank you po dito.”
Ready na ang dinner pero di pa din bumababa si Sarah. Ayaw ko namang kumain agad nang di pa sya bumababa. Parang nakakahiya naman yun sa may bahay.
“Matteo iho, bakit di mo ginagalaw yung pagkain?” tanong sa akin ni Tita habang inihahanda ang juice para sa akin.
“Si Sarah po?”
“Pinatawag ko na. Kausap lang si Kevin nya.”
Kevin? Yung boyfriend? Friends ba sila ulit?
“Ah,ganoon po ba? Mukha nga pong masarap yung food Tita. Kain po tayo.”
Nakakatatlong subo pa lang ako nang dumating sya. Oo, maganda nga sya pero nasanay na ako sa presence nya kaya di na gaya noong nakita ko sya after nyang umuwi galing US.
BINABASA MO ANG
My Rival, My Angel (ON HOLD)
FanfictionThis is a Sarah Geronimo & Matteo Guidicelli Fan Fiction or should I call it "Ang Diary ni Matteo" ^_______^ Love Love Love! :)