Chapter Nine - Bestfriend Zone

2.1K 40 3
                                    

I still remember that day when she said that I’m the one who broke up with her boyfriend. That day na wala syang ginawa kundi kulitin ako. She’s really annoying.

“Hoy Matteo, bakit di ka kumakain? Treat ko naman ah?”

“I can’t believe you have a very large appetite. Hindi ka na tumitigil sa pagnguya kanina pa!”

“Fiber to hindi calories at carbs! Tsaka look, okay naman yung katawan ko. Pasadong pasado ako sa monthly check-up at isa pa, alam ko kung paano imemaintain yung figure ko. Kumain ka na nga lang! Minsan lang ako nanlibre.”

“Fine!”

-----------------------------------------------

Sarah always does the talking lalo na kapag magkasama kaming dalawa. Bumibisita ako sa bahay nila at ganoon din naman sya. Palagi kasi kaming iniinvite ng mga Mommy namin.

Everytime na may mini tournament kami sa camp, palagi syang umaalalay sa kotse ko. Sobrang nakita ko sa kanya yug pagmamahal nya sa sasakyan nya at ginagawa nya rin iyon sa kotse ko. Dahil pakiramdam ko ay may utang na loob ako sa kanya kaya ganoon din ako sa kotse nyang si Betty daw.

Bakit kasi may nalalaman pang ganoon ang mga babae.

~~~~~

Some camps challenge us sa isang competition kung saan involved ang mga high profile na gamblers na suki na ng malalaking casino ng bansa. Okay lang sa amin na pagpustahan kami kasi may permit naman at hindi ilegal ang giinagawa namin.

It was a race na nakaseparate ang gender ng mga racers. Pero hindi biro ito kasi di gaya ng mga usual naming laban na halos magkaka-age bracket, ngayon ay walang divi-division.

Tsk. I know I had enough training kaya gagawin ko na lang yung makakaya ko.

“Hoy Matteo, wag kang kabahan. Kahit na kalaban mo pa si coach. Hahahahaha. Basta tandaan mo yung tips na binibigay ko sayo during training.” She was smiling na para bang hindi nya first time na sasalang sa ganito. Mauuna ang men’s division kaya nandito si Sarah, kasama ng maintenance team.

“Bro! Kitams! Andyan si Asher, susuportahan tayo e este ikaw! Hehehe. Ano na bang score mo sa kanya?” Ang dakilang si Ivan na wala nang ginawa kundi asarin kaming dalawa simula noong nalaman nya na single na si Sarah.

“Hoy Ivan, pag nasiraan ka di kita tutulungan!” I can’t help it but smile at  Sarah’s smirk at Ivan. Kahit na kilala ko na sya bilang makulit at maingay na babae, di ko akalain na para talaga syang bata kung umasta sa harap ng mga kaibigan nya.

Bahala na to. Wala man lang akong nasesense na fear kay Sarah kaya kung ganyan sya, dapat kaya ko rin! Di ako papatalo kasi di rin sya basta-basta magpapatalo.

I did all what I got on my sleeves. Nilabas ko na lahat yung alam ko at yung mga natutunan ko sa experience at sa tips ni Sarah pero in the end, talo pa rin ako.

Totoo nga yung sinabi ni Coach na kailangan ko pa ng mahabang panahon bago ko maabot ang level ng mga iniidolo kong racer.

“Matteo, ang galing mo kanina!” Sarah held my arm as a sign na natuwa sya sa nakita nya. Ganoon sya katouchy, hindi matatapos ang araw na hindi nya ako hinahawakan o kinukurot. Sakit na nya yun!

“Anong magaling doon? Halos ang layo noong mga nanalo. Naiwan ako masyado!”

“Sus! Nabeat mo yung record mo kaya magpakasaya ka. Magagaling talaga yung nakalaban mo tsaka ganoon din sigurado sa part ko pero kahit na ganoon, kailangan pa rin nating lumaban kasi sumali tayo dito di dahil sa fun-fun lang. Gusto nating manalo at marecognize. Kaya cheer-up Matt-Matt!”

My Rival, My Angel (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon